CHAPTER 33
"PRINCE." Bahagya akong nagising sa isang tawag lang ng pangalan ko mula kay Ethan.
Kunot ang noong inabot nito sa'kin ang kape na inorder nito at umupo sa bakanteng silya na nasa harapan ko.
We're inside the coffee shop, near JSmith's Hospital. Niyaya ako ni Ethan dito at ito ang nag-order ng kape. Bahagya lang akong naka-idlip sa inuupuan ko dahil sa sobrang pagod. Not only physically but emotionally.
Umayos ako ng upo at tumikhim.
"Ilang araw ka nang walang pahinga." Usal nito at sumimsim ng kape.
"I'm okay." Sambit ko at inangat ang baso ng kape. "Thanks for this." I murmured and sip the coffee.
"Aalis na tayo bukas at..." Malungkot itong ngumiti. ",ooperahan na si Arriane. Are you ready?" Ethan asked.
Diretso ko itong tinignan sa mga mata.
"Ready ka na din ba? Sa magiging resulta?" Seryosong tanong ko.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa baso ng kape.
"Natatakot ako." Pag-amin nito.
Natahimik ako.
Pareho lang tayo, Ethan.
"She will survive, Ethan. I will do everything to make that happen. Hindi ako susuko." Seryosong sambit ko.
Tumango ito.
"I know. You've been contacting your fellow doctors to help you. At... alam kong nagbababad ka sa pag-aaral sa kondisyon ng kapatid ko. I saw your medical books in your office and your discussing it to your fellow doctors in Korea and I'm really thankful for your effort, Prince. Wala kang ibang ginawa kung hindi ang mag focus sa kondisyon ng kapatid ko. Pero sana...magpahinga ka din. Baka magkasakit ka din. Hinding-hindi magugustuhan ni Arriane 'yon." Kitang-kita ko ang pasasalamat at pag-aalala sa mga mata nito.
"Si Arriane ang pinag-uusapan dito at hindi uso ang pahinga sa'kin sa kondisyon niya ngayon, Ethan. We're running out of time. I can see it, she's turning weak day by day. Alam kong ayaw niyang ipakita and it hurts me to see her like that, Ethan. Kung hindi ako kikilos agad, I could lose her and our baby. Dalawang buhay ang maaaring mawawala sa'tin, sa akin. And giving up is not an option. Kung puwedeng sa akin na lang mapunta ang sakit niya. Kung puwedeng ako na lang ang nahihirapan. Seeing her everyday lying down on that hospital bed...i-it's so painful. Halos ayoko siyang tignan dahil doble-doble ang sakit na nararamdaman ko pero kailangan niya ng lakas mula sa'ting lahat." Ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko at mabilis akong napakurap para hindi tuluyang tumulo ang mga nagbabadyang luha ko.
"Hindi ko hihilingin na gawin mo ang lahat para sa kapatid ko dahil alam kong kahit hindi ko hilingin ay 'yon ang gagawin mo, Prince. May tiwala ako sa'yo. May tiwala ako sa kakayahan mo at kung anuman ang maging resulta ng lahat ng 'to, tatanggapin ko ng buong puso." Napapatitig ako sa matalik na kaibigan.
Sa mga sinabi nito ay mas lalo akong nasasaktan dahil sa sitwasyon namin. Alam kong pareho kaming natatakot pero kailangan naming maging matapang para kay Arriane. Para sa baby girl namin.
"I love her so much, D. And I can't afford to lose her. S-She's my weakness." Mahinang sambit ko.
Ethan smiled and tap my shoulder.
"And thank you for loving my sister unconditionally. Hindi ako nagsisisi na sinuportahan ko ang kapatid ko para sa'yo. And I regret saying those words when I said to get rid your baby. I'm really sorry. I was just desperate, Prince." He sincerely apologized.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim