Syrene's POV
Lumapit na ako sa pinto...napaisip ako na bakit wala si Damon...bakit ako lang dito....hindi naman sa gusto ko na nandito siya....bakit kung iisa lang ako natulog dito ay may polo dito....sa tingin ko ay eto yung suot kahapon ni Damon dahil amoy ko pa ang pabangong ginamit niya...nagpapabango ba siya????
Masyado na akong inaantok kagabi kaya hindi ko na naikot ng paningin ko ang buong bahay na sinasabing sa amin daw ni Damon...pagbukas ko doon ay pababa pa pala ng hagdan...hanggang second floor la g ang bahay pero masyadong malawak para sa aming dalawa.....as in malawak na pwedeng maglaro ng patintero o kung ano man....masyadong mahaba at malawak....nagbigay ganda rin ang malaking salamin na tanaw ang garden sa labas...
Nakarinig ako ng parang may gumagalaw na kaldero o pinggan dahil naririnig ko yun na parang ganun nga...
Bumaba na ako sa hagdan....hindi ko pa alam ang buong bahay kaya napapatingon ako kung saan na parang wala lang.....
"Looking for someone?"
Napatalon pa ako sa gulat ng may magsalita sa harapan ko...Napatingin ako doon at si Damon yun....kahit hindi ako tumingin ay alam kong siya yun dahil kilala ko ang boses at kami lang dalawa dito...
"Ahh....ammmm...oo"
"Kumain na tayo...nakaluto na ako..."
Tumango nalang ako.... Nakakapanibago lang kasi minsan lang ang mga lalaki ang nagluluto sa babae...ay mean ay iilan na lang....para sa akin...
"Masyadong malaki ang bahay?"
"Yahhh"sagot niya lang..Nakarating na kami sa dinning table...ngayon alam ko na kung saan ang kusina.....Naabutan namin doon ay ang mesang may pagkain na nakahanda...normal lang na breakfast...like egg,hotdog,bacon and rice....
Umupo na ako doon at inabot ang kutsara at magsisimula na sana akong magsubo nang magsalita siya..
"Ikaw ang maghugas nito....ngayon lang ako nagluto pero dapat ikaw ang gagawa....wala tayong maids dahil
mag-asawa tayo at hindi kailangan yun....may trabaho ako sa kompanya nina lolo at papa kaya minsan ay busy ako kaya hindi ako makakagawa ng mga house chores dito....kaya mo na siguro kasi tayo lang dito"Huminga ka ba???
At ako lang dito..
Pwede namang sigurong..
"Bawal kang aalis nalang basta-basta....dahil may asawa ka kaya bawal lumandi"
"Excuse me?"
"Nabulunan ka?"
"No....I mean...bakit naman bawal ang gumala at hindi ako malandi"
"Just saying...."
Tumahinik nalang ako at kumain na...Akala ko ay may katulong ako sa lahat...yun pala ay ngayon lang siya kikilos dahil sa susunod ay hindi na...
Binilisan ko nang kumain...Nang matapos na ako ay iniligpit ko na yung pinagkainan ko...Pati na rin ang mga platong wala nang laman..
"Kumakain pa ako huh?"
"Bakit....gusto mo pa bang mag-asawa huh?"
Masyado yatang nagpapaniwala sa mga pamahiin..kagaya nalang yung pagliligpit ng pinagkainan na may kumamain pa...hindi na daw makakapag-asawa yung kumakain....like totoo ba yun at saka may asawa na nga...
Tapos na si Damon sa pagkain at tumayo na siya...
"I'm done"
"Yahh...mukha nga..."
Inabot ko na yung pinagkainan na at nagsimula nang maghugas....kumpleto na lahat ng gamit...lahat ng furniture at mga gamit sa kusina ay kumpleto...kahit mga damit....
Dumeretso na siya sa sala at nakita kong nanunuod siya ng tv...nakaT-shirt lang siya at pants....Nagsimula na ako sa paghuhugas...well patas lang naman kasi siya nagluto pero sa susunod na araw ay ako na sa lahat....kainis lang....eto ba ang buhay mag-asawa....hayyyyy....
Nang tapos na ako sa lahat ay pumunta na ako sa sala....Napatingin siya sa akin at parang ngayon niya lang yata napansin ang suot ko...
"Bakit ka ganyan...may mga damit doon na pwede mong gamitin na....go...."
Tumalikod na ako at umakyat na...umaga palang puno na ako sa sermon.....Pagpasok ko sa kwarto ay napatingin ako sa paligid...simple lang na kwarto...malaking kama na may katabing mini cabinet na may nakapatong na lamp shade at isang salamin at patingan yata kung saan ay pwedeng mag-ayus ng mukha gaya ng mga cosmetics at ilang pwedeng pagsabitan at may dalawang pintuan sa bawat gilid....dumeretso ako sa isang pinto at mukhang CR yun dahil mukha namang yun nga....may shower at jacuzzi malaking mirror at mga gripo...toilet bowl...puro white lang lahat....may kabinet yun....binuksan ko yun at mga gamit lang yun.....
Umalis na ako doon at pumunta ako sa isang pinto...gaya ng sabi ko ay dalawa lang yung pinto....
Pagbukas ko nun ay parang gusto kong doon nalang....mga lihera yun ng mga damit...mukhang bago lahat...sobrang haba ng kwarto at sa dulo ay may malaking salamin na parang whole human size sa laki...may nakaliherang mga sandals,rubber shoes...may mga nakaliherang mga robe at mga t-shirts...
Kunuha ako ng t-shirt at short doon....nagsimula na ako magbihis....hindi pa ako sanay sa paligid pero masasanayan ko rin siguro...iba naman kami ng kwarto....
******
Dumaan ang ilang araw ay parang wala lang....minsan dumadalaw ako kay Julia at minsan ay siya din...kay mama....si Damon naman ay aalis siyang umaga at uuwi ng gabi...tagalinis,tagaluto,tagahugas,tagalaba,...lahat na...minsan iniisip ko ay masyado na yatang abuso na toh....ako lang lahat.....ehhh sya.....
Trabaho....kain..tulog.....mahirap ba ang gawain doon....kainis lang...parang katulong ako dito ahhhh....dapat pala ay katulong nalang ako edi kumikita pa....minsan lang ako nakakalabas at kailangan pang magpaalam....ano yun...parents ko....dinaigan niya pa ehhh.....
Kakatapos ko lang gawin ang lahat.Nakauwi na si Damon at ngayon ay tulog na siguro..katatapos na naming kumain.....Napatingin ako sa kisame....minsan ay parang preso lang dito...bantay sarado ka sa lahat...aaminin ko na hindi akong masaya sa nangyayari sa buhay ko.....hindi nga ako nagtratrabaho at hindi na ako mamomoblema sa pera.....pero kung ganito ang kapalit ay mas gugustuhin ko parin ang ganito...yung malaya sa lahat....mahirap nga pero malaya....kaysa sa mayaman nga pero hindi ka malaya....
Ganito pala ang buhay kapag kasal ka na....mahirap.....
BINABASA MO ANG
CS1: My Bossy Wife
General FictionClarkson Series 1.. DAMON BLACK MONTEVERDE CLARKSON.. Hunk... Hot... Handsome.. Came from rich family.. Halos lahat na ay sa kanya...Lahat ng gugustuhin niya ay nakukuha nya... pag-ibig...wala sa vocabulary niya....Masasabi na rin na isa siyang Casa...