Tahimik kaming kumakain ng agahan nang may bigla akong naisip.
"Jack..." tawag ko sa kanya at tiningnan niya ako pero nahihiya ako sa sasabihin ko ngayon pero diba dapat lang naman sa amin iyon?
"Hmm..."
"Uh...diba hindi pa tayo naghohoneymoon?" nag-aalinlangan kong sabi sa kanya.
Tumigil siya sa pagkain at tiningnan ako ng seryoso na tila ba binabasa niya ang mga emosyon ko. Hindi ko rin mawari kung anong tumatakbo sa isip niya dahil ang hirap niyang basahin at kapag ganito he'll just gave me a plain look.
Nagpatuloy siya sa pagkain at parang hindi narinig ang sinabi ko. Agad akong nadapuan ng hiya kaya nakaramdam ako na kailangan ko iyong bawiin dahil para naman siyang walang pakialam.
"Uhm...alam ko namang busy ka sa trabaho mo kaya okay lang na huwag na." tumawa ako ng pilit at nginitian siya ngunit hindi siya ngumiti sa akin pabalik.
Nauna akong natapos sa pagkain kaya agad kong hinugasan ang aking pinagkainan. Hinugasan niya rin ang kanyang pinagkainan kaya lumayo na ako sa kanya at nilagay ito sa lalagyan.
Bago pa man ako makaalis sa kusina ay nagsalita siya.
"Stay in my room. May pag-uusapan tayo."
Hindi na nagsalita at pumunta agad ako sa kwarto niya. Nakahiga ako ngayon nang bigla siyang dumating at sinarado ang pinto. Agad akong napabangon dahil kilala ko si Jack. Hindi siya basta-bastang nagpapahiga sa kanyang higaan.
"Ah sorry ang lambot kasi ng higaan mo," nahihiya kong saad.
"Do you want me to change your bed? Iyong ganito." he offered but I declined.
"Hindi na, komportable naman ako doon, e. Tsaka magagastusan ka kapa kapag bumili ka ulit."
Tiningnan niya lang ako at nag-iwas ng tingin. Umuga ang kama nang bigla siyang tumabi sa akin kaya napaayos ako ng upo. Matagal-tagal muna bago siya nagsalita.
"Do you really want a honeymoon?" his eyes were dark while looking intently at me.
Para akong isang bihag na kakainin ng isang leon kaya agad akong napaatras. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at agad akong nag-iwas ng tingin.
"I-I didn't said that," kinakabahan kong sabi.
"But you opened this topic so I bet..." his voice turned husky and he's now looking at my...lips.
"Jack, p-parang ang lapit mo na ata s-sa akin."
Pumikit siya ng mariin at nanggigigil na tinalikuran ako. Pumunta siya sa may bintana at malayong nakatanaw. Nakasandong puti lang siya ngayon at nakashorts ng khaki. Kitang-kita ko ngayon ang malapad niyang likod. Napalunok ako nang dumako ang tingin ko sa kanyang mga pormadong bisig.
"Jack, okay ka lang ba?" nagsalita ako upang walain iyon sa aking isipan.
Tumango siya at bumuntong hininga habang hindi pa rin ako nililingon.
"You know, just go straight to the point. You opened the honeymoon topic but you also don't want to. Ano ba talaga ang gusto mo?" I can sense the irritation on his voice kaya nilapitan ko kaagad siya.
"I know hindi ka pa ready sa ganoong bagay at saka ako rin pero natanong—"
"What if I'm ready, huh?" hamon niya sa akin.
I was caught off guard on what he have said. Paano nga kung ready na siya? Pero ako hindi pa?
I sighed in frustration.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...