Chapter 21

86.5K 2K 85
                                    

WARNING: NAKAKABITIN.🥴😂

CHAPTER 21

PRINCE CALLED and told me that he can't make it tonight. Nagkaroon daw ito ng emergency sa ospital at kailangan nitong tutukan ang pasyente nito.

Sa totoo lang ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Inviting him to eat ramen with me was a wrong move. Lalo pa't alam ko ang ibig sabihin niyon.

It was a good intention pero alam kong iba ang dating.

"Don't skip your meals no matter how busy you are." Bilin ko sa binata.

Gusto ko sanang ipagluto ito. Marunong naman akong magluto pero kailangang may mag-assist sa'kin. Noong nasa Korea kami ay ilang beses ko na ring pinagluto si Prince pero ang cook namin ang tumutulong sa'kin no'n para makapagluto ako ng maayos.

"Copy that, boss." Narinig kong tugon nito mula sa kabilang linya.

Nakangiting pinatay ko ang tawag at pabagsak na nahiga sa kama. I really can't believe it, kami na talaga. As in kami na.

Muling pumasok sa isip ko ang sinabi nito kahapon.

Dahil nagseselos ako! Dahil mahal kita! Tangina, mahal kita, Arriane! Mahal kita! Mahal na mahal kita! Naiintindihan mo ba? Mahal kita!

Naikagat ko ang ibabang labi at nagpagulong-gulong sa malapad kong kama.

Damn. That was a smooth confession. Sobrang nagulat talaga ako kahapon. Parang ayaw pa ring mag sink-in sa utak ko hanggang ngayon. Pakiramdam ko nga ay nananaginip lang ako.

"I'm not dreaming, right?" I whispered.

Napatitig ako sa cellphone ko. Kausap ko pa lang siya pero namimiss ko na agad ito. I want to see him. I want to feel him for me to know that I'm really not dreaming. Pero ayokong maistorbo ito.

Napabuntong-hininga ako at kapagkuwan ay bumangon. Bahala na. I'll visit him to the hospital. I just want to see him. Uuwi din ako kaagad.

Naligo ako at nagbihis. Sinipat ko ang sariling repleksyon sa malaking salamin. I'm wearing a white off shoulder crop top shirt. Pinaresan ko iyon ng denim skirt and ankle black boots na limang pulgada ang taas.

Hindi na ako naglagay ng make-up sa mukha. Nagpahid lang ako ng lip gloss sa labi at kapagkuwan ay lumabas na ng condo ko.

Nang makalabas ay tinanguan ko ang dalawang lalaking nag-aabang sa parking lot. They are my bodyguard. Kahit saan ako mapunta ay kasama ko ang mga ito. Kuya Ethan hired them personally. Sa una ay ayaw ko but he insist. Kailangan ko daw 'yon lalo pa at basta-basta na lang sumusugod ang iba kong fans. Pumayag ako sa gusto nito pero ayaw kong nakadikit ang mga 'to sa'kin.

Kaya ang ending ay palagi lang sumusunod ang mga ito sa akin at dumidistansya ng konti. Ibang kotse ang gamit ng mga ito.

"I already check your car, Miss Arriane. It's safe to use." Sambit ng isa.

They always check my car before I use it. Talagang mahigpit ang mga ito lalo pa't pinagbantaan ng mga ito ni Kuya Ethan.

Ngumiti ako at nagpasalamat.

Pumasok ako sa kotse ko at nagmaneho patungong J'Smiths hospital. Nakikita ko sa rearview mirror ang pagsunod ng kotse ng dalawa kong bodyguard. Infairness to them, they're good in their work. Nagagawa nila ng maayos ang mga trabaho nila bilang bodyguard ko.

Nang makarating sa ospital ay kaagad akong bumaba at pumasok. Pinagtitinginan ako ng ibang mga pasyente, mga staffs, nurses at ibang doctors.

Ang ibang nurse ay nagsilapitan sa akin at nagpakuha ng picture kasama ako. Akmang lalapit ang mga bodyguards ko nang senyasan ko ang mga ito kaya napatigil sa paghakbang ang dalawa.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon