Chapter 26

75.4K 2K 42
                                    

CHAPTER 26

"I HAVE FAMILY DINNER TONIGHT. I'm sorry, baby. I can't fetch you. Bukas ng umaga na lang tayo magkita, okay?" Iyon ang bungad ni Prince sa akin nang tawagan ako nito.

Nakakaintinding tumango ako kahit hindi ko ito kaharap.

"Just take your time. My bestfriend Michelle invited me for dinner din so it's okay." Sambit ko.

Tamang-tama lang dahil tinawagan ako ni Michelle kanina para imbitahang mag dinner. Bukas ko na lang sasabihin kay Prince na lilipat na ako sa bahay nito.

"I'm really sorry, baby girl." Anito mula sa kabilang linya at napabuntong-hininga. "Biglaan lang din kasi. Gustong-gusto na kitang makita. Damn, I've beem missing you all day, baby girl. Ayoko lang tanggihan si mommy dahil baka magtampo." Todo paliwanag ang kasintahan ko.

Naiiling na mahina akong natawa.

"Okay nga lang po." Malambing na sambit ko. "At namiss din kita. I want to hug you right now." Pahabol ko sa nahihiyang boses.

Sandali itong hindi umimik pero naririnig ko ang mahinang pagmumura nito sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Sabihin ko na lang kaya kay mommy to cancel the family dinner? Para makasama kita ngayon at-"

"Prince, no. Nakakahiya kay mommy mo. Don't worry about me. Magkikita pa naman tayo bukas so just take your time, okay? Enjoy ka, mahal ko. I will message you kapag kasama ko na si Michelle mamaya." Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

"Okay, baby. Take care, okay? Message me later. I love you." Napangiti ako sa huling sinabi nito.

"I love you, too." Nakangiting tugon ko.

Ilang sandali pa kaming nag-usap bago ito magpaalam. Tinitigan ko ang cellphone ko at napasandal sa sofa.

Ayokong pangunahan si Prince pero wala ba itong balak na ipakilala ako sa pamilya nito bilang girlfriend nito? Ilang linggo na kaming magkasintahan at hindi pa ako nito napakilala sa mga magulang nito.

Paulit-ulit akong napailing-iling. Kung hindi pa handa ang kasintahan ko para ipakilala ako sa pamilya nito ay naiintindihan ko. Masyado pa nga siguro akong bata para ipakilala akong kasintahan sa harap ng pamilya nito. Prince is a successful doctor with his young age. A very successful one. Kung tutuusin ay hindi nababagay ang tulad ko sa isang katulad nitong marami nang napatunayan sa buhay.

Muli ay napailing-iling ako. Ano ba 'tong iniisip ko? I sighed and walk towards my room. Nagbihis ako at nag-ayos. Saktong tapos na ako ay nag message si Michelle na papunta na ito. She fetch me. Kotse nito ang ginamit namin at iniwan ko na lang ang kotse ko.

"Ang blooming natin, ah? Araw-araw kang nadidiligan?" Michelle asked playfully while driving.

Natatawang napailing ako. Alam nitong kasintahan ko na si Prince. Hindi ko iyon itinago sa bestfriend ko. Alam nito kung gaano ako kabaliw kay Prince mula noon hanggang ngayon.

"May nabasa ako tungkol sa boyfriend mo." Maya-maya ay sambit nito.

"Ano 'yon?" Tanong ko habang abala sa pagtipa sa cellphone ko.

I'm texting Prince right now. Sinabi kong kasama ko na si Michelle.

"He's a doctor, right? I've read an article about him when he save one of his patient with heart disease. It was a very critical operation and he received an award together with his team years ago." She said and look at me and then look again at the road.

"I'm planning to tell him very soon." I said and sigh.

"How are you feeling? Madalas ka pa rin bang inaatake?" Tanong nito.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon