forty-one~~house

5.9K 96 1
                                    

Syrene's POV

"Baby...halika rito.."sabi ko kay Scarlett na mukhang naaantok na...

Nagbiyabiyahe kami pauwi....pauwi sa bahay namin ni Damon.Maaga kaming ginising ni Damon para makabiyahe kami ng maayos at wala ring traffic..

Nandito ako nakapwesto sa backseat habang nagdridrive naman si Damon.Nakakapagtataka nga kasi pumunta siyang mag-isa lang.I mean is wala siyang dalang kotse pero heto nagdridrive siya pauwi gamit ang kotse na mukhang bago niyang bili....

Pinahiga ko muna si Scarlett at inunan ko siya sa lap ko.Kunting gamit lang ang dala ko.May dala akong mini cushion para may pang-unan naman ng malambot si Scarlett hindi lang legs ko..

Napatingin na ako sa daan ng makita kong nakatingin sa akin si Damon sa salamin...

"Mata sa daan.."

Nakita kong napangiti si Damon at tumingin na siya sa daan...

"I'm sure na excited na sulang makita ka...pati na rin si Scarlett.."
Sabi niya habang nakatingin sa daan..

"Yeah.."

"Kahit na medyo nakakatampo sa kanila"

"Huh??"

"Alam ng mama mo kung saan ka..pati rin pala ang bestfriend mo....pero hindi nila sinabi sakin.Wala silang balak na sabihin sa akin na nadito ka.Na may Scarlett na nabubuhay na"

"Damon...wag muna ngayon..."

Tumahimik na kami ng gumalaw si Scarlett kaya buti hawak ko siya dahil muntik na siyang mahulog.Ang daming tumatakbo sa isipan ko.Na ano kaya ang magiging reaction nila kapag nakita nila ako kahit na sinabi na sakin ni Damon na excited na daw sila...

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana.Pero kahit papaano ay nakaramdam din ako ng awa kay Famon dahil talagang hinanap niya kami pero hindi naman sapat ang awang naramdaman ko sa mga nalaman ko sa kanya.Nasasaktan patin ako knowing na dahil lang sa pera ang nangyari sa akin.Na akala ko ay may pag-asa rin ang relationship namin sa isa't-isa pero pera pala ang nagpapatakbo ng lahat....

*****

"SYRENEEEEE!!!!!" bungad nila sa akin ng makita akong bumaba sa kotse.Si Daphne ang agad na sumalubong kasunod ang mama nila at sina Eris at Eros.Naiwan naman sa pinto ang lolo nila at papa nila.

Napangiti ako sa nakita kong mukhang excited sila talaga....

"Iha kamusta ka"sabi ng mama ni Damon

"Ate Syrene hi po sa inyo..."masiglang sabi ni Daphne

"Ang tagal na pong hindi ko po kayo nakita!" magiliw na sabi ni Eros.

"....." kumaway lang siya sa kin na parang 'hi' lang si Eris.Nasanay narin ako sa ugali niya.Talagang cold at seryoso siyang babae.Minsan mo lang makikitang ngumiti siya at ang karamihan ay pilit pa..

Natahimik ang lahat ng lumabas si Scarlett sa kotse at uminat pa ng konti.

"Mommy....sino po sila"

"OH MYY GODD!!!..MAY APO NA AKO HAHAHAH..OYY!!! DEMON MAY APO NA TAYO HAHAH" masayang sabi ng mama nila.

Lumapit si Daphne kay Scarlett at lumuhod pa ng kunti.

"Hi...I'm Daphne Alexis Monteverde Clarkson.....ikaw?" Sabi ni Daphne at hinawakan pa ang pisnge ng anak ko.Napangiti naman ang anak ko at huminga ng malalim...Napangiti ako ng sekreto dahil alam kong magiging hyper na naman siya dahil sa tuwing may nagpapakilala sa kanya ay sumisigla siya at agad nagiging close niya ang taong yun.


"HI PO!!! I'M SCARLETT DRIX FUENTABELLA!!"

"Owww...what a nice name and baby..Clarkson kana kaya yun na ang magiging surname mo..." sabi ni Daphne kaya naman napatingin sa akin ang anak ko at agad akong tumango.

"AHHH!!!..OK PO!!.I'M SCARLETT DRIX FUENTABELLA-CLARKSON NA FROM NOW ON!!"

Nagtawanan naman ang iba sa si abi ng anak ko..Pati rin si Damon na kakalabas lang sa kotse...

Agad naman binuhat ni Eros si Scarlett at nagpakilala..isa-isa pinakilala ni Eros ang lahat...

Napangiti nalang ako sa nakikita ko.Pumasok muna kami sa bahay ng magulang niya.Dito muna kami dumeretso...

"Mommy...eto na po ba ang house na sabi ni papa..."

"Nope baby....bahay to ng parents niya"

"Ganito rin po kaganda yung atin" tumango nalang ako...

Kumain kami rito ng umagahan.Nang matapos ay agad na lumapit sa akin ang mama ni Damon.

"Alam kong may tinatago ka paring sakit at galit sa anak ko.Alam ko yun dahil may naalam ka sa anak ko.Kahit rin ako ay nabigla sa nalaman ko.Isa lang ang maiipayo ko sayo anak....dapat pag-usapan niyo to sa maayos ng paraan..wag magpapadala sa emosyon"sabi ng mama ni Damon kaya napangiti nalang ako at tumango.

Nang matapos na sila ay niyaya na kami ni Damon na umuwi dahil nandoon daw sina Mama at Julia sa bahay.Nagpaalam na kami sa kanila at dumeretso na sa kotse.

"Mommy pupunta na tayo sa house natin"

"Yup baby..."

"YEHEYYYY!!!"

Sa buong biyahe ay tahimik lang.Si Scarlett lang ang nagsasalita.Topic niya ang bahay at ang mga nakilala niyang family ni Damon at ang bagong school niya.Nang makarating kami sa bahay ay naunang bumaba si Scarlett at agad na lumasok sa gate...

Napatawa ako ng huminto siya at nagpout nang makitang nakalock yun.Agad namang bumukas yun at si mama yun.Napatakbo ako kay mama at agad siyang niyakap....Namiss ko siya ng husto...

Agad ko namang pinakilala ang anak ko sa lola niya na.Nakasalubong ko si Julia na nabiglang nandito na kami.Pabalik-balik sa probinsya si Julia dati kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya....

"MOMMY!!! ANG LAKI NG HOUSE!!!"

Napangiti nalang si Damon at pinat ang ulo niya.

"Baby....punta ka kay lola at ituturo niya sayo yung room mo"

"TALAGA PO!!!...LOLAAAA!!!!"

Nakita kong natawa lang si Damon.Naging maayos naman ang lahat.Gabi na at napatulog ko na si Scarlett pagkatapos niyang kumain at maligo.Masaya siya sa room niyang may theme ng black at white dahil favorite niya yun...pareho kay Damon.Nasa room namin ni Damon ako ngayon..may balcony rin yun pala.Kita doon ang magandang view at ang buwan.

"Alam kong galit ka parin sa akin."

Hindi ako nagsalita at hinayaan siya.

"Bibigyan kita ng oras para makapag-isip at magdesisyon kung pag-uusapan ba natin eto....dahil handang-handa na ako...sana ay mapatawad mo ako Syrene.Noon oo, rason ang pera sa pagpayag ko pero nang mas makilala pa kita ay naiba ang pananaw ko sa buhay....na gusto ko na ang asawa ko.....na mahal ko na ang asawa ko at hindi na yun tungkol sa pera."

Naramdaman kong may tumulo sa mata ko kaya agad ko yun pinunasan....

"M-Matulog na  tayo"

sabi ko at umalis na sa balcony at humiga na sa kama.Hindi ko pa kaya.....sa ibang araw ay baka mapag-uusapan na namin.Wag lang muna ngayon.....hindi ko pa kaya.....

CS1: My Bossy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon