Chapter 32

76.3K 1.9K 128
                                    

CHAPTER 32

NAGISING AKO at bahagyang natigilan nang mapagtantong may nakayakap sa'kin. Tumingin ako sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko habang yakap-yakap ako.

Nakakatawang isipin kung paano nitong napagkasya ang malaking katawan nito sa hospital bed na hinihigaan ko.

Dahan-dahan akong kumilos at hinaplos ko ang nakakunot nitong noo habang mahimbing na natutulog.

He looks tired. Marahil ay tulog ako kanina nang dumating ito. Sinabi ni Kuya Ethan sa akin kanina na tumulong itong operahan ang asawa ng kaibigan nilang si Ryder.

"Baby..." Anas ko.

Nanatili itong nakapikit. Napakahimbing ng tulog nito. Alam kong ilang araw na itong halos hindi natutulog sa pag-aasikaso sa'kin.

"I'm sorry." I whispered and I bit my lower lip to suppress my tears.

Pagkatapos nitong malaman ang sakit ko, halos hindi na ito kumikibo. Palagi itong nakangiti sa'kin pero iba ang nakikita ko sa mga mata nito. Sa ilang araw na nandito ako sa ospital, palagi ko itong nahuhuli na tila malalim ang iniisip. Halos hindi na ito nagpapahinga.

Mahina akong napabuntong-hininga at muli ay naikagat ko ang ibabang labi.

I'm sorry.

Dahan-dahan ay kumilos si Prince at pupungas-pungas na nagising. Nagtama ang mga mata naming dalawa at napatitig kami sa isa't-isa.

"H-Hey." I murmured.

Kaagad itong kumilos at umayos ng upo sa tabi ko.

"I'm sorry, baby. Nakatulog ako. Tulog ka kanina nang pumasok ako. Are you okay? How are your feeling right now?" Anito habang hinahaplos ang tiyan ko.

"I'm okay." Tugon ko at pinakatitigan ito. "You look...tired. You should go home, Prince. Nandito na din naman mamaya si Kuya Ethan at pupunta din si Michelle." Sambit ko at sinubukang bumangon.

Kaagad ako nitong inalalayan.

"I won't leave you here." He said and kiss my forehead.

Hinawakan nito ang kamay ko.

"We'll leave the day after tomorrow. Doon ka sa ospital ko sa Korea." Anito at hinalikan ang kamay ko. "We'll get through this, baby. Just...fight, please." His voice was begging.

Nang magtama ang mga mata namin ay hindi nakatakas sa paningin ko ang takot sa mga mata nito.

Umangat ang isang kamay ko at masuyo kong hinaplos ang pisngi nito.

"Aren't you mad?" I softly asked.

"Why would I?"

I bit my lower lip.

"D-Dahil tinago ko sa'yo ang sakit ko." Mahinang sambit ko.

Sandali itong hindi nakaimik habang nakatitig lang sa'kin at kapagkuwan ay kinabig ako at ikinulong sa mga bisig nito.

"I'm not but... Damn, baby... I-I'm scared." He whispered.

Natigilan ako sa sinabi nito at pinigilan ang sariling huwag mapaluha.

"Bakit natatakot ang prinsipe ko? Hmm?" Pilit kong pinasaya ang boses.

Hindi ito umimik. Sa halip ay ibinaon nito ang mukha sa leeg ko at parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit nang yumugyog ang magkabilang balikat nito, tanda na umiiyak ito.

Oh, Prince. I'm really sorry.

"Prince-"

"I don't want to lose you, baby." Humigpit ang pagkakayakap nito sa'kin.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon