Vienteocho

498 9 0
                                        

Isang araw na ang nakalipas at hindi  ko pa rin pinapansin si Jack. He tried to talk to me ngunit agad akong umaalis at tinatalikuran siya. Masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil hindi man lang siya nagtext sa akin na maglalasing siya edi sana sinamahan ko na lang siya hindi iyong ang babaeng iyon ang kasama niya. Umiinit talaga ang dugo ko kapag naaalala ko ang sinabi sa akin ng babaeng iyon.

"Oh, patay na iyang fried chicken pero mas lalo mo pang pinatay." natatawang sabi sa akin ni Alisa.

Oo, nagkaayos na kami ni Alisa matapos ang sagutan namin sa phone. I reached out at naiintindihan ko na ang side niya. She's just being a friend. Muntik na nga kaming maiyak nang humingi kami ng tawad sa isa't-isa.

Huminga ako ng malalim at itinuon ang pansin ko sa aking kinakain.

"Masama pa rin talaga ang loob ko kay Jack," panimula ko.

"Eh gaga ka, e! Hindi mo pinakinggan ang side niya."

"Von, pakinggan mo ang side niya. Kahit masakit pakinggan mo at ikaw na ang bahalang humusga." seryoso sabi niya.

Gusto ko siyang pakinggan ngunit baka...

"Baka masinungaling siya...

"Kaya nga dapat mo siyang pakinggan at ikaw na ang bahala tumimbang kung totoo ba ito o hindi."

Tumango lang ako sa kanya habang pinagpatuloy ang aking kinakain. Sige, gagawin ko iyon. Ayaw ko rin namang maging one-sided kasi ang unfair noon sa side ni Jack. It's just that ayaw ko lang na ngayon kami mag-usap pero kakausapin ko talaga siya.

Nauna ako bumangon kaninang umaga at agad na dumiretso sa aking kwarto. Alam kong mas una siyang nagising ngunit hindi agad siya bumangon. Hindi rin naman siya pumalag noong umalis ako sa kwarto niya.

Ngayon, papunta na ako sa kanyang opisina. Hindi kami sabay na nag-agahan. Ngayon lang ako kumain at dito pa sa bahay ni Alisa. Nagdala ako ng ulam para matuwa naman ang buntis.

"Ma'am Von, wala pa ho si Ser."

Sinalubong agad ako ni Ernie, ang janitor na palaging naglilinis sa labas ng office ni Jack. Tinanong ko kasi si Jack kung anong pangalan niya. Napakasipag din ng isang 'to, ah.

"Pero pwede ka namang pumasok na lang." sabi niya sa akin ngunit umiling lang ako.

"Dito na lang muna ako,"

Tumango na lang siya at itinuon ang pansin sa ginagawa. Nagulat ako ng may isang lalaki ang dali-daling pumasok sa office at nagsisisigaw.

"Guys, double-time! Andito na si Sir!" sabi ng isang lalaking mataba habang tumatakbo papunta sa kanyang mesa.

Agad na nataranta ang mga empleyado at kasabay nito ang malakas na pagbukas ng pinto.

Iniluwa nito ang napakagwapong si Jack. Magkasalubong ang kanyang kilay habang pinapasadahan ng tingin ang bawat empleyado. Agad silang nagsitayuan at binati siya.

Napako ang tingin niya sa akin na kasalukuyang pinagmamasdan din siya. Pinihit niya ang pinto ang nauna akong pumasok bago siya.

Tahimik lang siya ngayon at tingin ko maraming siyang problema sa kompanya kaya nagsimula na akong magsalita.

"Uh...sorry pala...kung hindi kita pinapansin lately."

Nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata habang minamasahe ang kanyang sentido.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

Agad siyang umiling at pinasadahan ako ng tingin. Halos magkalapit lang ang aming mga mukha kaya tumikhim ako upang magpokus sa kung ano ang sasabihin niya.

In Between SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon