Kumunot ang noo ko nang inilapag ni Manang Linda ang tinitimplang gatas sa harap ko.
"Manang, bakit ang baho nito?" nandidiring itinuro ko ang ang gatas.
"Ha? Ma'am Yvonne, ito po iyong paborito niyo." natataranta niyang saad.
Umiling ako, "Basta po ayaw ko nito."
Ang bantot ng lasa! Hindi ko alam kung expire ba ito o ano.
Ito ang isa sa mga problema ko ngayon nagdaang mga araw. Medyo maselan ako sa mga amoy. Hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam akong dahil ito sa mga problemang pinagdaanan ko noong mga nakaraang linggo.
"Ano po ba ang gusto mo, Ma'am?" nag-aalalang tanong sa akin ni Manang.
Gusto ko ng maputi...the thought of me eating turnip made me crave it more. Tiningnan lang ako ni Manang na para bang tinitimbang niya kung ano ang dapat ipakain sa akin.
"Gusto ko ng singkamas na may hipon."
Tila nagulat si Manang sa aking sinabi at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Humalukipkip siya at naguguluhan pa rin akong tinitigan. What's wrong with singkamas? Hindi naman nakalalason iyon.
"Hija, buntis ka ba?" seryoso niyang saad habang tinitingnan ang aking tiyan.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ako? Buntis? Wala sa sarili akong umiling. Is that even possible? We just did it once! Kaya napakaimposible ng iniisip ni Manang.
"Hindi po," tumawa ako ng mapakla.
"Gusto ko lang talagang kumain ng ganoon. Medyo matagal-tagal na rin pong hindi ako nakakakain ng ganoon."
Bago siya umalis ay tiningnan niya muna akong matagal. Baka nagdududa na siyang buntis ako. Kinakabahan ako sa naisip. Baka nga...pero hindi. Wala pang ebidensya na buntis ako.
I googled the symptoms for pregnant women ngunit hindi ako naniwala. Isa lang ang meron ako, iyon ay ang medyo sensitibo sa mga amoy pero iyong iba ay hindi na. Mas kinabahan ako nang mabasa ko na may iba-iba raw ito, minsan hindi pa nakikita ang symptoms sa first month ng pagbubuntis. Hindi naman siguro ako buntis, ano? Pero hindi pa ako dinadatnan ngayong buwan. Siguro, delayed lang.
Alas diez na ng makabalik dito si Manang dala ang singkamas na may hipon. Agad ko siyang sinalubong at pinasalamatan sa pagdadala sa akin nito. She just stared at me while I am busy chewing the juicy and crunchy turnip. Ilang minuto pa lang ay naubos ko na agad ito. Pakiramdam ko ay sobra akong nabusog kahit iyon lang ang kinain ko. Craving satisfied!
"Manang, pupunta na po ako kay Alisa." paalam ko ngunit agad niyang hinawakan ang braso ko kaya napahinto ako.
"Magpatest ka dahil sa tingin ko'y buntis ka." seryoso niyang saad bago ako nakaalis.
Lutang na lutang ako papasok sa bahay ni Alisa. Nang tuluyan akong makapasok ay sumalubong sa akin ang napakabahong amoy na hindi ko alam kung saan galing. Agad akong napaatras kaya mas nagtaka si Alisa sa inasal ko.
"Anong nangyari?" naguguluhan niyang sabi sa akin.
Umiling ako, "Ang baho ng bahay mo!" habang nakatakip pa rin ako sa aking ilong.
"Anong mabaho ang pinagsasabi mo riyan! Eh, iyan nga ang paborito nating dalawa!" hindi makapaniwala niyang sabi.
Ah, basta! Napakabaho naman ng adobong iyan! Ayoko na sa adobo! Hindi na ako kakain noon!
Umiling ako, "Ayokong pumasok hangga't hindi natatapos si Auntie magluto." pinal kong sabi habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay sa aking ilong at bibig.
BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...