Chapter 36

72.2K 1.9K 395
                                    

CHAPTER 36

BABY, HELP ME. Save me, please. Save me. I miss you so much. I miss you, my Prince.

Pabalikwas akong napabangon mula sa higaan. Pinagpapawisan ako at nanginginig ang mga kamay na napahalimos ako sa mukha.

Naghalo ang pawis at luha sa mukha ko habang tahimik na umiiyak.

I miss her. I fucking miss her!

It's been four years but the pain inside my heart won't fade.

"Daddy?" Napalingon ako sa batang nasa tabi ko.

Pupungas-pungas ito habang kinukusot ang mga mata.

Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko at masuyo itong hinila patungo sa kandungan ko.

"I'm sorry, did I wake you up?" I softly asked and kiss her cheek.

"Milacle is hungry." She pouted.

Mahina akong natawa sa pagbanggit nito ng sariling pangalan. This three years old little girl can't pronounce the letter r. Instead of Miracle, Milacle ang nasasabi nito.

Bumaba ako mula sa kama habang buhat-buhat ko ito. Lumabas ako mula sa kuwarto at tinungo ang kusina. Pinaupo ko ito sa ibabaw ng mesa.

"Stay still, okay? Magtitimpla ako ng gatas mo. 'Wag kang malikot." Bilin ko.

"Opo, Daddy. Hindi malikot Milacle. Mabait Milacle, Daddy." Magalang na sambit nito.

Nakangiting ginulo ko ang buhok nito.

"Good girl." Sambit ko at inumpisahang timplahin ang gatas nito.

"Bilisan mo, Daddy. Gutom na Milacle." She demanded like a spoiled brat.

Nakangiting napailing ako. Like mom, like daughter.

"Ito na nga po." Mahina ngunit natatawang sambit ko habang inaabot ko ang baby bottled milk dito.

Kaagad nito iyong isinubo sa bibig nito at nangingislap ang mga matang tumingin sa akin habang dumedede. Siyang-siya ito dahil nakatikim na ng gatas. She looks so hungry. Tuloy ay nakonsensya ako. Masyadong napasarap ang tulog ko.

"Goodmorning!" Pareho kaming napalingon sa nagsalita.

"Mommy!" Masayang sigaw ni Miracle at kaagad nitong binitawan ang hawak na bote.

Nagpakarga ito sa bagong dating.

"Mommy Lyla!" Miracle eyes twinkled as she hug Lyra. Lyla ang tawag nito kay Lyra, talagang hindi mabanggit ng maayos ang r sa pangalan.

"Oh my baby Miracle." Lyra said and kiss Miracle on the cheek.

Nilapitan ko si Lyra at hinalikan ko ito sa pisngi.

"Pagod ka galing ospital, magpahinga ka muna." Sambit ko at masuyong inalis ang bag nito.

"Thank you but I prefer to play with this little girl. Let's play, baby." Nakangiting sambit nito habang hinahalik-halikan si Miracle.

"Milacle loves to play! Yeeey! Mommy Lyla will play with me." Miracle clapped in glee.

Naiiling na tumawa ako.

"'Wag mong pagurin si Mommy Lyra, okay? She needs to rest." Sambit ko kay Miracle habang ginugulo ko ang buhok nito.

"Opo, Daddy. We'll play just a little and then I'll make hel lest." Hindi ko mapigilang matawa na naman dahil pagkabulol nito sa r. It's supposed to be make her rest instead of make hel lest.

"Good gill po baby Milacle." Patuloy pa nito.

Nanggigigil na hinalikan ko ang medyo chubby nitong pisngi.

"Okay, play na kayo ni mommy. Be a good girl." Sambit ko at sinulyapan si Lyra.

I smiled at her and mouthed Thank You to her. Nakangiting tumango ito at hinalikan ako sa pisngi.

"Sa kuwarto lang kami." Anito.

"Go ahead. I'll cook our lunch. Anong gusto mong ulam?" Tanong ko.

"Anything. Kahit ano namang lutuin mo kinakain ko. Ako nang bahala kay Miracle." Anito at dumiretso na sa kuwarto habang karga-karga si Miracle.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa paligid. I feel empty. Kung nandito lang sana siya, kung siya lang sana ang kasama ko. Pero hindi... Wala ito. Hindi ito ang kapiling ko.

Napailing ako at napatingala, pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Inabala ko ang sarili sa paghihiwa ng karne at ingredients para sa lulutuin kong pananghalian.

Nang matapos ako ay sinilip ko ang dalawa sa kuwarto. Napangiti ako nang makitang pareho nang tulog ang mga ito. They are hugging each other on my bed.

Lumapit ako at kinumutan ang mga ito. I left a note saying that I'll go outside for a while.

Nagmaneho ako at tumigil sa flower shop para bumili ng bulaklak.

"Sir, madalas ko po kayong nakikitang bumibili ng bulaklak dito. Ang suwerte naman po ng girlfriend mo." Hindi mapigilang sambit ng babae habang inaabot sa'kin ang bulaklak na binili ko.

Tipid akong ngumiti.

"This is for the girl I love." Sambit ko at magalang na nagpaalam.

Muli akong nagmaneho patungo sa sementeryo at napatitig sa pangalan na nakaukit sa lapida. Hinaplos ko iyon at inilapag ang dala kong bulaklak.

"I'm sorry." I whispered. "I'm sorry for not saving you, baby." Patuloy kong hinaplos ang pangalan nito. "I love you. Always remember that."

Mariin akong pumikit at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Ilang sandali akong nanatili doon bago ako bumalik sa kotse ko. Tila pagod na pagod na napasandal ako sa likod ng upuan at napahilot sa ulo ko.

Sa araw-araw na nabubuhay ako ay para akong robot. Kumikilos ako ng naaayon lang sa dapat kong gawin. Walang kabuhay-buhay. Hindi na ako katulad ng dati. May kulang. Napakalaki ang nawala sa pagkatao ko.

Arriane, baby. I miss you, baby girl. I miss you.

Napayuko ako sa manibela at doon ko ibinuhos ang mga luha ko. Doon ko pinakawalan ang lahat ng sakit. Pero kahit ilang balde ng luha pa ang ibubuhos ko ay hindi pa rin niyon nabawasan ang kalungkutang nararamdaman ko.

Kung sana ay kasama ko ito. Kung sana ay naririnig ko ang tawa nito. Kung sana ay nayayakap ko ito. Namimiss ko ang bawat katagang lumalabas mula sa bibig nito lalo na kapag sinasabi nito kung gaano ako nito kamahal.

I want her back so bad.

Pinakalma ko ang sarili bago ako nagmaneho ulit pabalik sa bahay ko. Panay ang tingin ko sa suot kong high tech wrist watch. Umaasa na sana ay may dala iyong magandang balita.

Marahas akong napabuntong-hininga hanggang sa makarating ako sa bahay. Pasalampak akong naupo sa sofa at pumikit.

Paunti-unti ay nakaramdam ako ng antok at hindi namalayang umilaw at mahinang tumunog ang suot kong wrist watch.

Tuluyan akong nakatulog at muli ay pumasok sa panaginip ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Sa panaginip ko ay pilit ko itong hinahawakan pero palayo ito ng palayo sa'kin hanggang sa hindi ko na ito makita.

To be continued...

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon