forty-two~~Knowing my father

5.9K 92 0
                                    

Syrene's POV

"Alam mo ba Shine...sa tingin ko hindi ka lang pinoy nohhh....may halo ka ehhh"

"Si papa??...hahahah...bakit naman yun.."

"Ang mama mo pinoy ehh ang papa mo huh???"

"Ano....ewan ko lang..."

"So pareho tayong hindi alam ang ama natin"

"Pari naman ikaw Ate Syrene....mukhnag may halo ka...hahahahah"

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Shine.Bumisita kasi siya rito at gusto niyang makilala ang anak ko.Pareho lang pala kami ng estado sa buhay.

"Shine.....alam mo name ng papa mo"

"Yup...sinabi sa akin ni mama.."

"So ano nga....??"

"Bryler Mckinze....."

"Owwe....kaya pala na mukhang banyaga ka...hindi ko alam ang name ng papa ko ehhh...buti ka pa alam mo"

Napatingin kami ni Shine ng biglang may nahulog na ewan sa likod namin.Napatingin ako doon at si mama pala yun.Nahulog niya yung bag niya at nakatulalang lumapit sa akin.

"Bryler Mckinze......" ulit ni mama sa sinabi ni Shine...

"Bakit po?"

Napatingin sa akin si mama at makahulugang tinignan niya ako....

"Syrene....siya rin ang ama mo...."

Napatingin agad ako kay Shine na nagulat din sa nalaman....kung yun din ang papa ko...ibig sabihin ay magkapatid kami ni Shine....

"Ohhh myyyy" sabi ni Shine at agad na lumapit sa akin at niyakap ako....

"Sabi ko na nga ba ehhhh..kaya pala ang gaan ng pakikitungo ko sayo kai kapatid kita....."

Napayakap narin ako sa kanya.Masaya lang sa pakiramdam na may kapatid pala ako...

"MOMMY!!!!! "napahiwalay ako sa kanya at lumapit ang anak ko

"Baby...we're siblings.."

"Talaga po!!!!...Tita Shine!!!!"

Napatingin ako sa likod ni Scarlett ng makita ko si Damon na nakasandal lang sa pader at nakangiti....Napangiti nalang ako...Napakunot ang noo ko ng umalis siya at pumasok sa kwarto....

Napabaling nalang ang tingin ko kay Shine na nilalaro niya ang anak ko...

"Kamusta kayo ni Kurt...."

Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Shine...

"Ayus lang....ganun parin..."

Doon parin sila nagtratrabaho sa DC restaurant...

Naglaro nalang sila ulit at masayang pinanood ko nalang sila....

*******

Gabi na ulit at napatulog ko na si Scarlett.Pumasok na ako sa kwarto namin ni Damon at agad akong nabigla na nakasalubong ko siya sa pinto....

"Syrene......"

"Hmmmm???"

"Nakita ko na siya....kung saan siya ngayon..."

"Sino naman.." sabi ko at lumakad ng palayo sa kanya...

"Ang papa mo....."

Napatingin ako sa kanya ng narinig ko ang sabi niya...Agad siyang may pinakitang litrato sa akin at isang lalaki at babaing may kayakap na batang lalaki....Tinuro niya yung lalaki at sinabing siya yun....

"May iba nang pamilya siya Syrene at yung batang yun ay kapatid mo"

Namunukhaan ko yung bata....tama!!!..siya yung nasa park na nakaakyat sa puno nang magboyhunting si Julia...yung Ryan....

"Kilala ko yung bata kasi nagkita na kami..."agad namang tumango

"Alam ko na kung saan siya at saan siyang nakatira...gusto mo ba siyang makita kasama ang kapatid mong si Shine..."

Napatingin ako kay Damon at agad na tumango....

"Salamat....." yun lang ang sinabi ko...Tumango naman siya at niyaya na akong matulog...



*********

"Totoo bang nandyan siya sa loob..." sabi ko kay Damon.Kasama namin ngayon si Shine..

"Yup.....puntahan nyo na...."

Tumingin ako kay Shine na tumango lang at agad na lumabas...Lumabas na rin ako at sabi ni Damon ay doon nalangbsiya maghintay sa amin...

Magkahawak kamay kaming naglakad doon sa bahay na sinasabi ni Damon na doon daw nakatira....

Nabigla kaming pareho ng may magsalita sa gilid namin...

"Sino po sila??"

Napatingin kami doon.Nakita kong napangiti yung batang lalaki at agad akong niyakap....Siya si Ryan..

"Hi ate!!!" Napangiti nalang ako sa inakto niya..Pinakilala ko si Shine doon..Agad kaming napalingon ng may magsalita sa harap namin....

"Ryan..."

Napatingin ako sa isang lalaki na pareho sa mata namin ni Shine.Nakita kong napakunot ang noo nung lalaki.Nakaramdam ako ng kunting galit...kaya tumalikod nalang ako.Sapat nang makita ko siya....

Napahinto ako ng magsalita yung lalaki..

"Syrene.........Shine..." napalingon kaming dalawa ni Shine sa sinabi niya.Agad namang lumapit siya sa amin at niyakap kami..Nag-unahang nagbagsakan ang mga luha ko....ang akala ko na hindi ko na makikita ang ama ko ay eto siya ngayon....

"Im sorry.." yun lang ang nadinig kong sabi niya..

"Galit ako sayo kasi iniwan mo kami....na hindi ka man lang nagpakita sa amin...."

"Gus-to ko kayeong makita perow...hanggang malayo lang..." kahit nakakatawa ang pagtatagalog niya ay napangiti ako...Sa malayo lang niya kami pinagmamasdan.....Nauwi ang lahat sa kwentuhan...pinakita ko ang litrato ni Scarlett at sinabibg anak mo siya...Naging maayos ang lahat....Magiliw kaming binati ang asawa niya...magkasundo na kaming tatlong magkakapatid...

Napatingin ako sa ama ko na agad akong kinausap..

"I'm happy... pinatawad ako ng anak kow....sana patawarin mo din ang asawa mow..."

Napatingin ako sa kanya na bakit niya alam.Tinuro niya si Damon na nakasandal lang sa kotse na nakatingin sa amin at kumaway...Nag-usap na daw sila....

Nagpaalam na ako sa kanila.Mamaya nalang daw si Shine uuwi.Nagpasalamat sa akin si Shine sa lahat at umalis na ako....

Habang naglalakad palayo sa bahay ng ama ko at palapit kay Damon ay inabot niya ang kamay ko.Napatingin ako sa kamay niya.

"Damon....minahal mo ba ako..."

"Sa tingin mo?..."

Agad na nagbagsakan ulit ang mga luha ko...dahil alam kong oo ang sagot...

Agad akong lumapit sa kanya.Hindi ko hinawakan ang kamay niya pero lumapit ako sa kanya at niyakap siya....

Nabigla pa siya nung una pero niyakap niya rin ako pabalik...

"Salamat Damon dahil nakilala ko na yung papa ko..."

"Walang anuman baby..."

Agad akong lumayo sa kanya at tumitig sa kanya...

"Nandito parin ang sakit Damon...pero ang pasasalamat ko sayo ay bukal yun sa puso ko....kahit na sinaktan mo..." ang sabi ko at pumasok na ako sa kotse...

Nakita kong nabura ang ngiti sa labi ni Damon pero pumasok na rin siya sa kotse....

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana at napatanaw sa bahay ng ama ko....balang araw ay magiging masaya rin ako kagaya nila....kailangan ko lang ng oras....oras para sa amin ni Damon...

CS1: My Bossy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon