forty-four~~Awakening

5.9K 89 0
                                    

Syrene's POV

"Damon...please...."

Napayakap ako sa kanya. Humahagulhol na ako sa sobrang kaba at sakit nang makita ko siya sa ganitong sitwasyon.Naririnig ko din na umiiyak ang anak ko.Ang ingay ng mga tao ay rinig na rinig.May narinig pa akong tumawag ng ambulance.

Napatingin ako sa anak ko na hawak ang kamay ng Daddy niya habang umiiyak...

Nang dumating ang ambulance ay agad na sinakay si Damon doon.Sumakay din kami ni Scarlett doon.Ginagamot agad siya ng medic sa loob ng ambulance papuntang hospital.Nilagyan siya agad ng oxygen.

Nasa tabi ko lang ang anak ko na nakayakap sa akin.Hindi ko sinisisi ang anak ko sa lahat pero kita ko sa mukha niya na sinisisi niya ang sarili niya...

"Baby...it's not your fault"

"Mommy....yung girl kasi sabi niya pinapapunta nyo daw ako sa kabila kalsada..after niya akong sinabihan ay she carried me hanggang sa kabila.......i saw her....sumakay siya sa car pagakatapos niya akong iwan doon..." sabi ng anak ko habang humihikbi...

Naiinis ako sa kung sino mang babaeng yun.Napatingin ako kay Damon na dumidilat ang mata.Agad kong hinawakan ang kamay niya at kinausap siya...

"Damon...heal fast huh....Damon please don't leave me....don't leave...b-baby please....." sabi ko habang uniiyak....

"You ...called me.... baby..t-that's..good to hear....."pagkasabi niya nun ay pumikit agad siya at lumaylay ang pagkahawak niya sa akin.Nataranta ako kaya agad akong napaiyak ng napaiyak....

Masakit na hindi na ako makahinga...Ayokong nakikita siya ng ganito...na dati na hiniling kong hinfi na siya makita pa pero kung ang ibig sabihing hindi na siya makikita pa ay mamamatay siya ay ayoko....hindi ko gugustuhing mamatay ang mahal ko.....

Hindi ko kaya....

Nang makarating kami ay agad siyang binaba at agad na tinakbo sa emergency room.Alam kong hindi kami papasukin doon pero gusto ko.Hinarangan agad kami ng nurse ng papasok sana kami.Pinaupo muna kami doon at binigyan ng tubig.Pinainum ko rin ang anak ko na nakatulog na sa kakaiyak...

Agad akong nagdasal na sana gumaking agad si Damon.Humiling ako sa Kanya na sana maligtas si Damon.Pangako ko na kapag navising na si Damon ay papatawarin ko na siya at mamumuhay ng masaya basta iligtas siya....Napapaiyak ulit ako sa pagdadasal.Tinawagan ko sina mama Allison at ilang kapamilya ni Damon at sinabi ang nangyari.
Napatayo ako agad ako ng may lumapit na pulis.

"Maam...nahuli po namin yung babaeng nabangga po sa asawa nyo.Mukhang planado po yun at ang mismong babae na po ang nag surrender sa sarili niya..."

"Nalaman nyo po ba ang pangalan...."

"Opo..at eto po ang litrato..." 

May binuklat silang folder at ipinakita ang babae...Napalaki ang mata ko sa galit...Si Britney.Medyo ginising ko ang anak ko at may ipinakitang litrato.Umoo siya sa tinanong ko na siya ba yung babaeng sinasabi niya...

Umalis na rin ang mga pulis at kasunod lang nang pag-alis nila ay dumating ang pamilya ni Damon....

Ang parents ni Damon at sina Tita Cathlyn at tito Stephen...sina Daphne,Eris at Eros..Sina mama at Shine at Julia...At ang lolo ni Damon..

Agad namang nagpabuhat si Scarlett sa lolo niya na papa ni Damon.At agad na nakatulog doon...

Niyakap nila ako at sinabing ok lang at tinatanong nila ako na kamusta ako...Napatingin ako kay Scarlett...natatakot ako na baka matrauma siya sa nangyari...

"Malakas si Kuya kaya alam kong lalaban siya...Ate Syrene.."sabi ni Daphne....

Tumango nalang ako.

"Ganyan din si kuya nang nacomatose ka...alalang-alala talaga siya na halos hindi na umalis sa tabi mo....hindi siya nawalan ng pag-asa at lagi niyang sinasabi na gigising ka....kaya ganun ka rin dapat...gigising at gigising parin siya..."

Sabi ni Eris na kinabigla ko.Ngayon niya lang ako kinausap na ganuung katagal at kalalim.Halos hindi siya nagsasalita...

******

Nakatingin lang ako kay Damon na hindi paring nagigising.Pinauwi ko muna si Scarlett at pinaalaga sa parents ni Damon.Gusto ko ako ang magbabantay kay Damon.....

"Damon....gigising o gigising ka...kapag hindi ka nagising diyan ay sasabunutan kita hanggang sa wala kanang buhok kaya maghahanap ako ng iba kaya gising na diyan...." sabi ko kay Damon...nakausap ko na ang doctor at sabi nila na ok na ang kalagayan ni Damon...kahit anong oras ay pwede na siyang magising....mabuti nalang at hindi ganuung kalakas ang pagkabunggo sa kanya....

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyun at si mama yun at si Shine at Julia....Sinabi nila na sila muna ang magbabantay....

Kahit ayoko man ay umoo na rin ako kasi may pupuntahan ako....

*********

"Nandito po siya ngayon....ayaw niya pong magsalita....ang sinabi niya lang ay kasalanan niya...."

Agad ko namang tinanong kong yun lang ba ang sinasabi niya...

"Sa tingin ko po ay may sayad yata po siya kasi hindi na halos makatao ang ginagawa niya....nakita po sa lugar niya po na sira-sira na gamit at ang litrato mo na tadtad ng hiwa"

Napatayo ang balahibo ko sa narinig ko.Habang nagsasalita ang pulis ay nasa harap na kami ng kulungan...

"Yan po siya...."

Nakita ko na nakaupo siya at nakatakip ang mukha niya...parang may kausap siya na hindi ko alam....

"Britney...."

"Kasalanan mo....kasalanan mo"

"BRITNEY!!!!"

Sumigaw na ako kaya umangat siya ng mukha at nang makita ako ay agad siyang tumawa.....naiinis akong makita siya kaya gusto ko siyang sugurin..

"Bakit mo siya binunggo....at pati ang anak kong walang kaalam-alam ay gusto mong patayin huh!!!...wala kang hiya!!!"

"Hahahah..dapat ikaw ang nabunggo...kayo ng anak mo!!!!....kasalanan mo yun hahahaha"

Agad kong hinawakan ang lock nun ay pinupukpuk...pinipigilan ako ng pulis...gusto ko siyang sugurin.Patuloy larin siyang tumatawa....Sinabihan ako ng pulis na isusurrender daw nila sa Mental Institution...

Agad na akong sumang-ayon doon...nang nakalabas na ako ng presinto..ay agad namang may tumawag sa kin..Agad ko namang sinagot yun at si Julia pala ang tumatawag....Gusto ko kaninang sumigaw at saktan si Britney pero pulis na bahala sa kanya at ang Diyos.

"Julia???...."

(Gurl!!!!...Gising na si Damon!!!!)

"Gising na siya!!!!"

(Oo....)

Agad ko nang binaba ang tawag at pumara ng taxi......Gising na siya!!!!!......gising na si Damon!!!

CS1: My Bossy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon