Chapter 41

92.7K 2.1K 184
                                    


I'm sorry for the late update. Kanina pa dapat 'to kaso nagka-allergy ako. Huhu. Kalat sa katawan ko hanggang ngayon. Hays.

Anyways, happy reading!🥰

Try to listen "Marry Your Daughter" while reading this chapter.

God bless!😘

CHAPTER 41

"W-WHY DID YOU STOP?" Mahinang tanong ko nang masuyong tinakpan ni Prince ng makapal na kumot ang hubad na katawan ko.

Sa halip na sagutin ako ay masuyo ako nitong hinalikan sa tuktok ng ulo, sa noo, sa ilong at huli ay sa mga labi ko.

"You're not totally healed yet so...I have to control myself. Mahalaga ang kalusugan mo kaysa sa kalibugan ko." Anito at bahagyang inangat ang makapal na kumot at kapagkuwan ay pumasok doon. Kinabig ako nito at ikinulong sa mga bisig nito.

Napapatitig ako sa guwapong mukha nito at ngumiti. Talagang napakasuwerte ko sa lalaking ito. Wala itong ibang inisip kundi ang kapakanan ko.

"Are you sure you don't want to...make love to me?" I teased him.

I let out a soft laugh when he groaned. Halatang nagpipigil lang talaga ito.

"I want it so bad, baby.  But your health is more important." He said and kiss my forehead.

Tumango ako at mas lalong isiniksik ang sarili dito.

"Thank you." I murmured.

"For what, baby?" He softly asked.

Tinitigan ko itong mabuti sa mga mata.

"For everything that you have done for me. For our daughter. Thank you." I said and hug him tight.

"Para sa'yo, baby. Kaya kong gawin lahat para sa'yo." Anito sa mahinang boses.

"That's why I'm thankful. I'm really thankful, Prince. And I'm really sorry for causing you all of this. You suffered a lot because of me. S-Sorry sa mga panahong wala ako nang...nang mawala ang isa nating anak." He already told me about our little angel who didn't survive.

Masuyo nitong pinunasan ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko na hindi ko man lang namalayang tumutulo na pala.

"Shhh. Kahit wala ka...kinaya ko dahil alam kong babalik ka sa'kin, Arriane. Lahat ng 'yon, kinaya ko para sa'yo. Hindi ako puwedeng sumuko. Hindi kita puwedeng..." Masuyo nitong hinalikan ang labi ko. ",sukuan..." Anas nito.

Buong puso kong tinugon ang matamis at puno ng pagmamahal na halik nito.

"Mahal na mahal kita, baby girl. Ikaw lang...Ikaw lang ang nasa puso ko. Ikaw lang ang nagmamay-ari sa'kin. You're my one and only baby girl. You are my everything. You are my world, baby." Kitang-kita ko ang matinding pagmamahal sa maluha-luhang mga mata nito.

Sinapo ko ang mukha nito.

"I'm sorry dahil hinayaan kong harapin mo ang lahat. I'm sorry, Prince. Pangako, babawi ako. Babawi ako sa'yo." Sambit ko at hinalikan ko ito sa mga labi na kaagad nitong tinugon.

Hinaplos nito ang pisngi ko.

"Alam mo ba kung paano ka makakabawi?" Mahinang tanong nito.

"How?" I softly asked.

Muli nitong hinalikan ang noo ko.

"Mahalin mo lang ako at huwag kang umalis sa tabi ko. Sapat na 'yon, Arriane. Sobrang sapat na." Anito at pinagsiklop ang mga kamay namin.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon