twenty~~talk

5.1K 90 0
                                    

Damon's POV

Nang matapos ang dinner dito sa bahay.Pinanood ko lang ang mga nangyayari...

Alam kong gaano kalungkot ni Syrene sa mga nangyayari...gayun rin naman ako..alam kong sinisisi niya rin ang sarili niya sa mga nangyayari pero alam kong ako talaga ang may kasalanan ng lahat.....

Kung nasa tama lang ang kalagayan ng sarili ko ay napigilan ko ang mga nangyayari...dapat si Britney ang nasa kalagayan ni Syrene....pero mas gugustuhin kong si Syrene nalang.....hindi ko gusto yung nadilaan na nang lahat......

"Damon...iho..."

Napatingin ako kay lolo nang tinawag niya ako...Lumapit ako sa kanya....

"Mamaya iho...mag-uusap tayo...malalim na ang gabi....ihatid mo na sila sa tirahan nila.....mag-iingat ka sa pagmamaneho dahil kasama mo yung girlfriend mo at ang nanay nito"

"Opo lolo.."

Tinapik niya yung braso ko at pumunta sa balcony....

Inoffer ko yung kamay ko kay Syrene para tulungan siyang makapasok sa kotse ko pero tinabig niya lang yun at sumakay na nang mag-isa..Ramdam ko ang tension na nagaganap....tahimik lang din si Tita Sabrina pero ramdam ko larin yubg galit niya....Napatingin ako sa kanya gamit ang salamin ng kotse...masama ang pagkatingin niya sa akin....sino naman ang hindi magagalit kong may nakagalaw sa anak mo...naiintindihan ko naman ang galit ni tita....

"Damon....mata sa daanan.."

"O-Opo.."

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa daanan..

Nang makarating kami sa bahay nila...naunang pumasok si Syrene...
Naglalakad na papasok sa bahay si tita ng taeagin ko siya...

"Tita Sabrina...."

Tumigil ito at humarap sa akin...

"P-Pasensya na po sa nangyari....pananagutan ko naman po yung nangyari sa amin...payag rin naman ako at maluwag sa akin ang pakasalan ang anak niyo..."

"Responsible kang tao Damon...halata naman yun...dahil kung hindi ay isa ka unang tatanggi na pakasalan ang anak ko o magtatago ka....Natutuwa ako dahil hindi ka ganun...ang kinalulungkot ko lang ay masyado pang maaga...ang bata pa para sa akin ang ipakasal ang anak ko....bakit nyo bang naisip gawin yun??"

"Sorry po tita..."

"Mahal mo ba ang anak ko Damon?"

Napalunok ako sa sinabi ni tita...Ayoko mang magsinungaling ay kailangan....kailangan ko para makamit ko yung gusto ko....

"O-Oo naman tita....bakit nyo naman natanong"

"Wala lang Damon...ayaw kong makulong kayo na hindi nyo naman pala mahal ang isa't-isa...Na pumayag lang kayo dahil sa nangyari....dahil sa mga responsabilidad na pwedeng mangyari..."

Tumango nalang ako sa mga sinasabi ni tita....sorry tita kung nagsinungaling ako....

"Oo nga pala Damon...Siguraduhin mong aalagaan mo ang anak ko...wag mo siyang paiiyakin...ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan....binibigay ko na sayo yung blessing ko...siguraduhin mo lang iho...wag mo siyang pababayaan.....dahil kung masasaktan lang anak ko sayo ay ako mismo ang maglalayo sa anak ko at ako mismo mag-aayus ng annulment papers"

Napalunok ako dahil masyadong ng nakakatense...

"Ma!!!!...ang tagal mo naman diyan sa labas..."

Rinig kong tawag ni Syrene sa ina...Napangiti nalang ako..

"Sige na iho...umuwi kana....mag-ingat ka sa pagmamaneho at baka mawalan ng asawa ang anak ko....."

Natawa nalang ako...Tumango nalang ako sa pinagsasabi ni tita....pumunta na ako sa kotse....bumusina pa ako para malaman nila na aalis na ako...

Habang nagmamaneho ako ay parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan...hindi ko lang alam kung bakit pero yun ang naramdaman ko...masyadong maraming nangyayari sa buhay ko....pero para naman toh sa manang makukuha ko...pareho kaming makikinabang ni Syrene....

Napatingin ako sa orasan nang biglang may pumasok sa isip ko....kakausapin pala ako ni lolo...kaya nagmadali na ako....

Medyo maghahating gabi na....Tahimik na ang lahat ng makarating ako...baka tulog na rin si lolo kaya umakyat na ako sa kwarto...


"Iho....."


Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.Napatingin ako doon at si Lolo pala yun.....akala ko natutulog na ito dahil anong oras na..masama pa naman para sa may edad ang nagpupuyat pero mukhang malakas talaga si lolo dahil mukhang hindi pa tinatamaan ng antok pero ako eto...naaantok na.....

Hindi ko nga alam kong may lakas pa akong makipag-usap kay lolo....

"Lolo....ngayon na po ba..."

"Oo naman....gaya ng sinabi ko sayo...doon tayo sa balkonahe"

Sumunod nalang ako sa sinabi ni lolo...sumunod ako sa kanya..umupo siya sa sofa at umupo naman ako sa harap niya...

"Ano po ang pag-uusapan natin lo"

"Damon....hindi naman siguro dahil sa mana ang pagpayag mo sa kasal...dahil girlfriend mo yun at mahal nyo ang isat-isa..."

Napatingin ako sa kanya...parang may round 2 na pag-uusap na naman....

" lolo....pananagutan ko yung nangyari--"

"Bukal ba sa loob mo ang kasal huh??...ganun mo ba kagustong makuha ang mana..."

"Lolo hindi naman sa ganun...."

"Mahal mo ba yung babae..."

Napaisip ako...

Alam ko naman na totoo lahat ng pinagsasabi ni lolo sa akin....

"Alam kong hindi Damon dahil accident lang ang nangyari sa inyo....pero baka matutunan mo rin mahalin ang isang tulad niyang babae..."

"Lolo....half po nag pag-oo ko sa kasal ay yung mana..pero more on po sa gusto kong panagutan ang nangyari....."

Sorry po dahil nagsisinungaling na naman ako.....

"Natutuwa ako dahil matapang mong hinaharap ang mga ito iho....pero iho..sana lang talaga ay hindi toh sa mana gaya ng pinag-usapan natin.....pwede namang iextend pa sa 30 iho...."

Lolo...sana sinabi mo yan ng wala pang Syrene...

"Nandito na ito lolo...yun ang dapat kong gawin..."


Tumango na lang si lolo sa mga pinagsasabi ko...Tumayi na si lolo sa pagkaupo sa sofa..

"Magpahinga ka na iho...."

"Kayo rin po lolo"

Sabi ko sabay tayo narin....naglakad na ako palayo...

"Iho...sana maging maayus ang mga kalalabasan ng mga desisyon mo"

Yun lang ang sinabi lolo na kinahinto ko sa paglakad...Humarap ako sa kanya at tumango at tumuloy na sa paglakad papunta sa kwarto ko....

Sumasakit ang ulo sa mga nagyayari....ang dami ko nang nasayang na saliva sa pakikipag-usap.....

Sana lang talaga ay maganda ang kalalabasan ng mga desisyon ko......

....

Sana talaga lolo....

CS1: My Bossy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon