Nueve

570 13 2
                                        

Maagang umalis ng bahay si Jack lalo na't may pasok siya ngayon. Maaga rin akong nagprepare ng breakfast namin. Mula pa kahapon ay hindi kami nagpapansinan hanggang kaninang umaga dahil mabigat pa ang loob ko sa kanya sa sinabi niya kahapon. He didn't greeted me but I greeted him a good morning pero hindi ako tumingin sa mga mata niya. Sinadya ko talagang maligo habang siya ay kumakain at nang matapos akong maligo ay nakaalis na siya sa bahay.

Hindi ko alam kung anong problema niya kahapon at bigla na lang naging ganoon ang pagtrato niya sa akin. Siguro, nahihiya siya sa mga kateammates niya na ganito lang ang asawa niya. At alam ko namang sa simula pa lamang ay ikinahihiya niya na ako at ayaw niya sa akin.

Pinunasan ko ang mainit na likidong dumaloy mula sa aking mga mata. I shouldn't be crying. What's new? Parang bumabalik na ata kami sa daily routine namin.

Biglang nagring ang phone ko and without hesitation, sinagot ko ito. Hindi ko tinitingnan ang caller basta sinagot ko lang ito.

"Hello," my voice broke.

There was a huge gap of silence at agad na namatay sa kabilang linya.

Tiningnan ko ang caller at muntik ko nang maibato ang aking cellphone nang makitang si Jack pala ang tumawag.

Parang akong nahiya kaya dinelete ko ang tawag niya sa call logs. And now, he had a hint na nagdaramdam pa rin ako sa ginawa niya kahapon.

Sa ikalawang pagkakataon ay nagring ulit ang phone ko and this time tiningnan ko ang caller at si Alisa. Walang pasubali ay agad ko itong sinagot.

"Von... I need you right now, please." nanghihina ang boses ni Alisa.

Agad akong nataranta lalo na't buntis siya at baka ano ng nangyari sa kanya ngayon at siya lang mag-isa sa bahay niya.

"Okay, I'll be there as much as possible." I ended the call.

Agad akong nagpalit ng damit at tumatakbong pumunta sa kalsada. Medyo malayo-layo pa naman ang kalsada mula rito sa amin kaya hinihingal akong nakarating sa kalsada at pumara ng taxi.

Nang makasakay na ako ng taxi ay tinext ko si Jack habang nanginginig pa ang aking kamay.

Nandito ako kina Alisa. May importante raw kaming pag-uusapan. 'Wag kang mag-alala nilock ko ng maigi ang pinto.

Nang makarating na ako sa bahay niya ay agad akong nagdoorbell at ang nagbukas ay ang kanyang kasambahay.

"Hello po, Ate Mercy. Nasaan ho si Alisa?" nakangiting bati ko sa kasambahay niya.

Ngumiti nang malungkot si Ate Mercy habang papasok kami sa sala. Sa totoo lang, malaki itong bahay ni Alisa, e. Mas mabuti talagang dadamihan niya ang kanyang anak upang maraming swerte. Narinig ko noong nasa bahay ampunan pa ako na kapag marami daw ang anak, ibig sabihin marami ang swerte.

Huminto kami sa isang pintuan na batid kong kwarto ni Alisa. Binalingan ko si Ate Mercy at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"Kagabi pa hindi kumakain si Alisa. Umiinom lang siya ng tubig kagabi at kaninang umaga kaya masaya akong bumisita ka."

Naguluhan ako, "Pinapunta ako rito ni Alisa at parang ang laki ng problema niya Ate."

Agad siyang napangiti at tumango sa akin, "Pumasok ka na."

Nang makapasok na ako ay nakita ko si Alisa na nakatanaw sa bintana. Hindi nakalock ang pintuan kaya ako nakapasok dito at agad ko rin itong isinara. Lumipad ang mga kamay ko sa aking bibig. Lumingon si Alisa sa akin at kitang-kita ko kung paano namuo ang luha sa kanyang mga mata.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon