Hindi ko alam kung bakit pagdilat ng mga mata ko kinaumagahan ay agad kong tinawagan si Dian at hindi na lang tumuloy sa planong magtrabaho sa RD Summit. Nanghinayang siya dahil napakalaking oportunidad daw ito para sa akin ngunit sinabi ko na lang na tinanggap na ako sa trabaho ng kompanyang una kong pinag-aapplyan.
Alam kong malaking kompanya ang RD Summit dahil nagresearch ako kagabi tungkol dito pero may pumipigil sa akin upang doon magtrabaho at magdesisyong manatili na lamang sa kompanya ni Jack.
Maagang nagluto si Manang Linda at nang nagising ako ay nagkakape na siya sa mesa. Dali-dali niyang kinuha ang pagkain nang makita akong papunta na sa mesa.
"Gising na ho pala ka'yo ma'am!" natatarantang sabi niya.
Tiningnan ko siya na at para bang nakuha niya agad ang sinasabi ng aking mata.
"Naliligo pa ho si ser Jack. Hindi pa siya kumakain."
Tumango ako, "I'll wait for him."
Tiningnan ako ni Manang gamit ang nanlalaking mga mata at ngumiti.
Tinulungan ko si Manang sa paghahanda sa mesa. She didn't allowed me but I insisted. Mapilit ako.
"Parang may bago po, ah. Unang beses niyo pong nagsabay sa agahan simula noong nakarating kayo rito." nakangiting saad ni Manang kaya ngumiti lang din ako sa kanya.
Ayaw ko na siyang sagutin. Wala rin akong maisagot, e. Totoo nga ang kanyang sinasabi na unang beses namin ito na sabay kumain simula noong nakarating kami. Ayaw ko kasi siyang makasabay sa pagkain ko kaya madalas akong namamalagi sa kwarto ko at lalabas lang kapag naririnig ko na ang busina ng kanyang sasakyan.
He always drop to my room before he takes a bath. He always kiss me in my forehead. At pakiramdam ko, hindi niya napapansin kung tulog ba ako o hindi kasi nakatakip ang kumot sa aking mukha. Hindi ko alam kung bakit niya rin nahahanap ang aking noo tuwing hahalik siya.
"This is your first time joining me on breakfast, huh. Are you in good mood to join me right now?" nakangisi niyang sabi.
Pinandilatan ko siya at nilingon si manang habang nanonood ng balita.
"Shut up! This is my first time waking up early."
"Hmm...I don't think so, agápi mou." matamis niyang sabi.
Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Hindi ko na lang siya pinansin. Plano kong ignorahin siya buong kainan namin ngunit hindi ko mapigilang magtanong.
"About the annulment..." panimula ko.
Tumikhim siya at sumeryoso. His mood shifted. I don't want him to have bad vibes this morning but I can't wait for his approval.
"Still a no for me, Von." malamig niyang sabi.
"Still no... then we can't do happy moments together." wala sa sariling sabi ko.
Para saan pa ang masasayang oras naming dalawa kung doon naman pala talaga kami patutungo? Nagsasayang lang siya ng oras sa akin at ganoon din ako sa kanya.
"I will always say no, Von. Remember your promise to my Mom?"
Agad na nagsalubong ang aking kilay. Yes, I always respected her choice and decisions and I'll always be even if she's not here anymore! Why does he have to shove it on my mouth?
"I respected her decisions Jack but we're too young at naive at that time." sinubukan kong maging kalmad ngunit lumalabas talaga ang emosyon ko.
"And I'm not." matigas na sabi niya.
"Then what about me?" medyo napalakas ang boses ko ngunit hindi naman napalingon sa amin si Manang Linda.
Hindi siya sumagot kaya tumayo na ako. Tapos na akong kumain kaya ano pa bang gagawin ko dito.
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomantizmJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...
