Mugto pa ang aking mata kakaiyak kagabi. Kahit anong lagay ko ng concealer ay hindi pa rin naiibsan ang itim sa ilalim ng aking mata. Pulang-pula pa rin ang aking mata mata hanggang ngayon na para bang nagkaroon ng sore eyes. Lintik, para ako nakadroga nito. Marahas kong itinapon ang concealer sa kama ko.
Hinablot ko ang aking backpack at nangalkal ng isang sunglasses. Buti na lang talaga at nagdala ako ng ganito. Isinuot ko ito at pakiramdam ko nabagay ito sa akin kaya kinuha ko na ang aking maleta at backpack.
Nakapagpaalam na ako sa land lady na aalis na ako rito. Pumayag agad siya sa gusto ko. Bayad na rin kasi ang isang buwan ko rito kaya wala na siyang dapat ikabahala kapag aalis ako at isa pa, nilinisan ko na ito kaninang umaga.
Eight a.m ang flight ko at malapit na mag seven kaya nagdesisyon akong tumulak na. Naiiyak na naman ako habang papalabas ako at dala-dala ang aking mga gamit.
Maybe it's too much for me to stay here. Akala ko makakatakas na ako sa sakit na iniwan ko sa Pilipinas pero sinundan pala ako. One thing I realized, you should never run away if you're right kasi magmumukha kang guilty. It's time for me to face the painful truth.
Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala namin? Na nagtaksil ako? Sana naman walang nakaalam ng sitwasyon namin ni Jack. Sana.
Mahigit isang oras na akong naghihintay dito sa airport at sa wakas, tutungo na kami sa Pinas. It's a long ride but I know it's gonna be worth it. Makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko.
Adieu for now, Greece.
Habang nakatanaw ako sa mga alapaap sa aking gilid ay nakapag-isip-isip ako. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama si Jack dahil iyon ang gusto niya. And eventually, nahulog din ang loob ko sa kanya. I was challenged. Kasi masungit siya, arogante at parang lahat ng negative characteristics nandyan na sa kanya ngunit nakita kong hindi pareho ang trato niya sa akin at sa ibang tao.
Pinaniwala ko ang sarili ko na mababago at mapapaamo ko siya ngunit hindi. Noong bago pa lang kaming ikinasal ay palagi akong nagtataka kung bakit palagi niyang hawak ang cellphone na para bang mayroon siyang katext at minsan umaalis ng dis oras na ng gabi. Hindi ko maintindihan noon kung bakit dahil sobra ang ang paniniwala kong hindi siya maghahanap ng iba pero noong narinig ko sa babaeng kausap niya sa kanyang opisina at napag-alaman kong ako pala ang kabit. Parang may relasyon na ata sila sa babae bago pa kami ikinasal.
It was so painful that the words said by his girlfriend stabbed me a million times. Kahit na lumaki ako sa bahay-ampunan, hindi nila hinayaan ang bawat bata na lumaking walang galang. At kasalanan ko rin bang hindi ko man lang nakita ang nanay at tatay ko? Naalala ko lang noong gumradweyt ako ng college. I dedicated it to them pero wala sila at nauunawaan ko iyon. Umiiyak ako noon pagkatapos ng seremonya ngunit ang nandoon lang ay si Mother Superior. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob, inunawa ko na naman iyon na baka balang araw magkikita rin kami.
Gustong-gusto kong magkaroon ng pamilyang buo. Kasi hindi ko gustong iparanas sa mga anak ko na walang nag-aalaga sa kanila, na pakiramdam nila tinapon lang sila sa mundong ito at kung saan saan nakakarating. Ayokong maranasan nila na parang naging kasalanan nila na mabuhay sila sa mundong ito.
I took off my sunglasses and wiped my tears. Hindi pa rin napapagod ang mata ko kakaiyak ngunit ako, pagod na pagod na.
Plano ko sanang tawagan si Alisa ngunit naalala kong tinapon ko pala ang cellphone ko sa basurahan bago ako pumasok rito. Kay Alisa na muna ako tutuloy ngayon baka bukas maghahanap ako ng bagong apartment. Ayaw ko namang maging pabigat sa kanya lalo na't may baby na siya ngayon.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog ngunit naalimpungatan ako dahil sa ingay mga tao. Hindi ko naman malaman ang oras kasi wala akong dalang relo o cellphone man lang. Nandito na pala kami.
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
Roman d'amourJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...
