CHAPTER 37
NAGISING AKO sa masuyong pagdampi ng mainit na kamay sa noo ko. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang magandang mukha ni Lyra.
Kaagad akong umayos ng upo.
"Nakatulog ako. I'm sorry." Kaagad na sambit ko.
"It's okay." Ngumiti ito at umupo sa tabi ko.
Masuyo ko itong kinabig at ikinulong sa mga bisig ko. Tahimik ako nitong niyakap.
"Did you visit her?" She asked.
Tumango ako.
"Are you okay?" She asked again.
"I'm not." I answered honestly.
Napabuntong-hininga ito at kumalas mula sa'kin. Tinignan ako nito sa mga mata.
"What?" Medyo natatawang tanong ko habang nakatitig ito sa'kin.
Nakangiting umiling ito.
"I'm just amazed, Prince. Ikaw ang pinakamatatag na lalaking nakilala ko sa kabila ng mga pinagdaanan mo. I still remember when I first met you at the club four years ago. You were so drunk and-"
"We ended up in bed?" Pagtatapos ko sa sasabihin nito.
Kaagad itong namula at tumikhim.
"Ikaw ang pinakamahinang lalaking nakita ko ng gabing iyon. You were so lonely and broke. Hindi tumitigil ang mga luha mo so I accompanied you. Hanggang ngayon nakikita ko ang kahinaan mo, kung gaano kang nasasaktan pero pinipilit mong maging matatag at patuloy na lumalaban." Natahimik ako sa sinabi nito.
I met Lyra four years ago. Pagkatapos ng nangyari kay Arriane ay nagpakalasing ako para makalimot. Para makalimutan ko ang sakit kahit isang gabi lang. Kahit ilang sandali lang. Lyra was nice and sincere when she asked me if I am okay back then. At kinabukasan ay natagpuan ko na lang ang sarili na kasama ko ito sa iisang kama. And the rest is history.
"Thank you for being with me all these years." I murmured.
Tumango si Lyra at hinawakan ang kamay ko. Hinaplos nito ang singsing na suot ko.
"Just be strong, Prince. Nandito lang ako para sa'yo. Nandito kami ni Miracle." Mahinang usal nito.
Tumango ako at napangiti.
"My daughter, Miracle, she's so adorable. Whenever I see her, I'm filled with happiness." Mahinang usal ko.
Lyra sigh. Nginitian ko ito at hinalikan ito sa pisngi at kapagkuwan ay tumayo.
"I'll prepare our lunch." Sambit ko at dumiretso sa kusina.
Magkasalo kaming kumain at ito ang naghugas ng plato nang matapos kami.
I let her go back to my room and sleep. Alam kong pagod ito sa trabaho. Lyra is also a doctor.
Tumabi ito ulit kay Miracle at tuluyang nakatulog.
Lumapit ako sa anak ko at masuyo kong hinaplos ang pisngi nito. Dahan-dahan ay gumalaw ito at nagmulat ng mga mata.
"Daddy." Usal nito nang makita ako.
"Shhh. Mommy will wake up. Lower your voice, baby." I said and help her get up from the bed.
Awtomatiko itong humilig sa balikat ko habang buhat-buhat ko ito.
"Milacle slept well, Daddy." Anito sa cute na boses.
"Yeah, I know. Good girl ka because you sleep well." Sambit ko habang naglalakad palabas ng kuwarto.
"Milacle have rewards, then? Kasi velly good Milacle?" Tanong nito na ikinatawa ko.
Maingat ko itong pinaupo sa sofa.
"Anong reward ang gusto ng baby ko?" Malambing na tanong ko habang hinahaplos ko ang mahaba at maitim na buhok nito.
"I want to see my mommy po, Daddy." Anito.
"Your mommy? She's in our room, baby." Natatawang sambit ko.
Umiling ito at diretsong tumingin sa mga mata ko.
"'Yong totoo ko pong mommy ang tinutukoy ko, Daddy." Natigilan ako sa sinabi nito at napatitig sa inosente at magandang mukha nito.
Paano nitong nalaman?
"Miracle-"
"I'm solly, Daddy. I heald you last time when you wele dlunk po. You keep saying a gill's name po. I lemembel the name po, Daddy. It's Alliane, Daddy. Siya po ba ang mommy ko? Nasaan na po siya? Ano pong ginagawa niya ngayon, Daddy?" Natulala ako sa mga tanong nito at kapagkuwan ay biglang napaluha.
Sinapo ko ang maliit na mukha nito. I really don't know what to say. Oo alam nitong hindi nito totoong ina si Lyra pero hindi ko inaasahan na magtatanong ito tungkol sa totoo nitong ina. I don't know how to explain everything to my daughter.
Akmang magsasalita ako nang malakas na tumunog ang suot kong wrist watch. Nakakabingi ang tunog niyon. Malakas na kumabog ang dibdib ko at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat.
Mabilis kong binuhat si Miracle at pinasok sa kuwarto. Ginising ko si Lyra. Kaagad itong nagising at bumangon.
"What happened?" She asked.
"S-Si Arriane..." Nanginginig ang boses ko.
Kaagad nitong naitindihan ang ibig kong sabihin. Kinuha nito si Miracle mula sa'kin.
"Go." She said and smiled at me. "Go to your wife, Prince. I'll take care of Miracle." Lumuluhang tumango ako at mariing hinalikan sa noo ang anak ko.
"Babalik ako, anak. Babalik akong kasama ang mommy mo." Sambit ko at mabilis na lumabas ng kuwarto.
Habang nagmamaneho ako ay patuloy ang pagtunog ng wrist watch ko. Tinawagan ko si Ethan at kaagad nito iyong sinagot.
"Papunta ako sa J'Smith's hospital. My wrist watch alarmed just now. S-Si Arriane, m-mukhang gising na." Kaagad na bungad ko at kaagad itong napamura sa sinabi ko.
Hindi ko na ito hinintay na makapagsalita at kaagad kong pinatay ang tawag. Pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa ospital. Pinaghalong kaba, excitement at takot ang nararamdaman ko. Kung anu-ano ang nasa isip ko. Ramdam ko ang panginginig ko.
Nang makarating sa ospital ay nagmamadaling sinalubong ako ng mga nurse at doctors na nagbabantay kay Arriane. Inasikaso ako ng mga ito at mabilis na isinuot ang surgical gown ko.
Dali-dali akong pumasok sa malaking private room ni Arriane. Naroon si James sa loob at nagsalubong ang mga mata namin. Tumingin ako kay Arriane at kitang-kita ko ang paggalaw nito ngunit nanatiling nakapikit.
Sinapo ko ang mukha nito.
"Baby... Baby, I'm here. Wake up. Wake up, please." I whispered.
Tila narinig nito ang sinabi ko. Nagmulat ito ng mga mata at hingal na hingal na kusa nitong tinanggal ang oxygen mask mula sa ilong nito.
Sinalubong nito ang tingin ko, titig na titig sa mga mata ko.
"Naririnig mo ba ako? N-Nakikilala mo ba ako?" Tanong ko sa mahinang boses.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa pinaghalong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Dahan-dahan ay tumango ito.
"P-Prince." She murmured.
Kusang pumatak ang isang butil ng luha ko sa pisngi nito nang marinig ko ang boses nito.
She's here. My baby's here. She came back to me. My baby... My baby girl.
"Damn, baby." Humagulhol ako ng iyak at nanghihinang napasalampak ako sa sahig.
Parang ngayon ko naramdaman ang panghihina ko sa loob ng apat na taon. Nagkahalo-halo lahat ng nararamdaman ko.
She's finally awake. God! My baby's awake!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim