Chapter 17

79.4K 2.2K 272
                                    

CHAPTER 17

"SO, ARE YOU SAYING THAT YOU'LL GONNA USE ME?" William asked as he sip his cup of coffee.

Napangiwi ako.

"Ginagamit mo lang din naman ako so quits na tayo." Natatawang sambit ko.

Naiiling na pinatong nito ang tasa ng kape sa mesa.

"Arriane, pumapayag ako sa gusto mo hindi dahil tinulungan mo ako kundi dahil gusto kitang suportahan. I'm willing to help you. Ang tanong, mananalo ka ba? I mean, baka masaktan ka lang sa huli." Anito, may concern sa boses nito.

Sandali akong hindi nakaimik.

"That's why I'm doing this. J-Just help me, please?" I beg.

He let out a sigh.

"As what I've said, I'm willing to help you. Just promise me that you won't get hurt on this." He said as he look straight in my eyes.

Ngumiti ako at tumango.

"Promise." Usal ko.

He smiled at me.

"Make sure to play your card well." He murmured.

"Well, depende rin sa performance mo." Natatawang sambit ko.

Natawa na rin ito at napailing.

"Thank you, William." Sambit ko at hinawakan ko ang kamay nito.

Nakangiting hinalikan nito ang likod ng palad ko.

"Anything for you. Malaki din ang naitulong mo sa'kin so who am I not to help you, right?" Ginulo nito ang buhok ko.

Napangiti ako.

The day he invited me for a dinner, marami itong naikuwento tungkol sa personal nitong buhay. He shared his problems and stuggles and also his secrets. Pagkatapos ng dinner na iyon ay naging malapit kami sa isa't-isa.

"So, tayo na?" Nakangising tanong nito.

Kaagad akong tumango.

"Suwerte mo, ang ganda-ganda ng girlfriend mo." Pabirong sambit ko na ikinatawa nito.

"Well, you're beautiful, Arriane." Papuri nito at ginulo ang buhok ko.

Natatawang sinaway ko ito.

Napatingin ako sa entrance ng cafe nang tumunog ang chimes na nakasabit sa bandang itaas ng glass door.

May pumasok na customer at nawala ang ngiti ko nang makita si Prince na papasok sa cafe. Kumabog ng napakalakas ang puso ko at tumaas ang kilay ko nang makitang may kasama itong babae.

Nagsalubong ang mga mata namin at ganoon na lamang ang pagka-inis ko nang nag-iwas ito ng tingin at dire-diretso lang itong naglakad kasama ang babae.

Ni hindi ako nito binati man lang nang mapadaan ang mga ito sa table namin. Nilampasan lang ako nito na parang hindi ako nito kilala.

Masama kong tinignan si William nang marinig ko itong tumawa ng mahina.

"Mukhang may matatalo." Anito at ngumisi.

Naikuyom ko ang mga kamao.

Ang matandang gagong 'yon! Akala ko ba manliligaw ito sa'kin? Bakit may kasama itong babae ngayon?

"You better back-off. You can't make him jealous. You see? Parang hindi ka man lang niya kilala." Gustong-gusto kong buhusan ng kape ang lalaking 'to.

"Tigilan mo nga ako." Nakasimangot na sambit ko.

Mahina lang itong natawa at kapagkuwan ay dumukwang ito. Ang sunod na ginawa nito ay hindi ko inaasahan. He kiss me on my lips. It was just a french kiss but my eyes widen because of what he did.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon