Chapter 25

81.9K 2K 142
                                    

CHAPTER 25

MAAGA AKONG NAGISING para ipagluto ng almusal ang kasintahan ko. I want him to eat his breakfast first before he go to work. Siguradong kapag duty na naman nito sa ospital ay makakalimutan na naman nitong kumain.

It's a good thing that I really push myself to learn how to cook well. Hindi ko na kailangan ng may kasama sa pagluluto. Paunti-unti ay natututunan ko nang magluto na ako lang.

Dumiretso ako sa kusina pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush. I tied my hair in a messy bun. Nahuhulog ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko pero hindi na ako nag-abalang ayusin iyon.

Nagsaing ako at nagprito ng bacon, ham at hotdog. Habang nagpiprito ay nagpatugtog ako sa cellphone ko at sumasayaw-sayaw. Sinasabayan ko pa ang kanta at umiindak.

Nang napalingon ako sa pinto ng kusina ay natigil ako sa pagsasayaw nang makita si Prince.

Nakasandal ito sa hamba ng pintuan, naka-krus ang mga kamay nito sa dibdib at nakikita ko ang pagka-aliw sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako.

"K-Kanina ka pa diyan?" Tanong ko.

Ngumiti ito at tumango.

"I just watch my girlfriend dancing for a couple of minutes." He murmured, amusement is written in his eyes.

Girlfriend. Uh, napakasarap sa pandinig.

"Ahm, breakfast na tayo?" Nahihiyang sambit ko.

I heard him chuckled and walk towards me. Masuyo ako nitong kinabig sa beywang at kaagad nitong sinakop ang labi ko. Kaagad ko iyong tinugon ng buong puso.

"Goodmorning, my baby girl." He murmured when he pulled away from our kiss.

"Goodmorning." Mahina at paos na sambit ko.

Hinaplos nito ang pisngi ko at inipit sa tenga ko ang kumalat na buhok sa mukha ko.

"How was your sleep?" He softly asked.

"It was good. Lalo pa katabi kita." Nakangiting sambit ko.

Mahina itong natawa at hinalikan ako sa noo. Iginiya ko ito patungo sa lamesa.

"Just sit there. Ipagtitimpla kita ng kape." Sambit ko at mabilis itong hinalikan sa mga labi.

Kaagad ko itong pinagtimpla ng kape at hinanda ko na rin ang almusal naming dalawa.

"Just use one plate, please." He said.

"Huh? Why?" Nagtatakang tanong ko.

"Gusto kong kumain na magkasalo tayo. Would you mind?" Napangiti ako sa sinabi nito.

"Sure."

Isang plato nga ang ginamit ko. Inabot ko ang kape sa binata at pati ang platong may mainit na kanin.

"Come here, baby." He demanded and tap his lap.

Tinignan ko ito kung seryoso ba ito o nagbibiro lang. Naiiling na masuyo ako nitong hinila at pinaupo sa kandungan nito. Napapansin kong mahilig itong pauupuin ako sa kandungan nito. His favorite position.

"Kakain tayong ganito?" Natatawang tanong ko.

He nodded and smiled at me. Ang ending ay kumain kami ng almusal habang nakaupo ako sa kandungan nito at panay ang subo nito ng pagkain sa akin.

"Hindi ka man kumakain, eh." Reklamo ko nang mapansing halos ako na ang umubos ng niluto ko.

Mahina itong natawa at inilapit ang bibig sa tenga ko.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon