CHAPTER 30
YAKAP-YAKAP ko si Kuya Ethan at pailing-iling ito pagkatapos akong pagalitan.
"What you did last night wasn't a joke, Arriane. Pinag-alala mo ako ng sobra." Anito sa seryosong boses.
"Sorry na, kuya." I pouted at him.
Napabuntong-hininga ito at pinisil ang tungki ng ilong ko.
"Sorry din. Nag-alala lang ng sobra si kuya sa'yo." Anito.
Kinabig ako nito at niyakap ng mahigpit.
"Let's tell Prince about your condition, baby girl. Please? He should know about this. Tell him that you're sick. He's your fiancee now and he have the right to-"
"Kuya, I will tell him later. Promise." Putol ko sa sasabihin nito.
Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa'kin at ikinulong sa mga palad nito ang mukha ko.
"Promise me, okay? Tell him. Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya pero ayaw mo lang kaya nirespeto ko ang desisyon mo. Alam kong natatakot ka lang at ayaw mong mag-alala ang mga mahal mo sa buhay. But please, tell him. Matutulungan niya tayo sa operasyon mo. Dad already found a heart donor for you." Anito at hinaplos ang buhok ko.
Tumango ako at ngumiti.
"Promise po, kuya. I'll tell him later. Hihintayin ko lang na makauwi siya." Sambit ko.
Ginulo nito ang buhok ko.
"Sabihin mo na mamaya kung hindi ako na talaga magsasabi. I'm serious, Arriane." Anito sa seryosong boses.
"Yes, kuya." Sambit ko at hinalikan ko ito sa pisngi.
Ilang sandali lang ay nagpaalam na itong umalis. Sinadya lang talaga ako nito sa bahay ni Prince para pagalitan ako ng personal. Alam ko namang nag-alala lang ito. I know how much he loves me.
Speaking of Prince, I smiled when I remembered when he said yes last night. It was an epic proposal but I'm happy that he said yes. I'm thankful also to his mom for helping me. Suportado ako nito.
Prince is now my fiancee and we haven't talk about the date of our wedding yet. May kailangan lang daw muna itong gawin at asikasuhin.
I decided to take a break first. Hindi muna ako tatanggap ng projects as of now. Gusto ko na din magpahinga. No, kailangan kong magpahinga.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at nag type ng message kay Prince.
I have something to say later at night. Take care, baby. I love you.
I tapped send. Awtomatikong napahawak ako sa sarili kong dibdib. He needs to know my condition. Kailangan nitong malaman na may sakit ako sa puso. Ang sakit na namana ko kay mommy.
I had undergone an operation before. That was when I was 12 years old. It was a successful one but not 100% successful. Mahina pa rin ang puso ko. And this time, kailangan ko ng heart donor. A very healthy one.
Napabuntong-hininga ako. I'm hoping for a better result. Sana...sana ay maka-survive ako. Gusto ko pang mabuhay ng mas matagal. Gusto ko pang makasama ang mga mahal ko sa buhay, lalo na si Prince.
Aaminin ko na hindi na maganda ang pakiramdam ko these days. Palaging sumisikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang panghihina ng puso ko pero hindi ako sumusuko. Hangga't maaari, hindi ako nagpapadaig sa sakit ko.
I'm just thankful that I can handle it well. Lalo na kapag nakikipagtalik ako kay Prince. I admit that everytime we made love, my heart was in pain. And last night he tried to make love to me and for the first time, I rejected him. I just said that I'm tired and Prince being Prince, naiintindihan nito iyon.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim