Tahimik kami habang kumakain ng agahan. Marami akong gustong itanong sa kanya ngunit may pumipigil sa akin upang hindi itanong sa kanya ang mga iyon. I slept in the table laat night. Alam kong hindi siya rito natulog sa bahay namin kahit na pagkagising ko ay nandito na siya. Ni hindi niya nga ako binuhat papunta sa kwarto namin. Mababaw na ba ako nito?
Nagpokus na lamang ako sa aking pagkain. He cleared his throat. Nag angat ako ng tingin at itinuon ito sa kanya.
"The food tastes salty. A little bit,"puna niya.
Gusto ko siyang sumbatan na bakit hindi siya nagpaliwanag kung anong nangyari sa kanya at hindi siya umuwi kagabi. Marami akong gustong itanong sa kanya pero mas ginusto kong kimkimin na lang ito.
"Uh...sorry. Medyo puyat lang ako kahihintay sa'yo."
"Next time, don't bother waiting for me to come home."
I gave him a sign na magpaliwanag ngunit ito lang ang naisagot niya. Pilit akong tumango at ngumiti. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain.
"Pagkatapos mo riyan, pumunta ka sa sala may importante tayong pag-uusapan." saad niya sabay tungo sa sala.
Tumango na lamang ako at binilisan ang paghuhugas ko ng mga pinggan at nilagay ito sa lalagyan at pumunta na sa sala.
I saw him with his laptop and seriously browsing it. Nang mapansin niyang nandito na ako ay agad siyang umayos ng upo at pinatabi sa kanya.
He handed me a fresh printed document. Napakunot ang noo ko sa mga nabasa ko. Bakit may ganito? Umiling ako at ibinalik sa kanya ang dokumento.
"I-I can't accept that. We're married kaya pwede nating gawin ang mga gusto nating gawin. Para saan pa't nagpakasal tayo?" may halong pagkabigo sa boses ko.
"I'm not ready for this, Von! Look, gusto kong magpakasal pero ayaw kong nasasakal!"
"Sinasakal ba kita? In fact, I gave you the freedom you want. Hinayaan kita sa mga gusto mong gawin basta't masaya ka lang." mahinahon kong sabi sa kanya.
Tiningnan niya ako na para bang binabasa niya ang mga emosyon ko.
I held his hands, "Look, ayaw kong nag-aaway tayo..." Hinablot niya ang kanyang kamay palayo sa akin.
"Then sign it! Para wala ng away na magaganap." hamon niya sa akin.
Nakipagtitigan ako sa kanya at bumigay na lang. Kinuha ko ang dokumento sa kamay niya at pinirmahan. Hindi ko na iyon binasa.
"I want a spare copy for this," tinutukoy ang dokumento.
Agaran niyang binigay sa akin ang isang kopya ng dokumento.
Hindi pa man kami tapos magsalita ay agad siyang napatayo dahil sa isang tawag. Pumunta na lang ako sa kwarto ko dahil kabisado ko na, na aalis na naman siya at baka bukas na naman babalik.
1. Financial: What's mine is yours.
Privacy: What's mine is mine.
2. Shouldn't be possesive and gives the freedom I want.
3. No curfews allowed.
4. I don't want a baby.
5. Should take care and understand me.This agreement is valid for six months. You don't know me at all. We're just strangers and by these rules you are able to know me better.
Napatakip ako ng unan sa aking mukha dahil sa aking pag-iyak. Wala nga ba talaga akong saysay sa kanya? I smiled bitterly nang maalala ko kung paano nagsimula ang lahat ng ito. Wala akong karapatan dahil sino ba naman ako? Isang hamak na asawa lamang. Asawa lang sa papel.
Napagdesisyunan kong pumunta sa bahay ng bestfriend kong si Alisa. Maingay niya akong binungad ngunit tanging tipid lang na ngiti ang iginawad ko sa kanya.
"Oh, ano na namang problema ng bestfriend kong bagong kasal?" nakapameywang na sabi niya sa akin.
Tumulo ang mga luha ko at agad na napatakip ng mukha dahil sa kahihiyan. Parang dumito lang ako upang umiyak! Nakakahiya!
Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa tumahan na at agad na binato ng mga tanong.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Ba't ang emotional mo? Buntis ka ba?" sunod sunod niyang tanong sa akin.
Natawa ako sa huling sinabi niya. Sana nga buntis ako baka sakaling hindi na magiging ganito ang sitwasyon namin. Pero ayaw ko rin dahil isa iyon sa mga pinagkasunduan namin.
"Wala, masaya lang ako. Naiiyak din ako kasi hindi ka pumunta sa kasal ko kahapon."
Gusto kong ikwento sa kanya ang mga hinanakit ko pero ayaw ko na ng gulo kaya mas pipiliin ko na lang maging tahimik tungkol sa sitwasyon ko.
"Sorry talaga, ah? Kasi naman itong si Nanay naospital mismo sa araw ng kasal mo. 'Di bale pupunta na talaga ako kapag magpapabinyag ka ng first baby mo." ngumisi siya sa akin.
I feel my face heated kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Aysus! Pabebe pa parang walang nangyari kagabi, ah?" humalakhak siya sa sariling sinabi.
Umiling ako, "Anong pinagsasabi mo? Walang nangyari sa amin kagabi kaya tumahimik ka," mataray na sabi ko sa kanya.
"Sus! Tara gala tayo libre ko. Ipagshoshopping kita para naman may mangyari na sa inyo!" pilyong tumawa si Alisa at napailing na lamang ako.
Classmate ko si Alisa sa kursong Business Management noon. Pareho kaming ng schedule at saka subjects kaya naging magkaibigan kami. She was this outgoing, wild and liberated type of girl. I was bubbly, smiling and the conservative type of person.
We were dean's lister pero hindi niya namaintain iyon at sa awa ng Diyos gumradweyt ako ng Cum Laude.
Nang makarating na kami sa mall ay agad kaming pumasok sa isang store na halos kita na ang kaluluwa sa mga binebenta nila. Hinayaan kong mamili si Alisa at ako naman ay prenteng nakaupo sa couch, naghihintay kung ano ang ipapasuot niya sa akin.
Agad siyang tumili nang makalabas na kami sa mamahaling tinadahan na iyon. Tumawa na lang ako at tinakpan ang aking tenga.
"Diba malapit na ang birthday mo?" excited na sabi niya.
"Malayo pa, September pa iyon. June pa ngayon."
"Hindi natin namamalayan ang araw baka bukas September na. Tsaka bes, huwag ka munang magpapabuntis para masuot mo pa ang mga iyan." she pointed her lips at the bags we brought earlier.
"Sira!"
Nagtawanan kaming dalawa habang nagpalakad lakad sa mall. Hindi naman ako dapat mag-alala dahil wala namang nakakakilala sa akin rito. Our wedding was not televised nor in the newspaper or in any social media sites. Pera ang pinagana ng pamilya. Our wedding was very private na kahit mga waiters ay may pinirmahang kontrata. Nauunawaan ko rin naman kasi alam ko ang pamilya nila. Makapangyarihan, mayaman at higit sa lahat may kayang kontrolin ang mga bagay sa pamamagitan ng pera. Siguro nga kung napag-alaman nilang kinasal na ang isa sa mga lalaking tagapagmana ng mga Montealegre ay binabash na ako ngayon at wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Siguro mas mandidiri sila kung mapag-alaman nilang isang ulila at laki sa hirap ang napangasawa ni Jack.
"Kailan ba ang uwi ni Piolo?" tanong ko sa kanya habang kasalukuyan kaming kumakain sa isang fastfood chain. This time libre ko naman.
"This December siya uuwi. I'm asking him to marry me pero siya ang palaging tumatanggi sa alok ko." tumungo siya.
"Hey, don't worry baka may mga plano lang siya at ayaw niyang pangunahan mo iyon. Siya ang lalaki kaya siya dapat ang magfirst move." sabi ko sabay subo ng broccoli.
"Hello, we're in the modern generation 'wag na tayong magstick na lalaki dapat ang mag fifirst move kasi kadalasan sa mga lalaki ngayon pabebe na!"
Natawa ako sa sinabi niya. Parang ang sagwa naman kung ganoon. Pero marami na akong nakikita sa tv o nababasa na may mga babaeng nagporpose nga pero okay lang naman iyon. Hindi naman nakakabawas sa pagkatao iyon.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...