Cinco

769 14 3
                                        

"Yvonne, hija kailan niyo pa balak na magkaroon ng anak?" mahinang sabi ni Mama Lourdes habang nakahiga sa kanyang kama. She's already bedridden.

She looked at me intently and it drifted to Jack and to back to me once again. Parang sa kalagayan ko ngayon, pinipressure niya kaming dalawa na magkaanak. Ni hindi pa nga kami naghalikan talaga na sinsero sa kalooban naming dalawa iyon pa kaya? Iyong bumuo ng bata?

Tumikhim si Jack at nag-iwas ng tingin, "You know Mom, everything happens for a reason. Hindi naman namin mapipilit kung hindi pa talaga ito ang panahon namin na bigyan ng...anak."

Tumango-tango naman ako, "Oo nga, Ma. In God's will po." at ngumiti ako ng matamis kay Mama Lourdes.

"Tsaka, we're on the process na naman po. We're still adjusting and everyday became better and better."

Yes, sanay kasi ako na maraming kasama sa bahay dahil laking bahay ampunan ako. At siya naman, sanay na siya lang mag-isa. Hindi pinapakealaman ang gusto niya at gusto niya ring siya ang masusunod lagi but we're married now. What matters the most is his and my decision.

Ngumisi siya, "Good. Huwag kayong gumamit ng proteksyon, ah. Hindi naman kasi mahirap makabuo, just adjust and enjoyin niyo lang ang---"

"Mom!" awat ni Jack.

"What, Jack? I'm just trying to lighten up the atmosphere para hindi naman kayo mastress diyan. Tingnan niyo, oh. Parang nahotseat kayo bigla sa akin." at agad na tumawa si Mama Lourdes.

Napasapo sa kanyang noo si Jack at seryoso siyang tiningnan. Nagpipigil din ako ng ngiti dahil namumula na si Jack sa inis. Hindi ko alam kung naaawkward din ba siya o ako lang ang nakaramdam nito pero sa tingin ko ay kaming dalawa ang nakaramdam nito.

"Mom, better if magpahinga na kayo. Baka makasama pa iyan sa inyo." mahinahong sabi ni Jack.

Nawala ang ngisi sa mukha ni Mama Lourdes at agad itong napalitan ng pilit na ngiti. Tinapunan niya muna ako ng tingin bago ito ibinalik kay Jack.

"Masaya ako sa inyo. Kahit mamatay na ako ngayon..."

"Mom,"

"No, son. I'm contented now. Kuntento na akong lumagay ka na sa tahimik. Basta ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari ay hindi kayo maghihiwalay. Na bibigyan niyo ako ng apo kahit na mamatay na ako."

Pinikit-pikit ko ang aking mata dahil sa sinabi ni Mama Lourdes. I was moved by what she had said. Kung nandito rin kaya ang mga parents ko, would they say such words like those?

Sa totoo lang, napakaswerte ni Jack sa kanyang pamilya. Naalala ko lang noong nasa ikaapat na baitan pa lang ako ay kapag pinapadala kami ng family picture ay aabsent ako sa mismong pasahan ng assignment. Wala kasi akong family picture. Meron akong family picture sa ampunan kasama ang mga batang kagaya ko at iilang mga madre ngunit sa totoo kong mga magulang ay wala.

Minsan ko nang naitanong si Mother Superior kung nasaan ang mga magulang ko. Sabi niya, ang mama ko raw ay isang ordinaryong babae na namamasukan sa isang mayamang bahay sa Cagayan de Oro. Ang papa ko raw ay isang politiko sa Maynila. Ngunit minsan ay bumabakasyon si Papa sa Cagayan upang asikasuhin ang kanyang farm at doon siya tumutuloy sa pinagtatrabahuhang bahay ni Mama. Habang nagtatrabaho si Mama sa bahay ni Papa ay nahulog ang loob ni Mama kay Papa not knowing na siya pala ay isa sa mga kabit ni Papa. My mother died because of suicide. Pinatay niya ang sarili niya dahil sa hiya. Kumalat daw kasi ang balita na may nabuntis si Papa na isang katulong sa Cagayan and they figured out na si Mama ito. Nagtago si Mama sa Visayas bago pa ako maisilang at nang maisilang niya na ako ay pinatay niya na ang kanyang sarili.

Hindi na maalala ni Mother Superior kung sinong nagdala sa akin dito Maynila. On the following year, namatay si Papa dahil sa isang terorist bombing habang nangongompanya para sa eleksyon.

Isang pagkakamali na nabuo ako ngunit nagpapasalamat akong sa bahay ampunan ako lumaki dahil estranghero ang lahat sa isa't-isa at hindi basta-bastang nanghuhusga.

Nabigla nalang kami nang biglang nanginig si Mama Lourdes. Jack and I panicked. Napaatras kaming dalawa ni Jack.

"I'll call the doctor!" natatarantang sambit ni Jack habang patakbong lumabas ng room.

I saw how Mama Lourdes' body shaken while her eyes are still closed. Tumulo ang luha ko at nilapitan siya. My eyes began to water as I touched her cheeks.

"Mama! Lumaban po kayo!" tuloy- tuloy ang pag-agos ng aking luha.

Nang dumating ang iilang nars at doktor ay inilabas agad nila ang katawan ni Mama Lourdes mula sa room na ito.

Tumakbo kami ni Jack sa kung saan man dadalhin si Mama Lourdes ngunit nang tuluyan na silang makapasok ay nanatili na lamang kami sa labas upang maghintay sa resulta.

Dumating na rin ang magkakapatid na si Fifi at Lord na batid ko'y tinakbo ang distansya ng parking lot hanggang dito. Habol hininga sila nang makaupo.

"Anong nangyari kay Tita? Kumusta siya?" agad na tanong ni Fifi.

"Nasaan si JM?" si Lord naman.

"Uh, hindi pa n-namin alam ang r-resulta. Lumabas si J-Jack."

I was stuttering lalo na nang nakita kong papalabas na ang doktor. Hindi ko mabasa sa kanyang mukha kung ano ang hatid niyang balita.

"Sino po ba ang pamilya ni Mrs. Lourdes Montealegre?"

"Ako po,"

Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakabalik na pala si Jack. I saw how puffy his eyes was. His nose was still red and ang tenga niya ay namumula pa rin.

"We did everything we can do to make the patient survive but her body couldn't handle the medications anymore." malungkot na sabi ng doktor.

Agad na napahagulgol si Fifi ngunit nandiyan ang kanyang kapatid upang damayan siya. I also comforted Fifi habang napaupong umiiyak.

Nang umayos ang pakiramdam ni Fifi ay agad kong nilingon si Jack na kasalukuyang nakahilamos ang kamay sa kanyang mukha. I hugged him and patted his shoulders.

Namumula ang mukha niya habang nakahilamos ang kanyang kamay nito.

"Iiyak mo lang iyan, nandito lang ako." saad ko sa kanya.

Agad niyang tinanggal ang kamay ko at umalis. Kanina, papaiyak lang ako nang malaman kong patay na si Mama Lourdes pero ngayon naiyak na ako dahil ramdam na ramdam ko na wala akong silbi at hindi ako masasandalan tuwing may problema siya at pakiramdam ko marami akong pagkukulang bilang asawa.

"Give him time right now, Von. Hayaan mo siyang mapag-isa muna. He needs to heal things but please do promise us na in the process of his healing, sasamahan mo siya." seryosong saad ni Lord.

Napatitig ako sa nakasandal na si Fifi sa kanyang balikat at kasalukuyang nakatulog. Ang sarap siguro kapag kay kakampi ka sa mundong ito. Kabaliktaran sa akin, wala. Wala ni isang tumulong maliban na lang kay Mama Lourdes. At ngayong wala na siya, sino na lamang ang tutulong sa akin? Pakiramdam ko nasa isang islang pinapalibutan ng tubig at ako lang mag-isa ang tao. Wala ni isang tutulong at patuloy na naghihintay na makalabas.

I guess ganoon din ang nararamdaman ni Jack. Ngayong wala na ang kanyang Mommy at Daddy, ang sarili niya na lang ang kakampi niya kaya sasamahan ko siya sa hirap at ginhawa. Magtutulungan kaming dalawa hanggang sa malampasan namin ang mga kinakaharap na problema.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon