forty-three~~unexpected

5.9K 96 0
                                    

Syrene's POV

"MOMMY!!!..I'M SO EXXXCIITTTEEEDDD!!!!"

"Baby...alam mong bawal lagi ang maingay hindi ba?"

"Momm...should i talk in a whisper way..."

"Hahahah....come on..naghihintay na ang daddy mo...gaya lang sa school mo doon sa province ahh..wag lalabas kapag wala kami huh...darating kami doon ok?"

"Yup!!!"

Nang maisuot ko na sa kanya ang bag niya ay hinalikan niya ako sa pisnge...

"Bye mommy love you!!!"

"Bye baby...be good there ok??"

"Yup po!!"

Nakita kong naghihintay na doon ang daddy niya na nakabusiness suit.Deretso na kasi siya sa trabaho niya.Kaya ako etong maiiwan...ako naman ang magsusundo sa anak namin pag-uwian na....

Nakita kong nakasakay na sila sa sasakyan.Nakita ko pang kumaway sa akin si Scarlett.Gayun din naman si Damon.Ngumiti nalang ako at kumaway sa kanila...

Pumasok na ako sa loob ng umalis na sila...Pumunta muna ako sa kusina at naghugas ng plato.Napatakbo ako sa mesa ng tumunog ang cellphone ko doon.Wala na kasi si mama dito dahil nandito naman daw ako kaya babalik na siya sa bahay....

"Hello...."

(Bumalik ka na pala huh!)

Napakunot ang noo ko nang hindi ko kilala ang tumawag.Napatingin ako sa cellphone ko na nakalimutan kong tignan kung sino ang tumawag bago ko nasagot.Unknown number pala..

"Excuse me....anong ibig mong sabihin at sino ka ba huh!"

(Hahahah...makitid talaga ang utak mo Syrene)

Babae ang boses nun.Napaisip ako kung sinong babaeng may galit sa akin.

(Baka nakalimutan mo na Syrene na ako dapat ang nasa position mo....at talagang nagpaanak ka pa huh....desperada!!)

Napangiti ako ng may naalala ako....

"Hahaha...ikaw pala Britney akala ko ay patay kana kasi wala na akong naririnig mula sayo....tutal alam mo naman ang number ko ay niloadan mo na sana...."

(Nakakatawa yun Syrene...pero mamaya ay ako naman ang mapapatawa dahil sa mangyayari sayo hahahaha)

"Go....do what you want...wala akong pake!!"

(Then wait for it)

Magsasalita na sana ako ng bumaba na yun.Nilapag ko na yung cellphone at bumalik na sa paghuhugas...mukhang wala lang siyang magawang mabuti ang babaeng yun...


Napatingin ako sa orasan...mamayang 3:00 pm ang uwian nila...Napaisip ako kung anong gagawin ko sa mga oras na wala akong gagawin.May baon naman si Scarlett na pangtanghalian niya.Napakunot ang noo ko nang malala kong wala palang pagkain si Damon doon...

Hmm...alangan namang mamatay siyang nagugutom doon.Wala namang masama kong baunan ko siya....Napatingin ako sa orasan nang makitang 9:30 na...ang dami ko pa kasing nilinis maliban sa paghuhugas...

Nagsimula na kong magluto ng kaldereta....Di ko naman alam kung anong magandang iulam niya...

Nang matapos na akong magluto ay naligo na ako.Nag-ayos ako para naman desinte akong pumunta doon.

Nagtaxi nalang ako pagpunta doon.May dala akong lunchbox na hindi pambata ang disenyo.Kulay black yun....

Nasa harapan na ako ng building ng kompanya na pinasa sa kanya.Huminga muna ako ng mabuti at nagsimula nang pumasok doon.Bumati pa sa akin ang guard doon.

"Ms...Nasaan dito ang room ni Damon Black Clarkson"

"Ahh...sino po sila...may appointment ba kayo po sa kanya..."

"Ahhh...wala ehhh"

"Ay sorry po "

"Ahh....ganun.."

Nagsimula na sana akong maglakad paalis nang masalubong ko si Casper.

"Syrene!!!!!!!"

Bati niya sa akin kaya bumati nalang ako pabalik...

"Anong ginagawa mo dito.."

"Ahh..babaunan ko sana kasi wala yata siyang tanghalian...pero bawal palang pumasok kapag walang appointment doon"

"Ahh...teka....bakit pa ehh asawa ka niya..."

Lumapit naman si Casper sa babaeng nakausap ko kanina.

"Ms...ihatid mo siya doon sa office ni Damon..."

"Po...wala po siyang-"

"Hahah...ms..asawa siya ni Damon ok?"

"Ay!!..Sorry po maam!...sorry po!!!.ihatid ko na po kayo"

"No...ok lang...sabihin mo sa akin kung saan lang yung office niya at ako na ang pupunta..."

"Sa floor 25 po....sa kanya po ang buong floor na yun"

Tumango nalang ako at nagpasalamat kay Casper at sa babae. Pumunta na ako sa elevator.Habang tumataas yun ay napapandyak ako sa paa.First time ko siyang baunan ng pagkain...

Nang nadoon na ako ay dumeretso ako doon. Binuksan ko na yung pinto.

"Bawal akong istorbohi--"

"Tanghalian na..hindi ka pa kumakain"

Nakita kong napaangat ang mukha niya at nakita ako.Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.Tumayo siya at lunapit sa akin...

"Nandito ka...at may dala kang?"

Inangat ko yung hawak ko.

"Tanghalian mo...niluto ko yan para sayo"

Tumingin ako sa ibang direksyon kasi nahihiya akong magbigay nun..Kinuha naman niya sa akin.

"Sakto gutom na ako" sabi niya at pinatong yun sa mesa niya.Binuksan naman niya yun at napatawa...

"Hahaha....alam mo pala ang favorite ko...." sabi niya at lumapit sa akin at hinalikan niya ako sa pisnge...

"Thanks..." sabi niya kaya ngumiti nalang ako.

*******

Papunta na kami sa school ni Scarlett.Hindi na kasi ako pinauwi ni Damon pagkatapos niyang kumain kaya nagtagal ako doon.Sabay namin susunduin si Scarlett...2:30 pm na kasi kaya pumunta na kami doon...

Saktong three kami dumating doon..nakasalubong pa namin ang ilang students doon.Hinahanap namin si Scarlett.Napakunot ang noo ko nang hindi ko na makita ang anak ko.Natandaan ko yung sinabi ni Britney bago matapos ang tawag.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at si Damon yun.Parang sa paghawak niya ay nawala ng kunti ang kaba ko.

Nagtaning kami kung may students pa na naiwan sa room.pero nakalock na daw yun at wala nang tao doon.Sinabihan ko si Scarlett na maghintay lang.

"MOMMY!!!!!!" Napatingin ako sa tumawag at Napakunot ang noo ko nang nasa kabilang kalsada siya.Napatingin ako sa kalsada ng matanaw ko ang parating na kotse.Napatayo lahat ng balahibo ko nang tumawid si Scarlett..

"No!!!!!"

Agad akong napatakbo at sinalubong ang anak ko..hakos ilang metro na lang ang kotse kaya agad akong napayakap sa anak ko....

Napatingin ako sa taong nagtulak sa amin kaya napasubsob kami sa semento.Napalaki ang mata ko na si Damon yun...

"No!!!!...Damon!!!!!"

Huli na nang tumama na siya sa kotse.Napunta pa siya sa taas at napagulong pababa....agaf akong lumapit kay Damon na ngayo'y nakapikit na...Hinawakan ko siya sa dalawang pisnge....

"Damon....please....open your eyes....." napaiyak nalang ako sa nangyayari......

CS1: My Bossy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon