CHAPTER 23
"NO." Mariin ang pagtanggi ng kasintahan ko habang nakakunot ang noo nito.
"Sige na, please? Just this one. Promise, after this I won't do any daring shoots anymore. Last na talaga 'to. Payagan mo na ako. Please?" Sinadya kong papungayin ang mga mata.
Ilang araw ko na itong pinipilit. Kinuha akong ramp model ng isang sikat na lingerie brand at bukas na dapat ang schedule ng event pero nalaman iyon ni Prince kaya nahihirapan ako ngayong kumbinsihin ito.
Naaalala ko pa ang galit nito noong nakita nito ang commercial ko sa telebisyon kaya nag-aalangan akong sabihin sa binata na may tinanggap akong project kamakailan lang. Knowing this man, nakapa-protective at territorial nito kapag katawan ko na ang pinag-uusapan.
"Arriane, isang linggo na nating pinag-uusapan 'to and it's still a no." Mariing sambit nito.
Napabuntong-hininga ako.
"Girlfriend mo ako. Hindi ba puwedeng suportahan mo na lang ako sa mga gusto ko?" Sinimangutan ko ito.
Salubong ang mga kilay na hinarap ako nito.
"Arriane, susuportahan kita sa lahat ng bagay but not this." Anito at napahilot sa sentido na tila kanina pang tinitimpi ang pagka-irita nito sa kakulitan ko.
Ang guwapo pa din ng loko kahit iritang-irita na ito.
Hindi na ako umimik pa at naupo sa sofa ng condo nito. Inabala ko ang sarili sa cellphone ko at hindi na ito pinansin.
"Arriane-"
"Don't talk to me." Sambit ko habang nasa cellphone pa rin ang atensyon ko.
Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nito. Naramdaman kong tumabi ito sa'kin pero nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa cellphone ko. Kung anu-ano na ang pinipindot ko doon.
"Galit ka." Anito at kinuha ang cellphone mula sa akin.
Masama ko itong tinignan at kinuha ang cellphone ko mula sa kamay nito pero nakipag-agawan ito.
"Akin na 'yan, ano ba?" Inis na sambit ko.
Akmang makukuha ko na iyon nang mas lalo nito iyong inilayo sa'kin. Nabigla ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hinagis nito ang cellphone ko sa pader. Nagkapira-piraso iyon sa sahig.
"Are you crazy?!" Singhal ko.
"Wala ang atensyon mo sa'kin so I destroy your phone. Alam mong ayaw na ayaw kong nawawala ang atensyon mo sa akin, Arriane." Napatitig ako sa napakaseryosong mukha nito.
"Do you really have to destroy my-"
"I'll buy you a new one." He cut me off and cupped my face. "'Wag ka nang magalit, please? Kausapin mo na ako." Ang kaninang seryosong mukha nito ay naging maamo na ngayon.
This man, how can he change his mood just like that?
Hindi ako umimik kaya iginiya ako nito paupo sa kandungan nito.
"Okay. Pumapayag na ako. But promise me na huli na 'yan, okay?" Anito at hinalik-halikan ang gilid ng labi ko.
"Talaga? Pumapayag ka na?" Masayang tanong ko.
Tumango ito at hinaplos ang pisngi ko.
"Sure? Sure talaga?" Tanong ko pa.
"Yes." Anito habang titig na titig sa mga mata ko.
"Sige, bati na tayo. Kakausapin na kita." Sambit ko at humagikhik.
"Spoiled brat." He murmured and shook his head.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim