Syrene's POV
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!! HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY...HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUU!!!!!....HAPPY BIRTHDAY SCARLETT!!!!!"
"THANKS PO!!!!!"
Lumapit kami ni Scarlett.Birthday niya ngayon kaya talagang nanghanda kami....ilang taon na ang lumipas at ngayo'y 7 years old na ang anak ko...
"Blow the candle..." sabi ko sa anak ko na nakatingin lang sa cake.Agad namang tumango ang anak ko...Lumapit siya doon sa table pero hindi niya maabot ang cake para hipan kaya binuhat siya ng asawa ko..Napatawa naman si Scarlett at hinipan ang candles...
"Baby anong winish mo bago mo hipan ang candles" tanong ng tita niya na si Daphne..
"More happy moments with the family and good health po natin!!!"
"Owww...how sweet..." sabi ni Daphne na kinangiti ng husto ng anak ko...
Naging maayos na ang lahat...Nabalitaan naming patay na si Britney.Nagpakamatay siya sa Mental.
Hinayaan ni Damon na maglaro ang anak namin kasama ang mga classmate niya na inimbita...
Naramdaman kong humawak si Damon sa bewang ko.Sumandal nalang ako sa kanya.Hindi kami nagsalita...pareho lang kaming tahimik.....
Yumakap nalang ako sa bewang niya kaya mas lalo pa akong nalapit.
"Baby...??"
"Hmmm??"
"Walang lang...love you" sabi niya..Ngumiti nalang ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkayakap ko sa anak ko...
"Love you too..." sabi ko.Tumingkayad pa ako para halikan siya sa pisnge.Pinanood nalang namin ang anak baming patuloy parin sa paglalaro.Kalaro niya rin ang kapatid kong batang lalaki at si Shine...naging mas close kaming tatlo..
Nang tapos na silang maglaro ay niyaya na namin silang kumain.Agad namang nagsitakbuhan ang mga bata sa amin ng sinabi kong hahatiin na ang cake.Masayang nagsipilahan ang mga bata.Si Scarlett naman ang nauna sa pagkuha....
Habang pinapanood ko sila ay may nagpahid sa pisnge ko ng icing ng cake.Napatingin ako doon at si Damon pala yun na tumawa lang dahil sa ginawa niya...agad akong kumuha ng icing at nilagay yun sa panga niya.Mas marami yung akin kaya nagmukha siyang Santa Claus hahahaha...
"Hmm...you love the game huh..."
Napalaki ang mata ko nang maghakot siya ng maraming icing sa kamay niya kaya tumakbo ako..
Sumali naman ang mga bata at nagsitakbuhan na sila....natatawa lang ang ibang kapamilya ni Damon sa nangyayari sa amin.Napatawa ako ng bahiran ako ni Damon ng sobrang daming icing sa pisnge ko na halos half ng mukha ko ay may icing....
Nang matapos na ay naghilamos na kami at nagsimula nang magpagames.....nagtagal ang celebration hanggang hapon.....Nagsiuwian na ang iba nang matapos na...Marami silang dalang mga prize dahil sa napanaluhan....
Agad namang may yumakap sa likod ko.Alam kong anak ko yun kasi maliit pa siya....
"Thanks MOMMY!!!"
"You're welcome Baby....." sabi ko at hinalikan siya sa pisnge...Napatingin ako sa buong paligid ng mapansin kong kanina pa wala si Damon....
"Nakita mo ba si Daddy baby??"
"Hindi po" sabi ni Scarlett habang nagbubukas siya ng mga gifts niya...Tumango nalang ako at nagsimula na ako mag-ayos ng mga gamit at mga upuan.....
Nang matapos ko ang mga iyun ay nagsimula na ako magwalis..Lumapit naman si Scarlett dala ang dustpan...Napangiti nalang ako nang tinulungan niya ako sa pag-aayos ng mga gamit....
Halos madilim na pero wala parin si Damon..Nagluto na ako ng hapunan pero wala parin siya.Tinry ko namang tawagan siya pero unattended naman...
Nakaramdam na ako ng kaba pero ayaw ko namang isipin yun.Tinawagan ko na ang lahat para tanungin kung nasan siya pero wala silang alam....
Tinakpan ko muna ang ulam at sinabihan ko si Scarlett na mauna nang kumain kaya nauna na siya...Napatingin ako sa orasan nang 9:30 na nang gabi....wala naman siyang trabaho ehhhh
Napatingin ako sa pinto nang may nagtext....
Napatayo lahat ng balahibo ko nang mabasa ko ang text na yun.....
Naaksidente po ang asawa niyo.Kailangan po kayo rito....
Yun ang sabi sa text.Hindi sana ako maniniwala pero numero ng asawa ko ang nagtext...Sinabi din ang lugar kung saan...Napaisip ako kung bakit kailangan ako doon hindi dalat sinugod na nila....pero hindi parin ako mapanatag....Tinawagan ko ang mama ko na para bantayan ang anak ko..lumapit ako sa anak ko na natutulog na sa kama niya...parating na daw dito si mama...Agad akong lumabas na sa bahay at pumara ng taxi.....
Habang papunta doon ay hindi ko maiwasang mapaluha...Wag naman sana...Lagi nalang naaaksidente ang asawa ko...Nagdasal ako na sana ligtas siya...na sana malayo siya sa peligro....na sana buhay siya....no!!!...Buhay dalat siya dahil hindi ko kayang mabuhay na wala siya.....buhay nga ako literal pero parang nawalan na rin ako ng buhay....
Pagpunta ko doon ay wala namang katao-tao...Nandito ako sa park...Ang sabi doon daw siya naaksidente pero bakit walang tao doon....Umikot ako sa buong park pero wala namang katao-tao doon...Pinagbibiro lang ba nila ako....
Napatingin ako sa likod nang makita ko si Damon doon.Lalapit na sana ako nang makita ko ang mga dugo sa damit niya....Napakunot ang noo ko na lalapit na sana ako ng may tinuro siya muka sa malayo.Napalaki ang mata ko nang makita ko ang isang nakahigang lalaki na katulad sa damit ni Damon.Nakadapa yung lalaki na puno din ng dugo.Napatingin ako kay Damon na nakatingin lang sa akin.....
Agad na umiling ako.Na hindi totoong siya yung lalaki doon na duguan na nakadapa.....Na ang nakikita ko ay kaluluwa niya....
"D-Damon....no......"
"Mahal kita Syrene.....sobrang mahal na lahat gagawin ko masaya lang kita..."
"Panu ako sasaya kung ganyan ka....nagbibiro ka lang naman diba....bakit ka duguan diyan.....sino yung lalaki doon" sabi ko habang umiiyak...Ngumiti lang siya nang tipid....
"Mahal na mahal na mahal kita Syrene.....kaya sana...." napakunot ang noo ko nang lumuhod siya at may nilabas na maliit na box na itim....
Ngayon lang rumehistro sa utak ko ang lahat.Agad akong napaiyak....
"Na sana pakasalan mo ako.....ulit"
Napatawa ako hanag umiiyak....
"Loko ka!!! Tinakot mo ako!!! Akala ko multo ka diyan!!!....bakit naman ako tatanggi doon....oo naman!!!!"
Sabi ko at agad ko siyang nilapitan at niyakap....Pinalo ko pa siya kasi talagang tinakot niya ako....
"I love you....Syrene baby..."
"Love you too to the moon and back..." Narinig ko siyang tumawa pero mas humigpit ang yakap niya.Napatingin ako sa buong paligid nang may pumalakpak....kutsyaba ang lahat....pati anak ko ay kasali dito....napatawa nalang ako at mas lalo pang hinigpit ang yakap.....Wala na akong mahihiling pa....kumpleto na ako sa lugar ko...kontento....masaya....sa aking pamilya.....
******
A/N: wag mag-alala dahil may Special Chapter naman...
BINABASA MO ANG
CS1: My Bossy Wife
General FictionClarkson Series 1.. DAMON BLACK MONTEVERDE CLARKSON.. Hunk... Hot... Handsome.. Came from rich family.. Halos lahat na ay sa kanya...Lahat ng gugustuhin niya ay nakukuha nya... pag-ibig...wala sa vocabulary niya....Masasabi na rin na isa siyang Casa...