Chapter 28

72K 2K 123
                                    

CHAPTER 28

NAPAILING AKO habang nakatitig sa babaeng mahimbing na natutulog sa malapad kong kama. Nakatulog ito after we made love. Ingat na ingat akong bihisan ito kanina para hindi ito magising at binuhat patungo sa kotse ko.

At ngayon nga ay nakahiga na ito sa kama ko nang hindi man lang nagigising. Mukhang napagod ko ito ng husto.

Napangiti ako nang maalala ang nangyari sa'min sa rooftop. It was one of the best lovemaking with her.

Maingat kong hinubad ang sandals at dress nito, pati ang sling bag nito ay inalis ko at kapagkuwan ay tinungo ko ang malaking cabinet ng kuwarto ko. Kumuha ako ng t-shirt at binalikan ang dalaga. Isinuot ko ang damit sa kasintahan ko at kinumotan ito.

"Sleep well, baby." I said and kiss her forehead.

Bahagya itong gumalaw para magpalit ng posisyon. Ilang beses nito iyong ginawa na tila hinahanap ang posisyon kung saan ito magiging komportable. She even hug my pillow.

"My baby..." Naiiling na mahina akong natawa habang pinagmamasdan ko ito. She's so cute.

Dumukwang ako at maingat ko itong dinampian ng halik sa mga labi.

Naglakad ako patungo sa woodeen table ng kuwarto ko at binuksan ang drawer niyon. Kinuha mo mula doon ang blue velvet box at binuksan iyon. Lumipat ang tingin ko kay Arriane at kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa bagay na hawak ko.

Muli ko iyong ibinalik sa drawer at bumalik sa tabi ng kasintahan ko. Nahagip ng tingin ko nag sling bag nito. Alam kong hindi tama pero hindi ko napigilang buksan iyon at napakunot ang noo ko nang makita na may bote ng gamot ito doon. Bago ko pa man mabasa ang pangalan ng gamot na iyon narinig ko ang mahinang ungol ni Arriane.

Ibinalik ko sa loob ng bag nito ang gamot at ipinatong iyon sa bedside table. Mukhang nananaginip ang mahal ko.

Hinaplos ko ang buhok nito. Wala sa sariling hinawakan nito ang kamay ko at kinabig ako papalapit dito. Naiiling na nahiga ako sa tabi nito at ikinulong ito sa mga bisig ko.

"I love you, Prince." She murmured and it made me smile.

Looks like she dream of me.

"And I love you more, baby girl." I whispered as I caressed her hair.

I like this feeling. Ang makatulog at magising na ito ang nakikita ko ay isa mga pinapangarap ko. I really fall deep and hard. Masiyado ko nang mahal ang babaeng ito at hindi ako nagsisisi na inamin ko ang nararamdaman ko na sana ay noon ko pa ginawa.

Ibinaon ko ang mukha sa leeg nito at nakatulog sa tabi nito. Kinabukasan ay mahimbing pa rin ang tulog nito nang magising ako.

Maingat akong bumangon at pinagluto ito ng almusal. Saktong tapos na ako nang makita ko ang kasintahan na tila antok na antok pa rin habang naglalakad patungo sa'kin.

"Goodmorning." Bati ko at kinabig ko ito sa beywang nang tuluyan itong makalapit.

"Morning. Sorry, nakatulog ako. You brought me here. Ni hindi ko man lang naramdaman. Sorry." Anito sa kagigising lang na boses.

I chuckled.

"It's okay. Ang sarap nga ng tulog mo." Sabi ko habang tinititigan ang magandang mukha nito.

"What?" She asked.

"Uh, my baby is blushing." I teased.

"Because you're staring at me."

"Bakit, bawal ka bang titigan?"

"H-Hindi naman pero-"

"I love staring at you, baby girl." I said and kiss her forehead. "Kaya hayaan mo lang akong titigan ka, okay? Hayaan mong titigan ko ang pinakamamahal ko."

Mas lalo itong namula sa sinabi ko. I laughed softly as I kiss her on the lips.

"Eat your breakfast, baby. Pinagluto na kita. Gusto mo ba ng gatas? Ipagtitimpla kita." Sambit ko.

"Yes, please." She smiled at me.

"What else do you want?" I ask.

"Ikaw lang naman ang kailangan ko." Natigilan ako sa naging tugon nito. Ngiting-ngiti ito.

"Damn, baby. Don't make my heart beats so fast like this, please." Hinihingal na sambit ko na ikinatawa nito. Pakiramdam ko nga ay namumula ang pisngi ko dahil sobrang init niyon.

"I love you, prinsipe ko." She said cutely and it made my heart skip a bit. Fuck!

Tumikhim ako at inabala ang sarili sa pagtimpla ng gatas. Mahina lang itong natawa dahil nakita nitong medyo nanginginig ang mga kamay ko.

"Don't laugh at me, baby girl." Kinuotan ko ito ng noo.

"Para ka kasing nenerbiyos. Sinabi ko lang na ikaw lang ang kailangan ko at nag I love you lang naman ako." Natatawang sambit nito.

Napabuntong-hininga ako.

"What can I do? Tangina, kinikilig ako." Diretsong sambit ko dahilan para lumakas ang tawa nito.

"Arriane." Mariin ang pagbanggit ko sa pangalan nito.

"I'm sorry, I can't hold it." Tumatawang sambit nito, maluha-luha na ang mga mata dahil sa kakatawa nito.

Napailing ako at inabot ang gatas dito.

"Drink your milk na." Utos ko.

"Opo, kuya." She's teasing me.

"Kuya, huh? May kuya bang pinapaungol ka sa ibabaw ng kama? Gusto mo paungulin kita ngayon din mismo?" Nginisihan ko ito at buong pagnanasang sinuyod ko ito ng tingin.

"Bastos." Nakasimangot na bulong nito.

Mahina akong natawa at nanggigigil na siniil ko ito ng halik sa mga labi.

"Uh, taste so good." I murmured and deepened the kiss. She respond to my kisses. We shared a very hot and passionate kiss. Kusa akong lumayo sa dalaga at hinalikan ko ito sa noo.

"Kain ka na." Sambit ko sa paos na boses.

Baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at maangkin ko ito.

Iginiya ko ito sa dining table at pinaghanda ito ng pagkain. Just like my favorite position, I made her sit on my lap again. Sinubuan ko ito ng pagkain.

"Konti lang. Wala akong gana." Anito at biglang tumayo.

Patakbo nitong tinungo ang sink at kumunot ang noo ko nang nagsuka ito ng nagsuka doon.

Nag-aalalang nilapitan ko ito at hinagod ang likod nito.

"You okay, baby?" I worriedly asked.

Tumango lang ito bilang tugon habang nagmumog.

"I'm sorry. Naisuka ko yata lahat ng kinain ko. I'm really not feeling well these past few days. Hindi ako makakain ng maayos." Nakangiwing sambit nito.

Pinakatitigan ko ito sa mukha at hinaplos ko ang buhok nito.

"When was your last period, baby?" I softly asked.

"H-Huh?"

I just look at her beautiful face and smiled. Wala sa sariling hinaplos ko ang tiyan nito. I'm not sure if she's pregnant but it's possible. Sa lahat ng babaeng inangkin ko, kay Arriane lang ako hindi gumamit ng proteksyon. Mukhang walang ideya ang kasintahan ko na posibleng buntis ito.

I felt suddenly excited. If ever that Arriane is pregnant, I would be the happiest man alive.

To be continued...

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon