Chapter 8

81.1K 2.2K 244
                                    

Shout out kay Ate ko Christine Saludes Yanga. (Kumusta naman ang pm ni Rein sa'yo? Nag-enjoy ka ba? Napakagandang ebidensya, right? HAHAHAHAHAHA) 😂😂😂

Hayan, solo mo 'yong shout out, ha? Hahaha.😂😂

ENJOY READING!! 💓

CHAPTER 8

"K, WE HAVE TO TALK." Natigil ako sa paghuhubad ng doctor's robe ko nang makita si Ethan sa loob ng opisina ko.

Kinuotan ko ito ng noo.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko at tuluyang hinubad ang suot kong doctor's robe at naglakad patungo sa swivel chair.

Pinatong ko ang doctor's robe doon at muling tumingin kay Ethan.

"Well?" Untag ko nang hindi ito nagsalita.

Ethan sighed.

"Napansin kong ilang araw ng malungkot ang kapatid ko. May ginawa ka ba o may sinabi? I mean, gano'n lang naman 'yon kapag ikaw na ang involve at-"

"D, kung anuman ang ginawa o sinabi ko sa kapatid mo, it's for her own good. You know me. I am your bestfriend and I won't harm your sister. She's too young for..." Napabuntong-hininga ako. "She's too young for me." Humina ang boses ko sa huling sinabi.

"You like my sister." Anito at seryoso akong tinignan.

Diretso kong sinalubong ang tingin nito. Naglabanan kami ng tingin at kapagkuwan ay napailing ito.

"K, naiintindihan ko kung bakit ganyan kang umakto sa harapan ng kapatid ko. And I'm serious when I said that it's you that I want her to marry. Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang para sa kapatid ko. Nasa likod mo lang ako. Nasa likod niyo lang ako. I'll support you both but please, just do me a favor. Don't hurt her and most of all don't make her pregnant." Seryosong-seryoso ang mukha nito at napakunot ang noo ko sa huling sinabi nito.

"Don't make her what?" Naguguluhang tanong ko.

"You heard me." He said.

"D-"

"You took her innocence at the age of eighteen, K." Mariing usal nito.

Natigilan ako sa sinabi nito at bahagyang nanlaki ang mga mata.

How did he know that?

Nagkatinginan kami. Mata sa mata, lalaki sa lalaki. Parehong seryoso ang mga mukha naming dalawa.

"Alam ko dahil naroroon ako nang gabing pumasok ang kapatid ko sa kuwarto mo. Hinayaan kita, hinayaan ko ang kapatid ko dahil tangina, kung ano at kung sino ang makakapagpasaya sa kapatid ko ay ibibigay ko. Kahit ano ibibigay ko sa kanya kahit alam kong hindi tama ang ginawa niyang pagpasok sa kuwarto mo noon. Lahat ibibigay ko para sa kapatid ko." May diin ang bawat salita nito.

Naikuyom ko ang mga kamao. So he knew. He knew but he didn't confront me. Pero bakit?

"J-Just don't make her pregnant, K. I beg you. I-I don't want to lose my sister." Nahimigan ko ang kalungkutan sa boses nito.

Kumunot ang noo ko at nilapitan ko ito.

"May hindi ba ako alam, D? May hindi ka sinasabi sa'kin?" Mapanganib na tanong ko.

Nag-iwas ito ng tingin. Naikuyom ko ang mga kamao at kinuwelyuhan ko ito.

"S-She's not sick, right? Tell me!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon