Chapter 7

80.3K 2.1K 206
                                    

Shout out kay Ate Pearl Joy Villa Ballete, Ate EVE LYN DELANTAR(Hayan capslock para dama. Hahaha.😂), Baby Lyn Dela Cruz, Jheyn Guingab Natag, Roxanne Padilla, Ate Diana Sarcilla Alcantara, Mayo Bentequatro, Analine Fernandez Padilla, Ate Jerremay Tuazon Mantilla, Ate Maila Albino Bercasio, Angel Lorenzo, Col Therese Caguindagan Felix, Allexa Darlyn  Singculan, Ate Juvy Aposaga and lastly, kay Ate ko Christine Garciano(ADVANCE HAPPY BIRTHDAY, ATE KO! I LOVE YOU!💓)

Hello po sa inyong lahat mention above. Love na love ko kayo. Thank you for supporting me and my stories and thank you for being active po sa group page ko. Love lots! 💓😘

Enjoy reading, everyone! 🤗😘

CHAPTER 7

"ATE ARRIANE, okay ka lang ba?" Napapitlag ako sa tanong na iyon na isa sa mga tinuturuan ko sa sarili kong dance studio.

Napakurap ako at sinalubong ang nag-aalalang mga mata nito.

Tumikhim ako at pilit na ngumiti.

"I'm okay. Bakit mo naitanong?"

Umiling ito.

"Kanina ka po kasi nakatulala. Akala ko masama ang pakiramdam mo. Okay lang naman kahit hindi mo kami turuan agad. You can take your time until you're ready. Health mo pa rin ang isipin mo." Anito sa mabait na boses.

I just smiled at her.

It's been two weeks since I started my work here in my own dance studio. Choreography is not that easy but I'm enjoying it. Iba-ibang estudyante at iilang kilalang grupo sa showbiz ang tinuturuan ko.

"I'm okay, Zel. Thank you sa concern. You can all go home na. See you again tomorrow." Ngingitian ko ito.

Tinignan ako nito at ngumiti din.

"Alam mo Miss Arriane, sobrang idol talaga kita. Noong nalaman kong nagpatayo ka ng dance studio dito kaagad akong mag enroll dahil ayoko talagang palampasin ang pagkakataong maturuan ng isang katulad mo. Ang galing-galing mo pong sumayaw at ang ganda-ganda pa ng boses mo. Dagdagan pa na sobrang ganda mo at ang sexy pa. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala kasi dati sa T.V lang talaga kita nakikita. Nasa Korea ka pa no'n. Idol na idol na talaga kita simula nang una kitang makita sa telebisyon." Nangingislap ang mga mata nito at halata ang matinding paghanga sa mga iyon.

Ginulo ko ang buhok nito. Zel is 15 years old. Naalala ko tuloy noong 15 years old pa ako at napapangiti na lang ako.

"Thank you for praising me. Masaya din ako na natuturuan ko kayo." Sambit ko.

She smiled. Hinawakan nito ang kamay ko.

"Miss Arriane, pwede ba kitang imbitahan sa party ng kuya ko bukas?" Nahihiyang tanong nito.

"Kuya mo?" Tanong ko.

Kaagad itong tumango.

"Nakakahiya man po pero I recommended you to him. Magkakaroon daw kasi siya ng bachelor's party bukas ng gabi and he's searching for a good dancer. Baka sakaling gusto mo? Don't worry, harmless naman po sila. Mabait ang kuya ko at ang mga kaibigan niya. You just have to dance in front of them. No touching allowed po. Bawal daw sabi ni kuya. At bawal din pong makita ang mukha mo. Si kuya lang ang nakakakilala sa'yo." Anito at itinaas pa ang kanang kamay na parang nangangako.

Napaisip ako sa sinabi nito.

"Are you saying na lalaki ang lahat ng naroroon?" Tanong ko.

Tumango ito.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon