Chapter 1

113K 2.8K 1K
                                    

Sabi ko last na 'yong Prologue at focus na ako kay Ryder pero ayaw magpaawat ng utak ko so yeah, si Prince ang naisulat ko. Hahaha. Bare with me, mga mahal. Kung saan natutok utak ko, doon ako.😅😂 Ayokong ipilit utak ko sa hindi ko kaya dahil baka pangit magiging kalalabasan.😂

Wait lang Ryder bebe. Nilalandeee kasi ako ni Prince.😂

Anyways, enjoy reading!😘

CHAPTER 1

"KUYA ETHAN!" Excited akong bumaba mula sa hagdan ng bahay namin at kaagad na sinugod ng mahigpit na yakap ang nakakatandang kapatid ko.

I miss him so much.

Ilang linggo din itong hindi umuwi sa bahay dahil nadestino ito sa Pilipinas para sa misyon nito. Kuya Ethan works in Military. Minsan na lang itong umuuwi dito sa bahay namin sa Korea kaya namiss ko ito ng sobra.

Natatawang tinugon nito ang yakap ko at nang maghiwalay kami ay kaagad nitong ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko.

"How's my baby girl?" Malambing na tanong nito habang nakangiti.

Masama ko itong tinignan at inalis ang kamay nito sa ulo ko.

"I'm not baby anymore." I said and pout my lips.

"Of course, you're still my baby." Anito at mas lalong ngumiti.

"Kuya naman! Seventeen na ako at konti na lang ay mag e-eighteen na ako so yeah, hindi na ako ang baby girl mo." Nakasimangot na reklamo ko.

Tinaasan ako nito ng kilay.

"Hindi na kita baby girl? Eh kaninong baby girl ka na kung gano'n?" May himig panunukso sa boses nito na alam kong ikinapula ng magkabilang pisngi ko.

"Dapat na ba akong magtampo dahil ayaw mo ng maging baby girl kita? Gusto mo ng maging baby girl ng iba?" Patuloy nito.

Malapad akong ngumiti at malambing na humilig sa malapad na dibdib nito.

"Kuya, I want my Prince. I want to be his only baby girl." Nakangiting sambit ko at nangingislap ang mga matang tiningala ko si kuya.

Prince is his friend. My kuya's bestfriend and I met him two years ago. He was the one who saved me when I was shot.

Napailing ito sa tinuran ko at pinisil ang matangos na ilong ko.

"Silly girl. Of course you're his baby girl because he's your kuya. You're like his baby sister." Anito at ngumisi.

Sinimangutan ko ito.

"Kuya naman, eh. You know how much I like him, right? I don't want to be his little sister. I want to be his bride." I pouted.

My brother chuckled.

"But he don't want you to he his bride. He's ten years older than you, Arriane. Ayaw niyang maging baby-sitter kung sakali. Ang bata-bata mo pa para magpakasal at isa pa hindi ka nababagay kay kuya Prince mo. " Ngising-ngisi ito at talagang diniinan pa ang salitang kuya.

"I hate you, Kuya!" Pumalatak ako na ikinatawa nito.

"You're teasing your sister again." Sabay kaming napalingon kay Daddy na pababa ng hagdan.

"Si Kuya ang bad niya, Dad." Kaagad na sumbong ko at nilapitan si Daddy nang tuluyan itong makababa.

Ginulo nito ang buhok ko.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon