Syrene's POV
*riiiiinnnnngggggg!!*
Napagising ako sa narinig ko.Naiinis kong inabot ang cellphone at sumagot....
"Ano!!"
*riinnggg!!!*
Napakunot ang noo ko ng walang sumagot..Tinignan ko yung cellphone.Napatapik ako sa ulo ko ng hindi ko pa pala pinipindut...
Masyado pa kasing maaga ehhh..
Nang makita ko na si Bakla ang nasa caller ay sinagot ko na...Ano naman kaya ang sadya nito nang kaagaaga...
"Hellooo.."
(Gurl!!!!....magkwento ka naman doon sa family dinner mo sa magiging hubby mo...)
"Pwedeng mamaya nalang...4:00 am palang...Linggo naman ngayon ahhh"
(Gusto ko ngayon na ehhhh)
"Punta ka nalang dito bakla....okkkk"
(Tskkk...oo na....)
"Ok bye.."
(Bye--)
Binaba ko na agad.Binalik ko na yung cellphone sa kinalalagyan nito at bumalik na sa pagkatulog....Pero wala na yung antok ko...Tumihaya nalang ako kasi nakadapa....
Napatingin ako sa kisame....hindi parin kami nag-uusap ni mama....hindi niya ako kinausap simula nang umuwi kami......
Iniisip ko kung papatawarin pa kaya ako ni mama?..kinamumuhian niya ba ako?....Ang pagpayag niya sa kasal namin ni Damon....ang way ng pagkasabi niya doon ay galit siya...sino ba naman ang hindi....
Naramdaman kong may dumadaloy na likido sa pisnge ko...Hindi ako tanga para sabihing pawis lang yun dahil alam kong luha yun galing sa mata ko....
Hinayaan ko lang na dumaloy yun...tapos na lahat ng pangarap ko...gusto ko mang isipin na isa lang itong masamang panaginip pero wala.....dahil lahat ay totoo...dahil sa isang pagkakamali ay nabago lahat ng takbo sa buhay ko....
Nabago lahat....lahat ng gugustuhin kong gawin ay hindi ko na magagawa pa....dahil ilang araw .... linggo...buwan...ay matatali na ako sa isang tao na hindi ko man lang lubos na kilala.....
Lumabas na ako sa kwarto at yun na lang sa pagkahinto ko sa paglalakad ng makita ko si mama na tahimik na umiiyak sa sofa...
Lumapit ako sa kanya..Mukhang naramdaman niyang na sa harap ako kaya umangat ang ulo niya...
"M-Ma...."
Tumayo si mama at agad akong niyakap...Di ko alam pero niyakap ko nalang siya pabalik...Naramdaman kong umiiyak na naman ako...
"A-Anak....sorry kung agad akong nagalit sayo"
"Ok lang po ma..."
Humiwalay siya sa akin at humarap sa akin....
Umupo muna kami sa sofa...
"Anak....alam mo naman ang nangyari sa akin...nalulungkot ako kasi....hindi ko aakalain na magagawa mo rin ang ginawa ko..."
"Ma....sorry...."
"Pero sa isang banda ay masaya na rin ako kasi responsible ang magiging asawa mo....at mahal na mahal ka"
Napakunot ang noo ko sa huling sinabi ni mama....Mahal ako....hahahaha....sinong niloloko nung taong yun...pero baka yung ang nirason niya....kaya tumango nalang ako sa sinabi ni mama...
Ilang oras din kaming nag-usap....7:00 am na pala...Napatingin kami ni mama ng may kumatok sa pinto...Binuksan ko yun at bumungad sa akin si Julia....
"Julio!!!!"
"Naman ayyyy!!!!...kasuka ka"
"Hahaha...ang aga mo yatang pumunta dito...ikaw bakla ka..di na ako nakatulog nang tumawag ka..."
"Syempre kailangan ko ng chika galing sayo.."
"Ano naman ang gusto mo..."
"Lahat..lahat-lahat girl..."
Hayyy....naku naman...
....
......
....
******
...
Damon's POV
Napatingin ako sa labas ng bintana..Nandito ako ngayon sa kotse..nasa harap ako nang restaurant..na inatasan na ako na ang mag manage nun....
Di ko lang alam kung bakit pero nandito ako at nagbabantay....kainis nga ehhh...ang mga barkada ko...ayun..busy sa kung ano-ano man....
Napakunot ako ng noo ko nang napansin kong pumasok na pala ang magiging asawa ko.....At may kasabay siyang lalaki.... yung lalaki na naman....
Sinuot ko yung mask ko..at pati narin yung shade at bonet....Pumasok na ako sa restaurant...ang aga pa pero marami nang tao...
May lumapit sa akin na waitress...at si Syrene...
"Ano pong order nyo?" magiliw niyang sabi na parang anghel na binaba sa langit...iba naman siya kapag nasa labas o sa bar...
Tinuro ko yung na sa menu...baka makilala niya ang boses ko...Tumango-tango naman siya...
Umalis na siya...Pasilip ko siyang minasdan...nakikipag-usap siya doon sa lalaki na naman yun ...iniisip ko din na bakit pa siya nagtratrabaho dito kong alam niyang ako ang may-ari...sa totoo lang ay kahit hindi na siya magtrabaho ay OK lang kasi dadalhin niya na ang apelyido ko kapag kinasal na kami.....
Ang pangit lang tignan na kapag kinasal na kami ay waitress parin siya dito...anong iisipin ng mga tao...naloloko na ba siya...in any moment ay idyadyaryo na nila ang nalalapit naming kasal....totally ay nasa newspaper paper na....di ko alam kung hindi pa siya nagbabasa o updated sa mga nangyayari...
Tumayo ako sa pagkaupo ko at lumapit sa mismong counter....
Hindi ko na siya pinansin pa dahil tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok mula sa kusina...
"Sir....bawal po ang customer dito...labas na po"
Tinanggal ko yung mask at bonet pati narin shade ko..
Nang mapansin naman niya ay yumuko siya at humingi nang pasensya...tumango nalang ako at tumuloy na..
Napansin naman ako ng mga tao doon kaya bumati nalang sila sa kin...Napakunot ang noo ko nang makasalubong ko ang magiging asawa ko at ang lalaki na yun....
"Rene ako na magdala doon....ayaw kong napapagod ka..."
"Kaya ko naman--"
"At ayaw ko ring may humahawak sa kanya"
Nabigla silang dalawa nang magsalita ako sa harap nila...Mukhang nagulat naman si Syrene pati yung lalaki niya...Nakita ko na masama yung pagkatingin sa akin nung lalaki niya...
"Ms. Fuentabella....you're fired!!"
Di ko alam pero yun yung sinabi ko..
Naramdaman kong may lumapit sa akin na employee din yata..."Sir..pasensya na po kung may nagawang masama ang empleyado mo po--"
"Empleyado..."ulit ko sa sinabi niya..Hinawakan ko sa braso si Syrene at hinila siya palapit sa akin...
"Di ko alam kung hindi kayo nagbabasa ng dyaryo o ano man....empleyado....hahaha...kailan man ay hindi ko gugustuhin na maging empleyado ang magiging asawa ko!!"
Madiin kong banggit na alam kong rinig ng lahat.....at nakita ko ang mga gulat sa mga mukha nila......
Walang sino man ang hahawak sa asawa ko...sa akin na siya....
BINABASA MO ANG
CS1: My Bossy Wife
General FictionClarkson Series 1.. DAMON BLACK MONTEVERDE CLARKSON.. Hunk... Hot... Handsome.. Came from rich family.. Halos lahat na ay sa kanya...Lahat ng gugustuhin niya ay nakukuha nya... pag-ibig...wala sa vocabulary niya....Masasabi na rin na isa siyang Casa...