Catorce

556 12 0
                                    

"Iwanan mo na siya, di ba hindi mo naman siya mahal? Ginamit mo lang iyong babae upang mapasayo ang mana ng lolo mo at itong kompanya!"

"Sarah..."

"If you really love me then fulfill your promises. File an annulment case after six months. May tatlong buwan ka pang natitira at kapag hindi mo iyon ginawa ako na mismo ang magsasabi sa asawa mo na mas nauna ako at ako ang totoong piraso. Isa lang siyang salot sa lipunan na walang ibang ginawa kundi ang maging pabigat sa'yo! Ang kapal ng mukha niyang magdemand na puntang Greece sa birthday at magpakipot na akala niya naman may nararamdaman ka para sa kanya!"

"Enough of that! Baka may makarinig sa atin!" awat ni Jack sa kanya.

"Palibhasa sa bahay ampunan na lang nakitira kasi hindi na alam ng Mama niya kung sino ang Tatay ng anak niya. Ikaw ba, anong pipiliin mo, ang isang mahirap na kagaya niyang laki sa bahay ampunan o ako na galing sa isang mayamang pamilya at eleganteng pinalaki ng aking mga magulang?"

Namamawis akong bumangon at tumulak agad sa kusina upang uminom ng tubig. I felt dizzy afterwards. Malakas kong nailapag ang kamay ko nang mapansing wala itong lakas.

Mabuti na lang at sinabihan ko si Hazel kahapon na aabsent ako ngayon sa restaurant at nagpaalam din ako kahapon sa mga magulang ni Travis na aabsent ako ngayon dahil kahapon pa lang ramdam ko na na magkakatrangkaso ako sa sakit ng aking katawan.

Napaupo ako sa maliit na dining table nitong apartment na tinutuluyan ko at binuksan ang cup noodles na binili ko kahapon at saka binuhusan ng kumukulong tubig.

Hindi ko akalain na makakapunta ako rito sa lugar na ito. Napagplanuhan namin noon na magbakasyon dito ngunit hindi ko lubos maisip na mahuhulog ako sa pakikipagsapalaran dito.

Maraming akong tanong na gusto kong masagot ngunit ang tanging makakasagot lang ay ang taong wala rito. Kumusta na kaya siya? Siguro naman, mas maligaya ang pagsasama nilang dalawa ngayon dahil wala na ako roon, wala ng istorbo.

Sana ipinagtapat na lang niya na hindi niya ako kayang mahalin dahil alam ko namang hindi niya ako mahal noong panahong ikinasal kami. Alam kong sukang-suka talaga siya kapag tinatawag ko siyang asawa at naaalala niya na mag-asawa na kami. Alam ko ring ikinakahiya niya ako sa mga barkada niya. Alam kong ayaw niya rin akong dalhin sa opisina niya dahil nahihiya siya na isang ordinaryong babae lang ang napangasawa niya at walang alam sa pagpapakasosyal.

Alam ko lahat pero pinili kong magpakabulag sa pag-ibig. Na akala ko mababago ko siya at magbabago siya para sa akin ngunit hindi. Mali ako ng akala.

Mapait kong nilapag sa mesa ang cup noodles. Regaining my strength, I stood up and wore my leather jacket and made my way out.

Malamig pa rin ang panahon ngunit hindi pa rin nags-snow. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Gusto kong makawala sa mga problema ko na naiwanan ko sa Pinas ngunit parang nadala ko naman dito. Hindi ko alam kung paano makawala.

Pumasok ako sa isang kainan kung saan ang lahat ng recipe nila ay ang Greek street foods. I really love street foods kahit noong nasa Pinas pa lang ako kaya dito na ako tumuloy.

Niscan ko ang menu ngunit wala akong maintindihan sa ibang putahe kaya ang Gyros na lang ang pinili ko dahil bukod sa sikat ito rito, palagi rin itong sold-out. I just ordered a bottled water dahil hindi ako umiinom ng soda.

Habang naghihintay sa order ay luminga-linga ako sa paligid at nakita kong seryoso ang mga tao sa pagcecellphone at iyong iba naman ay nagkukwentuhan ng mahina.

Naalala ko noong bago ako pumunta rito at pumasok sa eroplano ay tinapon ko ang aking cellphone sa isang basurahan sa NAIA. Pero bago pa noon ay binali ko na ang sim card ko upang wala na talaga akong communication mula sa Pinas.

Lahat din ng social media accounts ko nagdeactivate ako at ang ginamit kong pamasahe at pang-allowance pagdating ko rito ay iyong ipon ko noong college pa lang ako. Bunga iyon sa pagtututor ko sa kaiisa-isang anak ng major sponsor ng Bahay Ampunan.

Hindi ko na iyon nagalaw noong umalis ako sa Bahay Ampunan at nakapag-asawa ng isang Montealegre.

Apat na buwan nalang at babalik na rin ako sa Pinas. At iyong apat na buwan na iyon at napakaikli. Gusto kong dito na lang manirahan ngunit marami pa akong kailangang asikasuhin upang maging mas mapayapa ang aking pagtira kung saan man ako gustong tumira.

"Kalimera, here's your order Ma'am."
sabay lapag ng isang mestisong naka-apron sa inorder kong Gyros.

Sa totoo lang, itong Gyros ay para lamang shawarma sa Pilipinas. Ang sosyal naman talaga ng mga pagkain dito at hindi mo akalaing street food lang pala.

Agad kong naubos ang pagkain ko at lumabas na. Nasa Ermou street ako ngayon at maraming tao akong nakakasalubong. Iyong iba, may bitbit na payong pero ang lahat ay nakajacket. Huminto ako sa isang boutique kung saan mamahaling mga gamit ang nakadisplay. A green leather snakeskin boots caught my attention.

Hindi ako mahilig sa mamahaling gamit. Kung gusto ko, gusto ko kahit gaano pa iyan ka mura. Nalaglag ang panga ko sa presyo nang makita ko ito ng malapitan. Napakamahal mahal naman talaga kasi Bottega Veneta pala!

Kikilatisin ko pa sana ang boots nang bigla itong kunin ng saleslady at ibinigay sa isang babae malapit sa cashier. Sa mukha at ayos pa lang noong babae ay talagang napakasopistikada. Mukhang bibilhin na talaga ng kanyang boyfriend kaya tumalikod na lang ako.

Palagay ko isang Pilipina iyong babae tsaka ang sweet naman ng lalaki pero hindi ko nakita iyong mukha. Parang spoiled siya kay guy. Oh well, wala na ako doon. Nang napagod ako ay napagdesisyunan kong umuwi na sa apartment ko. Medyo okay na iyong pakiramdam ko ngayon ngunit kailangan ko na lang uminom ng gamot upang tuluyang mawala na talaga ang lagnat ko.

Siguro, hindi magiging boring ang buhay ko kapag meron akong cellphone para atleast may libangan naman ako pero parang wala pa akong plano na bumili ng ganito kasi sapat lang ang kinikita ko rito upang maitaguyod ko ang sarili ko.

Siguro kapag nakauwi na ako ng Pinas, doon na lang ako bibili ng cellphone dahil marami akong kokontakin.

Oo nga 'no, kumusta na kaya iyong kaibigan kong si Alisa. Pakiwari ko'y malaki-laki na ang kanyang tiyan dahil isang buwan na rin siyang buntis bago pa ako umalis.

Tumungo ako sa isang tindahan ng mga gadgets. Laking gulat ko na ang mura lang pala ng mga gadgets dito. Mahal pala talaga sa Pilipinas. Pero kahit gaano pa man iyan kamura, hindi ko pa rin iyan mabibili kasi wala akong pera na pondo upang makabili ng aking kapritso.

Kalaunan ay lumabas na ako ng shop at tumungo sa isang bench na medyo malayo-layo sa mga stalls. Nang malapit na akong makaupo ay may bumangga sa akin.

"Sorry, Miss." sabi ng estranghero habang nakayuko at patuloy na naglalakad at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Hindi ko na lang siya pinansin kasi medyo nakalayo na kasi siya. Hindi naman masyadong masakit ang pagkakabangga niya sa akin kaya wala na lang din ako.

Nagkibit-balikat na lang ako at sinundan ng tingin ang estranghero pero bago pa man ako makaupo sa bench ay may naramdaman akong matigas na bagay na naapakan ko. Tiningnan ko ito at muntik na akong mapatalon nang mapagtanto ko kung ano ito.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon