Maaga akong nagising kinabukasan. Magtatrabaho na naman ako ngayon sa Taffeta Hall. Nang makapasok ako ay nandoon na si Hazel. Tiningnan niya lang ako pagkapasok ko hindi iyong usual naming batian. Nagpupunas siya sa may counter at nang tinitingnan niya ako bumalik ulit siya sa kanyang ginagawa na tila ba walang nakita.
Nagtaka ako kaya nilapitan ko kaagad siya kahit na didiretso ako palagi sa locker upang magbihis ng apron at ilagay ang aking bag.
"Uy, may problema ba?"
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa na para bang walang narinig mula sa akin. Nagbuntong-hininga ako at nagsalita ulit. Baka may problema siya ngayon sa pamilya.
"Anong problema?" medyo malumanay kong tanong sa kanya.
Hindi niya pa rin ako nililingon kaya hinablot ko na iyong kamay niyang kasalukuyang pinupunasan ang window glass ng restaurant. At dahil doon napatingin siya sa akin. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at kahit mabilis lang iyon nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.
"Hoy, ano ba talagang problema?" napatingin na namin ang aming kasamahan dahil medyo napalakas yata ang boses ko.
"Sorry bes, hindi kita naipagtanggol kay Ma'am." biglang tumulo ang kanyang luha.
Bigla akong naguluhan sa sinabi niya? Anong naipagtanggol ang ibig niyang sabihin? Tsaka sinong Ma'am? Iyong manager dito sa restaurant? At bakit?
Marami akong tanong ngunit nakatingin lamang ako sa kanya ngayon dahil hindi ko alam kung alin doon sa mga naisip ang itatanong ko.
Bumuntong-hininga ako upang ikalma ang aking sarili sa maaaring isagot niya sa akin.
"Magbibihis lang ako," pupunta na sana ako sa locker nang bigla niyang hinila ang aking braso.
"Huwag ka nang magbihis dahil sisisantehin ka naman ni Madamé ngayon."
"Bakit naman?" I'm really frustrated right now kung ano ba ang nangyayari.
"Sabihan mo nga ako kung ano talaga ang nangyari." seryoso ko siyang tiningnan at nakita ko ang pagpunas niya sa kanyang luha na dumaloy sa kanyang pisngi at bumuntong hininga.
"Sinisante ka na ni Madamé rito. Wala akong nagawa dahil kahit na anong gawin at sabihin ko siya pa rin ang masusunod."
Bumuntong-hininga ako at patuloy siyang tiningnan binabasa ang kanyang ekspresyon.
"Bakit daw?" pagod kong tanong.
"Kasi ang paalam mo raw, isang araw ka lang mawawala ngunit umabot ka raw ng tatlong araw."
"Nakiusap pa ako sa kanya na hindi ka sisantehin at bigyan pa ng pangalawang pag-asa ngunit hindi siya kumibo. Ang sabi niya pa na hindi ka naman daw nagigipit ng pera at hinding-hindi magigipit dahil may ibubuga daw ang pamilya mo sa Pilipinas."
Bigla akong kinabahan. Baka...baka may alam siya sa akin. Sa ilang buwan ko ritong pamamalagi ay wala pang nakakaalam ng personal kong buhay maliban na lang sa pag-aapplyan ko ng trabaho at posible pa ring malaman nila kung sino talaga ako kung hahalungkatin nila ang mga papeles ko. May kaya ang asawa ko, hindi ako.
Hindi ako makapagsalita dahil pinangungunahan ako ng kaba. Baka may masabi akong sekreto.
"T-tapos?" nauutal na sabi ko.
"Sabi niya bumalik ka na raw sa Pilipinas."
Parang may kabayong nagkakarerahan sa aking puso. Dahil sa lakas ng tibok ng aking puso ay pakiramdam ko nahihirapan na akong huminga.
Imbes na sagutin siya ay tumango lamang ako sa kanya na para bang wala lang sa akin lahat ng iyon. May pakiramdam akong may nalalaman ang manager namin dito tungkol sa pagkatao ko.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
Storie d'amoreJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...