"Nagluto na ako, hindi ka pa ba kakain?" sabi ko sa isang umaga ng biyernes.
Tinungga niya ang isang baso ng tubig at inilapag ito bago tumingin sa akin.
"Wala," tipid niyang sabi. Mukhang may malalim siyang iniisip dahil lutang siya ngayon at nanatili ang titig sa baso na kanyang ininuman.
Binitawan ko ang handle ng mop at pumunta ako sa kanya. Pero bago pa man ako makalapit ay agad siyang umiwas sa akin. He looked furious at my gestures.
"I just want to check you baka may lagnat ka or what," I said calmly.
"Kahit meron akong lagnat I still want to go to work."
Parang akong nasugatan sa kanyang sinabi. Bakit hindi niya ako hahayaang alagaan siya? Ganoon na ba talaga ang pagkamuhi niya sa akin na kahit may sakit siya ay papasok pa rin siya sa trabaho upang di ako makita?
Kahit nasaktan sa kanyang sinabi ay pinilit ko pa ring ngumiti at lapitan siya. He paced backwards at mas lalo siyang nagalit sa aking ginawa dahil nagiging marahas ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Nang hawakan ko ulit ang kanyang leeg ay malakas niyang tinampal ang aking kamay. Napasigaw ako sa sakit dahil alam kong nilagyan niya ng pwersa ang pagtampal nito.
Nanlaki ang aking mga mata habang tinitingnan kung paano mamula at mamaga ang aking kanang kamay. Tears pooled in my eyes not only because of physical pain but also emotional.
I heard him curse after he saw my painful reaction. Agad akong tumakbo paalis ng bahay. Mabilis kong tinahak ang daan patungong gate hanggang sa nakalabas ako ng subdivision. I just wore a pair of slippers, a white t-shirt and a pink pajama.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko rin namang pumunta sa bahay ni Alisa kasi alam kong magtatanong siya kung anong nangyari sa akin at masasabi ko sa kanya na tinampal ni Jack ang kamay ko at sigurado akong aawayin niya si Jack bilang isang walang hiyang asawa. Ayaw ko noon. Afterall, asawa ko pa rin si Jack. Ayaw kong madungisan ang reputasyon niya.
Napadpad ako sa Bahay Ampunan. Pinagmasdan ko ang kapaligiran at naalala ko kung paano ako lumaki rito. Kung paano ako inalagaan nina mother superior na parang anak. Kung paano ako tinuruan ng magagandang asal. Ayaw kong pumasok kaya nilakad ko na lang ang isang bench na malapit sa puno ng narra at doon ako umiyak.
Siguro itong pag-iyak ko hindi lang ito dahil sa nangyari kanina, kundi sa lahat ng nangyari sa akin pagkatapos naming maikasal. I never imagined na ganito ang magiging kahantungan ko pagkatapos naming maikasal. I thought everything will be smooth. Pero mali, ang akalang iyon ay makasarili sumabay pa ang mapaglarong tadhana na hindi kailanman papabor sa aming dalawa.
Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko kay Jack. Ayaw ko siyang sumbatan dahil baka magalit siya at iwan niya ako. Sa totoo lang, parang nakakababa na ata ng dignidad ito. Patuloy kong sinasalba ang relasyong patay na sa simula pa lang.
"Mukhang makikisabay ang langit sa'yo ngayon..."
Agad akong napaangat ng tingin sa kung sino man ang biglang nagsalita. Dali-dali kong pinunasan nang makita ko kung sino ito. Pilit akong ngumiti kahit tumutulo pa rin ang aking luha.
"Dian, anong ginagawa mo rito?"
May kaunting hikbi pa sa boses ko ngunit pilit ko pa rin itong tinago.
He was staring at me when I waved my hand at his face.
"Ah, binigyan ko lang ng kaunting halaga ang ampunan."
Bago pa man bumuhos ang ulan ay nakarating na kami sa isang high end restaurant. He invited me to have a lunch with him. Pumayag naman ako kasi kanina pang umaga wala akong kain. Medyo napasarap ang kain naming dalawa kaya napasarap din ang kwentuhan namin.

BINABASA MO ANG
In Between Spaces
RomanceJack Miguel Montealegre is one of the heir of their family's businesses. They owned chains of hotel, high end restaurants and airlines. He is one of the well known bachelors in the country with hundred of achievements. Everything is at stake when he...