Limang araw na akong nandito kay Alisa at nahihiya na akong tumagal pa kahit siya lang mag-isa rito.
"Kailan ba ang balik ng Mama mo, Ali?"
"Kapag manganganak na ako. Desisyon ko kasi ito na ako lang mag-isa sa bahay." sabi niya habang umiinom ng gatas at isinawsaw doon ang pandesal.
"Kain ka na ng kanin. Hindi naman mabaho, e."
Lumingon siya sa akin at sumimangot.
"Ayoko. Parang mamamatay yata ako sa baho ng kanin kahit ilang beses pang hugasan." she ridiculously eyed me.
"Tsaka masaya na ako rito sa pandesal at gatas ko hindi pa mabaho." sabi niya at patuloy siyang kumakain habang nanonood ng Barbie.
Binili pa talaga namin iyan sa divisoria kahapon para lang masunod ang gusto niya. Sabi niya sa akin, noong first trimester daw wala siyang morning sickness pero ngayon second trimester dito na nagsulputan.
Narealize kong kapag may kasama kang buntis kailangan mo talaga ng mahaba na pasensya. Minsan kasi napakahyper at makulit minsan din galit kahit hindi naman inaano.
"Kailan ka ba manganganak?" sabi ko habang nakatingin sa pinapanood niya.
"This May. Pupunta rito si Mama mga March raw."
Hindi niya ako nilingon kaya tumango na lamang ako at hinugasan ang pinggan na ginamit ko. Ngayon ang plano kong dalhin ang mga gamit ko sa bahay ni Jack. Hindi namin.
"Ali, may number ka kay Jack diba?"
Tumango naman siya at tumingin sa akin. Binigay niya ang phone niya sa akin. I showed her my new phone at tumili siya ng makita ito.
"Stop it, my god! Ang sakit sa tenga ha." inis na sabi ko sa kanya.
"Ang pretty ng phone mo!" puri niya.
"Ako pa," mayabang kong saad.
Pinanood niya lang akong magtioa ng mga numero.
"Okay ka lang ba talaga na makikipagsama ka na ulit sa kanya?"
Tiningnan ko siya na para bang nandidiri sa sinabi niya at binalik na ulit ang atensyon sa pagtitipa.
"I mean, hello! Kasal naman kayo kaya hindi na big deal kung ano mang gawin niyo sa iisang bahay!" tumatawang sabi niya.
"Give and take lang kami. Pinagbigyan niya ako kaya pagbibigyan ko rin siya. Wala na akong pakialam sa mga desisyon niya ngayon. Bahala siya buhay niya." seryosong saad ko habang nagtitipa.
"Ewan ko friend, ah. You know naman that I will always have your back pero tingin ko imbes na annulment ang kailangan mo parang baby yata, e."
Nanlaki ang aking mata nang tingnan siya. Nagpipigil siya ng tawa sa aking reaksyon kaya hindi ko na lang siya pinansin. Kapag ako nagkamali nitong number na naphone book ko si Alisa talaga ang sisisihin ko.
"I have my ways, Ali. Trust me." kinindatan ko siya bago dinial ang numero ni Jack.
Nakatatlong ring na ako ngunit wala pa ring sumasagot kaya naisipan kong itext na lang siya.
I'll drop to your office for the keys. Text me what time. Thanks.
Ilang minuto ang hinintay ko sa labas ngunit hindi pa rin ito nagrereply. Baka busy sa meetings niya ngayon. Kailan ba siya hindi naging busy diba so undestood na kapag siya.
Pumasok ako sa loob at nakita kong kumakain si Alisa ng junkfoods ngayon.
"You aren't supposed to eat that,"

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...