Sa buhay na ito, maswerte ka kapag nahanap mo na ang makakatuwang mo sa buhay at makakasama mo hanggang pagtanda. Akala ko hindi na ito mangyayari ngayon at tanging sa libro na lang mababasa ang mga ito ngunit nagkamali ako.
Sa totoo lang, hindi kami perpektong tao ni Jack. Marami kaming pagkukulang sa isa't-isa. Marami kaming hindi pagkakaunawaan na humantong sa pag-alis ko rito sa Pinas. Nagpakalayo-layo ako baka sakaling makatulong ito ngunit nagkamali na naman ako, mas tumindi lang ang pagmamahal ko sa kanya. Nagduda ako sa relasyon namin. Muntik na akong bumigay at siya rin ngunit hindi talaga siya sumuko.
Hindi ko alam kung bakit kami nagkakilala at kung ano ang dahilan kung ba't kami pinagtagpo. Akala ko dumating lang siya sa buhay ko para magsungit sa akin. Pero ngayon, sigurado na akong pinagtagpo dahil kami ang para sa huli. Kami ang para sa isa't-isa.
Sa isang relasyon hindi pwedeng ikaw lang lahat. Ikaw lang ang nagmamahal, ikaw lang ang nagsasakripisyo at ikaw lang ang nasasaktan. Dapat may pagkakaisa sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi pwedeng ikaw lang ang nakakaramdam ng ganoon, pero kung ganoon ang nararamdaman mo mas maiging bumitaw ka na at patuloy mo lang sasaktan ang iyong sarili.
"Bes, kumain na tayo," nakangiting sabi sa akin ni Alisa karga-karga si Riven.
Tumango ako sa kanya at itinuon ang ulit ang tingin sa aking long-sleeve at white na mermaid wedding gown. Mamaya ko na masusuot ito. Napakasaya ko ngayon araw kahit hindi pa nagsisimula ang seremonya.
Nakita kong kanina pa tingin ng tingin sa akin si Alisa habang kumakain kaming dalawa.
"Oh?" natatawa kong saad sa kanya.
Ang bait niya ngayon, ah. So far, wala pa siyang kagagahang sinabi.
"Wala! I'm just happy for you." nag-iwas siya ng tingin at natawa ako habang inaabutan siya ng tissue.
"Iiyak mo na lang iyan," natatawa ko pa ring sabi sa kanya.
She used the tissue on wiping her tears and laughed at what I said. Huwag kang ganyan friend! Naiiyak na rin ako!
"Eh kasi naman, e. Hindi ko akalaing siya na talaga ang magiging end game mo and diba this is my first time to attend your marriage." naiiyak na sabi niya.
Oo nga, hindi pala siya naka-attend noong una naming kasal. Pero mas espesyal ito, bakit? Kasi ngayon, mas sigurado na kami. Sigurado na kami sa mga desisyon namin gaya ng pagpapakasal ulit.
"Mamaya na tayo mag-iyakan," tinawa ko na lang kahit na ang totoo ay naiiyak din ako ngayon.
We stayed in a private hotel. Hindi kasi pwedeng magkita kami ni Jack. Hindi rin ako nakatanggap ng balita mula kay Jack simula pa kahapon. Hindi ko maitago ang kaba dahil sa maraming posibilidad na pwedeng mangyari. Hindi naman namin hawak ang kapalaran pero palagi talaga akong nagdadasal na kapag para sa amin talaga ito, walang makakatibag.
Halos lahat din ng bisita ay dito rin natulog ngunit hindi ako lumalabas kaya hindi pa nila ako nakikita. Upang samahan sa pagkain ay dinalaw na lang ako rito ni Ali.
Nang sumapit ang alas siete ng umaga ay dumating ang na ang mga mga mag-aasikaso sa amin. May isang sikat na celebrity stylist akong nakilala. She was very warm and was cheerful while talking to me. Nang matapos na akong mabihisan ay agad na nilagyan ako ng colorete sa mukha. All I did is to stare at the vanity mirror while they were doing their work.
"One more coat for your lips and we're all done!" maligayang sabi ng isang sikat na makeg-up artist sa akin at pumalakpak.
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos na akong ayusan.
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...
