Chapter 24

79.6K 2.1K 141
                                    

CHAPTER 24

TAHIMIK lang akong nasa tabi ni Prince habang seryoso itong nagmamaneho.

"A-Are you mad?" I asked.

Hindi ako nito sinagot kaya naikagat ko ang ibabang labi.

Napag-alaman na sinadya nga ang nangyari kanina sa event. Sa una ay hindi ako makapaniwala na si Yen ang nag-utos na gawin iyon para ipahamak ako. Inutusan nito ang lalaking nahuli ni Prince kanina.

Yen is a model. Inamin nitong nainggit ito sa akin dahil ito dapat ang kukuning model para sa event na iyon. And one of the reason why she did that, she's into William. Nagalit ito sa akin dahil ako ang palaging kasa-kasama ni William samantalang sila ang matagal na magkakilala. Kung alam lang nito ang tunay na pagkatao ni William.

Minsan ang mga tao talaga nakakagawa ng kasamaan dahil sa inggit. I'm just thankful to Prince because he was there. Sa una pa lang daw ay duda na ito sa kilos ng lalaking inutusan ni Yen ayon sa sinabi nito sa presinto kanina. He was so observant. Kung hindi ako kaagad naligtas kanina ay baka nga napahamak ako ng tuluyan.

Nakarating kami sa condo ko nang hindi nag-uusap. Hindi talaga ako nito kinakausap hanggang sa buksan ko ang pinto ng condo unit ko.

"Thank you sa paghatid." Mahinang sambit ko.

He just nodded at me.

"P-Papasok na ako." Sambit ko.

"Go ahead." He said.

Tinitigan ko ito sa mga mata.

"Galit ka ba?" Mahinang tanong ko.

Hindi ito umimik. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa door knob.

"Tell me why you're angry. Para alam ko kung ano ang dapat kong ihingi ng tawad." Sabi ko pero nakatingin lang ito sa akin.

Naikagat ko ang ibabang labi. Wala ba talaga itong balak na kausapin ako?

"Hahayaan mo ba akong matulog na may sama ng loob?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko.

Bakit ba kasi ayaw ako nitong kausapin? Ano bang nagawa ko?

Humakbang ako papalapit dito at hinalikan ko ito sa mga labi. Hindi nito tinugon ang halik ko kaya umatras ako.

"G-Goodnight." Sambit ko at tuluyan nang pumasok sa loob.

Dire-diretso ako sa loob ng kuwarto ko at pabagsak na nahiga doon. He's mad but I don't know why. Kanina pa lang sa presinto ay hindi na ako nito kinakausap.

Napahikbi ako. I'm getting emotional. Ang sama-sama talaga ng loob ko dahil hindi ako nito kinakausap. And he didn't respond to my kisses earlier.

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at humagulhol ng iyak. Ewan pero sobrang sama talaga ng loob ko. Hindi naman ako ganito ka-emosyonal dati. Dapat nga ay sanay na ako dahil ganito naman ka-cold si Prince sa akin noon.

Naisip ko na baka hindi na ako mahal ni Prince. Baka nabigla lang talaga ito. Tuloy ay mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa naisip.

Ilang segundo akong umiiyak nang may kumuha ng unan sa mukha ko at napasinok ako nang makita si Prince.

Tinulungan ako nitong makabangon at walang imik na pinunasan ang mga luha ko.

"Why are you crying?" He softly asked.

"Because I thought that you don't love me anymore." Umiiyak na tugon ko.

"Silly woman. Akala mo hindi na kita mahal kaya ka umiyak?" Muling tanong nito.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon