six~~revealed

6.3K 113 1
                                    

Syrene's POV

Umupo ako sa kama ng nakapasok na kami ni Julia.Pagkasara niya ng pinto ay agad siyang umarte na parang may pawis sa noo..yung maarte na pagpunas...

"Gooddddd.... akala ko mabubuking na ako..."

"Kasi hindi mo inaayus yang kikos mo....akala ko nga ay bibigay kana..."

"Di ko talaga kaya gurl...sa totoo lang ay gusto ko na talagang sabihin na....'kuya...girl ako!!'....pero sadyang malaki ang takot ko sa kapatid ko..."

Lumapit ako sa kanya..Tinapik ko siya sa braso.....na parang dinadamayan lang...

"Basta bakla....aaminin mo rin sa kuya mo...."

"Oo...sasabihin ko rin...."

"Ohh..sya....matutulog na tayo...diyan ka sa baba..."

"Huh...hoy...babae kaya ako.."

"Babae sa pag-iisip...pero lalaki ka parin...patunay na yang sa gitna mo..ohhh sya...yang yung unan at kumot.."

"Girl...wala ka bang awa sa akin....ang kagandahan kong ito ay hindi nararapat sa sahig.....alam mo yan kaya tatabi ako sa yo girl.....alam mo naman kapag sa bahay nyo ako natutulog tabi naman tayo....so kaya eto tatabi ako...tseee...tabi nga...usod ka ng kaunti...."

Umusod nalang ako..Tumalikod nalang ako.Pero sadyang maliit lang ang espasyo ng kama nya...pang-isahan lang...Nang mukhang malalim na ang pagkatulog niya ay isinipa ko siya kaya nahulog siya sa sahig...

Mukhang tulog mantika ang bakla kaya hindi na siya nagising...

"Sweet dreams bakla...naway walang ipis hahahah....iam the boss hahahaha"

********

Nagising ako ng may parang tumatapik sa balikat...

"Huuuyyy...girlll..."

"Hmm..!!"

Tumalikod ako doon sa nagtatapik...

"BABAITA!!!!!....WAKE UP NAAAA!!!!"

Napadilat nalang ako sa naggising.Medyo nakapikit pa ako ng humarap ako...hmmmm...nakatayo siya sa harap ko.Nakapamewang pa..

"HOYYY!!!!!.....IKAW BABAITA KA..NAKIKITA MO BA TONG NAMUMULA SA LEEG KO HUH!!!!!..NAKAGAT AKO NG SUROT OOHHH KUNG ANO MANG INSEKTO!!!!!.....TINULAK MO AKO SA KAMA KOOO!!!!....AYYY SUUUUSSSSS.....!!!!!!"

Napaupo ako sa kama...Tinakpan ko ang kanyang bibig gamit ng kamay ko....

"Masyado kang madada....wag kang maingay...mainit ang ulo ko"

Tumayo na lang ako saka pumunta sa CR.Nang ok na ako ay lumabas na ako....Myyy goooodddd...Lunes na ngayon...Napatingin ako sa orasan...7:00 na...napahinga ako....10 pa naman ang oras sa tabaho ko doon....

Nang maayus na ako ay lumabas na ako sa CR.Ok naman na rin si Julia.Sabay na kaming lumabas...

"Goodmorning kuya.."sabi ni Julia sa lalaking boses..

"Geh...umupo na kayo baka lumamig na ang niluto ko"

"Wow...magaling pala kayo magluto"

Nakakahanga ang lalaking marunong magluto....

Napatingin ang kuya ni Julia sa kanya...nakakunot ang noo nito..

"Kiss mark ba yang nakikita ko sa leeg mo Julio.."

O_____O

Oo nga.....

Mukhang naalarma rin si Julia...

"Hindi po..nakagat po nang surot...natulog po ako kuya sa sahig..."

"Ahhhh....natural lang yan...lalaki ka...."

May diin ang pagkasabi niya sa huling sinabi niya...Kamusta naman si Julia...ayun napalunok siya sa kinakain niya...

"Pagkatapos ba nito ay uuwi na kayo huh...."

"Opo....may trabaho pa kasi ang girlfriend ko sa tinatrabaho niya...kaya kailangan na namin na umalis....."

"Ahhh...ganun...sige..."

Nang matapos na kaming kumain ay napagpasyahan naming kami nalang ang maghugas...

"Girl....parang gusto ko nang sabihin na girl ako....gusto ko nang umamin"sabi ni Julia habang nagpupunas ng kamay....

"Kung ako rin naman sato ay sasabihin ko na rin"sabi ko habang nagpupunas ng kamay...tapos na kasi kaming maghugas ng plato...

"Natatakot kasi ako.....alam mo na..."

"Wala naman masama sa pagiging totoo....pwede mo nang aminin ngayon"

"Gusto ko na rin naman na umamin..."

....

....

...

"Anong gusto mong aminin Julio Tomas.."

Napatigas kami sa kinatatayuan namin.Sabay pa kaming dalawa ni Julia na tumingin sa harapan at nandoon nga si kuya Jared...

"Kuya...."

"Julio Tomas"

"Kaya mo yan....aminin mo na..nasa tabi mo lang ako..."

"Kuya....ayaw kong itakwil mo ako bilang kapatid...Gusto mong maging pulis ako pero hindi ko kaya kuya.."

"Ayaw mo lang maging pulis...."

"Hindi ganun kuya..hindi ko kayang maging pulis....dahil....BAKLA AKO KUYA....BAKLAAAA!!!!"

Mukhang nabigla ang kuya niya kahit ako rin naman...hindi sa ganitong eksena ang gugustuhin kong umamin....

"Ano kuya....kinakahiya mo na ako...bubugbugin mo na ba ako...ano....saktan mo na ako..sabihin mo lahat ng alam mong masakit na salita dagil ganun naman talaga!!!"

Umiiyak na si Julia...kahit ako rin naman....

"Julio...ganun ba ang pagtingin mo sa akin kapag nalaman kong bakla ka...."

"Ganun naman talaga..."

"Oo nagagalit ako...nagagalit ako sayo hindi sa ganyan ka...kundi nagsinungaling ka sakin....kapatid mo ako pero ako pa ang huling makakaalam nito....makakaalam na galung mismo sayo....nalaman ko na noon pa....pero gusto ko na sabihin mo harapan sa akin....pero hindi...tinago mo....pinagpanggap mo pa ang kaibigan mo na maging girlfriend mo...."

Mukhang narealize ni Julia ang pinagsasabi ng kuya niya....

"Kuya...sorry...kasi ganito ako...kasi nilihim ko...kasi walang kwenta akong kapatid...walang kwentang tao na niyaya ang kaibigan niyang magpanggap na girlfriend dahil sa kabaliwan niya...huhuhhu...."

Lumapit ako kay Julia..

"Ok lang bess..."

"Julio...lumapit ka sa akin...."sabi ng kuya niya na may pagka-awtoridad na utos niya...dahan-dahan na lumapit si Julia..

Nabigla ako ng bigla siya niyakap ng kuya niya.....pinanood ko nalang silang magyakapan....

"Mananatili parin kitang kapatid Julio"sabi ng kuya niya na nakangiti....

"Kuya...Julia po ako"

"Hahahaha....pero alam mo ba na pwede naman maging pulis ang isang bakla"

"Kuya naman..."

"Hahaha...binibiro lang kita..."

"Thanks kuya....sorry ulit"

"Ok lang...basta wag mo nalang uulitin ang pagtatago ng lihim sa akin...kapatid mo ako kaya may karapatan akong malaman lahat ng bagay na pumapatungkol sayo...at hindi naman kita sasaktan nohhh"

"Nakakatakot ka kasi...pulis ka"

"Sa labas ay pulis ako pero kapag nandito ako sa bahay natin ay kapatid mo ako...ang kapatid lang..hindi pulis dito...."

Napangiti nalang ako sa nakikita ko..hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari sa pag-amin ni Julia....atleast hindi na sya matatakot sa kuya niya....masaya ako sa takbo ng buhay niya....

CS1: My Bossy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon