Treinta y tres

537 11 3
                                        

Ilang araw simula noong bumalik ako rito sa bahay namin at nagpagdesisyunan naming dalawa na maglabas ng eksplinasyon tungkol sa isyu na aming nakasangkutan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakasundo sa isang bagay.

"Jack, they have to know about the annulment." pamimilit ko sa kanya. Dapat kaming magpapakatotoo sa kanila!

"We don't have to let them know about the annulment. And you're not getting annuled, Von." kalmadong sabi niya habang nakatitig sa akin.

Iyon nga ang point ko. At kahit inaatras ko na ang annulment kailangan pa rin naming itong isiwalat na minsan nang hindi nagwork ang relasyon naming dalawa ngunit dahil sa mga pagsubok na ito naging matatag kami at hindi nagpadala sa mga alon.

"We have to, Jack." pinal na sabi ko sa kanya.

Tumitig lang siya sa akin kaya nagsalita ulit ako.

"Dian texted me to met him at a private place. He'll have his apology. You can always make the press come here after I talked to Adrian."

Umiling siya at mas lalong nandilim ang paningin niya, "Does it matter? The most important thing is our side, Von."

Ang usapan kasi namin ni Adrian na mag-eexplain kaming dalawa sa isang video na walang malisya iyong kumalat na litrato naming dalawa. Iyon ang naging plano namin upang malinis din ang pangalan niya ngunit I don't know if Jack's being selfish or jealous. I dunno!

Nagsalubong ang aking kilay, "He's part of this controversy, Jack. Don't be selfish!"

"Jack, damay din dito si Adrian at buti na lang hindi siya nagalit sa akin." kalmado kong sabi sa kanya.

He just stared at me for awhile, "I can't stop the press. They'll be here at four. It depends on you, Von." nag-iwas siya ng tingin at mas bumilis ang kanyang paghinga.

"Jack, huwag mo naman akong papiliin."

"I'm not letting you choose between me and your colleague but I think I got the best decision for this." dismayado niyang sagot sa akin.

Parang nagpanting ang aking tenga sa kanyang sinabi. Best decision? Best decision ba ang pagiging inconsiderate?

"Okay, you'll do your own public apology and I'll do mine." malamig na sabi ko sa kanya.

Napag-usapan kasi namin na papupuntahin dito ang iilang panauhin ng media upang kuhanan kami ng pahayag. Ang usapan din namin ni Adrian ay four p.m dahil may pasok pa siya sa trabaho at naunang lumapit sa akin si Dian na kailangang magpublic apology naming dalawa tungkol sa litrato dahil kahit papaano ay damay din naman siya rito. I agreed to his proposal and I thought Jack would agree but he never did.

Nandito kami ngayon sa isang high-end restaurant at kasalukuyang pinaplano kung ano ang sasabihin namin. Nang matapos kaming nag-usap ay agad na tumungga si Dian ng wine gamit ang isang shot glass.

"Pampawala ng kaba," napansin niya siguro akong nakatingin ako sa kanya.

Out of curiousity ay tumungga ako ng isang shot glass pero puno ito. Kinakabahan din ako at baka may mali akong masabi sa interview na ito. We are going to do this together with live audience at alam namin na marami nang nag-aabang sa amin ngayon kaya kinakabahan ako.

We'll be using Dian's account for this video. He already announced it on social media that we'll be entertaining only five questions.

Nilagok ko ang isang shot glass na may lamang Knappogue Castle 1995. Medyo kumunot ang noo ko dahil sumalubong sa aking bibig ang medyo maanghang nitong lasa ngunit napalitan naman kaagad ito ng lasang sitrus. I also tasted sweet vanilla on my mouth. Ang complicated naman nitong wine na ito.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon