Chapter 18

83.7K 2.1K 168
                                    

CHAPTER 18

GIGIL NA GIGIL na bumaba ako mula sa kotse ko.

Kinailangan ko munang kausapin si William para ipaliwanag dito ang lahat. And I'm just glad that he understand the situation.

Pero ang inis ko ay hindi basta-basta mawawala hangga't hindi ko nakakausap ang may kagagawan niyon sa kotse ni William.

Tinungo ko ang condo unit ni Prince at malakas kong pinindot ang doorbell nito.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Kaagad na tanong ko nang pagbuksan ako ni Prince ng pinto.

Sa halip na sagutin ako ay tumitig lang ito sa ibabang labi ko.

"Prince, tinatanong kita. Pinagbigyan na kita noong una pero ito hinding-hindi ko mapapalampas. How can you do that?" Mariing sambit ko pero ang loko ay nanatiling nakakatitig sa ibabang labi ko.

"Prince, ano ba? Kinakausap kita! Are you-" Napasinghap ako nang bigla ako nitong hinila papasok sa loob ng condo nito at pabagsak na sinara ang pinto.

Walang imik na pinaupo ako nito sa sofa at naglakad patungo sa kuwarto nito. Nang makabalik ito ay may bitbit na itong medical kit.

"What are you doing?" Kunot-noong tanong ko.

Still, no response from him.

Basta na lang itong umupo sa tabi ko at hinawakan ako sa kamay. Iginiya ako nito paupo sa kandungan nito.

"P-Prince-" Natigilan ako nang may inilapat ito sa ibabang labi ko.

Napatitig ako sa guwapong mukha nito.

"I'm sorry for doing this to you." He said and sigh.

Seryoso nitong ginagamot ang sugat sa ibabang labi ko.

Sa tuwing napapadiin ang kamay nito sa sugat ko ay napapangiwi ako.

Nang matapos ito ay tumitig ito sa mga mata ko. Matagal kaming nagkatitigan at kapagkuwan ay napalunok ako. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

Kumilos ako para sana umalis mula sa kandungan nito pero mabilis ako nitong napigilan. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa beywang ko.

"L-Let go of me." I said in a low voice.

Sa halip na pakinggan ako ay binaon nito ang mukha sa leeg ko.

"P-Prince, let-"

"Let's stay like this for a while, please?" He whispered.

Hindi ako nakaimik at mahinang napabuntong-hininga.

Medyo naiilang ako sa posisyon namin dahil nakaupo ako sa kandungan nito. Ramdam ko ang init sa paligid kahit naka-aircon naman.

"A-Aalis na ako." Sambit ko at tuluyan akong umalis sa kandungan nito.

Nakita kong napasandal ito sa upuan at tila hapong-hapo. Pawisan din ang noo nito.

"Okay ka lang ba?" Kaagad akong nilukob ng pag-aalala at sinalat ko ang noo nito.

"May lagnat ka!" Bulalas ko nang maramdamang mainit ito.

He just smiled weakly.

"I'm just tired. Umuwi ka na. Promise, hindi ko na sisirain ang kotse ng boyfriend mo." May halong sarkasmo ang boses nito.

Naiiling na kumuha ako ng panyo mula sa sling bag ko at pinunasan ko ang pawisang noo nito.

"Doctor ka nga pero nagkakasakit ka naman." Sambit ko sa pagalit na boses.

"Arriane, tao din naman ako. Normal lang na magkasakit ako paminsan-minsan." Tugon nito at pumikit.

Kitang-kita ko sa mukha nito ang iniindang sakit. Kanina pa pala masama ang pakiramdam nito, hindi man lang sinasabi.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon