Vientecinco

577 10 2
                                        

Nagising ako dahil sa gutom. I tried to open my eyes pero bakit ang dilim? I shifted my position but instead of hugging my pillow, a hard and muscular built touched my body. Agad akong bumangon pero nahigit niya ako kaya nagpupumilit talaga akong makatakas.

"Von," sabi niya sa mababang boses.

Nang makatakas ako sa mga bisig niya ay agad na nagkailaw. May black out din pala sa sundivision na ito? Papasikat na ang araw ngunit nangingibabaw pa rin ang malakas na tunog ng ulan sa aming bahay.

"Bakit ba ako nandito?" kalmado ngunit may pagbabanta kong sabi.

Tiningnan ko ang aking suot. Nakapajama na ako ngayon at hindi ko alam kung ilang oras ang naging tulog ko at anong nangyari sa akin.

"Anong ginawa mo sa akin?"

He smirked kaya agad ako siyang nilapitan at sasampalin na sana ng unan ngunit nagsalita siya.

"You fainted yesterday. Dito na lang kita dinala sa kwarto ko para mas mabantayan ka. And don't worry si manang ang nagbihis sa'yo pero of course nakatingin ako habang gina—"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinampal ko na siya ng unan. Tawang-tawa siya habang ako ay mamamatay na sa inis ko sa kanya.

Hinila niya ang unan na aking hawak dahilan upang mapahiga ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo at nailang na rin. Para kaming natuod sa aming posisyon.

"I-I'm just kidding." nauutal na sabi niya sa akin.

"Y-yeah," iniwas ko ang aking tingin.

Nabigla kaming nang may tumawag sa aking cellphone. Agad ko itong kinuha at pumunta sa bintana upang sagutin ito. Nakahinga ako ng maluwag. Tanaw na tanaw ko ang langit na medyo madilim pa rin kahit alas séis na ng umaga ngayon.

"Von,"

Tiningnan ko ang caller ngunit hindi ito nakaphonebook. Nilingon ko si Jack at parang leon lang siyang nakamasid sa akin.

"Si Dian 'to!" tuloy niya.

"Ah, good morning! Anong meron?"

Muntik na akong mapasigaw nang may biglang yumakap galing sa likuran ko. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa labas. Kahit na hindi ko ito niloud speaker alam kong dinig niya ang aming pag-uusapan.

Damang-dama ko ang mainit niyang katawan habang nakayakap sa akin ngayon. Matigas din ito kaya napakasarap yakapin...I mean...kahit sino naman...masarap yakapin diba?

"Sinabihan ko na ang boss ko. Pwede ka raw magpasa ng resumé mo bukas na bukas. He liked your credentials kahit hindi pa kayo nagkikita." tumawa siya Dian sa kabilang linya.

Alam kong kahit hindi ko siya tingnan ay nakatingin na siya sa akin ngayon.
Hindi ko na muna siya pinansin
"Talaga? Sige, subukan ko bukas."

Magsasalita pa lamang si Dian ngunit agad itong kinuha ni Jack at pinatay. Padabog niya itong nilagay sa bedside table niya at wala akong nagawa kundi panoorin lang siya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat.

"Ano iyon, Jack?" I tried to sound angry so that he'll reflect na hindi maganda ang ginawa niya.

Nagkibit-balikat siya habang prenteng nakaupo sa kanyang kama.

"No need to work your ass off, you have me—"

Agad akong napahilot sa aking sentido at kalmadong nilapitan si Jack. Umuga ang kama nang umupo ako and all he did is stare at me. His eyes were furious and I can sense it the way he talks.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon