thirty-six~~left.....

5.5K 90 1
                                    

Damon's POV

Pagkalabas ko sa pinto ay dumeretso ako sa labas....Tumawid muna ako para makabili ng makakain....

"Eto lang ho...."

Abot ko sa mga prutas na napili ko at ilang mga pagkain...Inabot ko na rin ang sukli at bumalik na sa entrance ng hospital....

Pagkapasok ko ay binati ukit ako ng guard kaya ngumiti nalang ako....Tumawag muna ako sa restaurant na magdeliver dito ng ilang pagkain para sa tanghalian....dito nalang ako kakain ng tanghalian sa tabi ng asawa ko para mabantayan ko pa siya....

Habang naglalakad ay nakasalubong ko yung nurse na nag-aassist sa asawa ko....

"Nurse.....paubus na yung swero sa asawa ko...pasunod nalang ako doon ng panibago...."

"Ahh sige po....kuha na po ako...."

"Sige mauna na ako...walang bantay siya doon...baka magalit hahaha"

Nakitawa nalang sa akin ang nurse at umalis na...sumakay nalang ako sa elevator para mabilis akong makarating doon....Nang makapasok ako sa elevator ay sinara ko na yun at pumunta na sa floor kung saan nakaroom ang asawa ko....

Nang huminto na ay lumabas ako...Napatingin ako sa kabilang elevator ng may pumasok din doon....sabay sa paglabas ko ang pagpasok niya....napakunot ang noo ko nang makita kong parang nakapolo lang na ewan.....

Dumeretso na ako sa room ng asawa ko.....

"Nandito na ako--"

Napatigil ako nang naabutan ko lang doon ay ang swero na nakalagay sa kama na ngayo'y wala nang nakahiga.....

Nasaan ang asawa ko??....

Nabitawan ko lahat ng dala ko at patakbong pumunta sa CR na baka nandoon siya pero wala siya roon....Lumabas ako doon at binalik ang tingin sa kama na pinaghigaan lang nang asawa ko ilang minuto lang nakakalipas.....limang minuto lang ako nawala pero wala na siya.....Napasabunot ako sa buhok ko....

No......

This can't be happening....


Agad akong napalabas sa kwarto at agad na hinanap ang asawa ko.....Nakasalubong ko ang nurse na may hawak na ngayong swero...

"Wala doon ang asawa ko....nasaan siya??..."

"Po....paano po siya nakaalis...."

"I dont know.....kailangan ko siyang hanapin....excuse me...."

Agad akong pumunta sa elevator at agad na binuksan yun...Napapandyak ako sa bagal nang pagbaba nun...nang nakababa na ay agad na bumukas yun....agad akong lumabas doon at dumeretso sa labas....Napatingin ako sa buong paligid...nag-aalala na ako dahil wala ang asawa ko nang hindi ko man lang napansin.....

Agad akong bumalik sa loob at kinausap ang security para makita ang asawa ko...wala na sa loob ng hospital ang asawa ko....Agad kong hiningi ang CCTV kung nakuhanan ba ang pag-alis ng asawa ko....

Agad namang binigay nila ang hinihingi ko at agad na pinanood sa akin ang CCTV.....nakita ko siyang nakapolo lang na lumabas sa hospital.....Nakapolo???....siya yung agad na pumasok sa elevator kanina.....napakagat ako sa ibabang labi ko at napasuntok sa pader....bakit siya umalis????.

Bakit hindi niya ako hinintay??

Akala ba niya na wala siyang kasama???

Napatawag agad ako sa bahay namin na ngayo'y si mama niya ang nagbabantay...tinanong ko siya kung nakita ba nilang umuwi doon o nandoon siya pero wala parin.....tumawag ako sa bahay ng pamilya ko pero wala ring silang alam....Ang kaibigan niya na si Shine na wala ding alam.....ang ex-manliligaw niya na si Kurt ay wala ding alam na nagalit pa sa akin kung bakit nawawala ang asawa ko...

Ang huli ay ang bestfriend niya na si Julia na pinaghinalaan pa nilang may ginawa akong masama....hindi niya ring alam.....

Baka may nangyari na sa kanya ng masama.....hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko...

Agad na nawawala ang asawa ko na hindi ko alam....

Agad ko yung pinaalam sa pulisya pero gagawa daw sila ng aksyon kong nawawala na ang asawa ko ng 24 hours o 10 hours....naiinis ako dahil alam ko namang mga ilang minutes na nawawala ang asawa ko pero bakit ayaw pa nilang gawan ng aksyon....

Pano nalang na may nangyari sa kanya ng masama......

Hindi ba nila naisip yun.....

Tumawag ako sa barkada ko para humingi ng tulong sa paghahanap.....


Kailangan ko siyang hanapin......kailangan kong hanapin ang asawa ko......

********

Its been 2 weeks simula ng nawala ang asawa ko na hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita....hindi ako makatulog......tinatamad na akong kumain......

Ang kompanya na tinatrabahuan ko ay napapabayaan ko na....hell!!!..nawawala ang asawa ko!!!

"Anak!!...magpahinga ka muna....stress na stress ka na ohhh...baka pagnahanapin na natin siya ay mawalan na siya sayo ng interes....look at yourself....napapabayaan mo na yang sarili mo...."

"Naiinis ako ma......"

"Bakit naman...."

"Nag-aalala na ako....sobrang nag-alala na...pero si mama Sabrina ay parang ok lang na nawawala yung anak niya...nalilito na ako....minsan iniisip ko na may alam siya pero hindi ko naman masabi kasi minsan nakikita ko rin siyang umiiyak..."

"Anak.....nalukungkot rin siya....anak niya yun....kakagising lang galing sa comatose ay agad na nawala....wala namang kaalam-alam naman siguro ang nanay niya...."


Napatingin nalang ako sa laptop ko habang binabasa ang ilang mga updates sa paghahanap sa asawa ko....lahat ng mga contacts ko ay hiningian ko na ng tulong.....

......

..

Lumipas na ang mga ilang buwan pero hindi ko parin siya nakikita....Sumuko na ang iba pero ako ay hindi pa....hindi ko pwedeng sukuan ang asawa ko....yung sinabi sa akin ni lolo na mahal ko na ba ang asawa ko ay ngayon sigurado na ako.....mahal ko na ang asawa ko....

Fuck those money.....wala na akong pake sa mana....ang importante ay ang asawa ko....kailangan ko na siya.....wala na akong time sa sarili ko.....kaibigan niya ay nag-aalala na rin pero wala naman silang nagagawa para mahanap siya.....

"Bro....paano kung wala na ang asawa--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Casper ng sinuntok ko na agad siya....

"NO!!!....BAWIIN MO YUNG SINABI MO!!...MAKIKITA KO SIYA!!!..KUNG AYAW NYO NA AKONG TULUNGAN AY IWAN NYO KO!!!!"

Naiinis na ako.....bakit ba umalis siya???....bakit niya akong iniwan dito......na nag-iisa....ang daming bakit....pero wala namang kasagutan....bakit niya nagawa yun???

Bakit niya ako iniwan??....

CS1: My Bossy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon