Swerte.
Iyan ang tanging masasabi ko pagkatapos noong nangyari sa aming aksidente. Hindi ito pangkaraniwang swerte dahil akala ko, mamamatay na talaga kami noon. Pero hindi, sobrang bait ng Diyos at binuhay niya pa kami pero may kapalit nga lang; isang buhay na napakahalaga sa akin.
Habang nakatitig ako ngayon sa malayong parte ng aming bahay ay mas lalo kong nareyalisa na napakaikli lang pala ng buhay ng isang tao.
Ang buhay ng tao ay isang kandila. Ang hangin lang ang nakakaalam kung kailan ka niya papatayin kagaya ng buhay ng tao. Siya lang nakakaalam kung kailan siya magsisindi ng bagong kandila at kung kailan niya hihipan ang ang papalitang kandila.
Agad kong pinunasan ang luhang dumaloy mula sa aking mata. Hinimas ko ang aking tiyan, nagbabakasakaling may maramdaman akong sipa ngunit nabigo ako. Tapos na, wala na ang anak namin ni Jack dahil sa aksidenteng iyon.
Mapait akong nakangiti habang tinitingnan ang palayan sa malayong parte ng lugar na ito. Bakit ka kinuha, anak? Nagkulang ba ako sa pag-aalaga sa'yo?
Halos humagulgol na ako dahil sa sakit ng aking naramdaman. Hindi ko alam kung ilang buwan na akong ganito. Pakiramdam ko patay ako sa mga nakaraang araw o buwan. Hindi ko na alam. At ngayon lang ako umiyak ng ganito pagkatapos noong aksidente.
Nabigla ako nang may humawak sa aking bewang. Tiningnan ko ito at nakikita ko ang mga malulungkot na mata ni Jack na ngayo'y nakatitig sa akin.
"Please talk," he whispered at kissed my forehead.
"Please, Von. Please talk." he plead.
Blangko ko siyang tiningnan habang ang luha sa kanyang mga mata ay unti-unting namuo.
"I'm sorry for letting you save me. I'm sorry for what happened. I'm sorry I didn't even have the strength to protect our baby that time." paos ang kanyang boses habang diretsong nakatingin sa akin.
Wala kang kasalanan, Jack. Wala. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil parehas tayong nangungulila sa anak natin hanggang ngayon.
I have many words to tell him ngunit walang lumabas sa bibig ko. I just wiped his tears and put a smack on his lips.
Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. He excused himself to answer the call but I just nodded. Habang nakatalikod sa akin si Jack ay nareyalisa kong napakaswerte ko sa kanya. Dito na niya dinadala ang trabaho niya simula noong nakalabas kami ng ospital. Hindi niya ako iniwan kahit na aksidente ako. At siya ang naging kasangga ko dahil sa aksidente. Naalala kong siya ang palaging nagpapakain sa akin kahit na nagmumukmok ako sa aking kwarto at laking tuwa niya ng lumabas ako at dito na tumambay sa terasa.
Humihikbing nilibot ko ang aking tingin sa aming bahay. Lumipat kami. Siguro, dahil na rin sa mga nangyari sa amin kaya nagdesisyon si Jack na lumipat ng bahay. At makapagbagong buhay na rin.
Narinig ko ang nanggigigil niyang boses sa kung sino man ang kausap niya ngayon at batid kong galit na siya.
"Fuck! My wife suffered from post-traumatic stress disorder until now and how the hell they can face us without getting guilty!" galit na galit niyang saad sa kanyang kausap.
"J-Jack..." I whispered to keep him calm but I think my voice was too soft for him to hear it.
"Jack,"
Nikita kong nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Umawang ang kanyang labi at nanginginig ang kanyang kamay nang lapitan ako.
"Von?" kahit na naluluha ay nakikita ko pa rin ang saya sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomantikJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...
