CHAPTER 31
MAHIGPIT KONG hinawakan ang kamay ni Arriane nang makapasok ako sa private room nito. She's still unconscious. Fortunately, bumalik na sa normal ang tibok ng puso nito pero mahina pa rin iyon.
"Baby girl..." I murmured as I caressed her hair.
Bumaba ang kamay ko sa tiyan nito at hinaplos iyon. Mariin akong napapikit.
"I'm sorry. I'm sorry." I whispered.
Nagmulat ako ng mga mata at hinalikan ko ang tiyan nito.
"Wake up and tell me what to do, baby. Gagawin ko lahat para sa'yo. I want to hear your voice. I want you to tell me that everything will be okay. Please." I beg and continued kissing her belly.
Pero hindi ito nagigising. Alam kong epekto iyong ng gamot na tinurok ko dito kanina. It's an injection to calm her heart temporarily.
Dinampian ko ng halik ang noo nito at sandaling lumabas ng private room nito.
Nang nasa hallway na ako ay nabigla ako nang may biglang sumuntok sa akin. Bumulagta ako sa sahig at hindi ko na kailangang tignan kung sino iyon.
Hinawakan ni Ethan ang kuwelyo ko at hinila ako patayo. Marahas ako nitong itinulak sa pader habang hawak pa rin ako sa kuwelyo. Galit ang nakikita ko sa mga mata nito.
"I warned you, K. I did warned you not to get her pregnant but what did you do?! Putangina, gustong-gusto kitang patayin ngayon, alam mo ba 'yon? Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka! Ngayon pa lang lumayo ka na sa kapatid ko! Lumayo ka sa kanya, tangina ka!" Damagundong ang galit na galit na boses nito at muli akong sinuntok.
Paulit-ulit ako nitong sinuntok pero hindi ako nanlaban. Lahat ng suntok nito ay sinalo ko. I deserved this. Parang mas lalo kong pinalala ang kalagayan ni Arriane dahil nabuntis ko ito.
Lahat ng suntok ni Ethan ay kaya kong tanggapin pero ang sinasabi nitong layuan ko ang kapatid nito ay hinding-hindi ko magagawa.
For the first time in my life, I kneeled in front of him. Lumuhod ako sa kauna-unahang pagkakataon at nagpakita ako ng kahinaan sa harapan mismo ng kaibigan ko. Sa harapan ng kapatid ng babaeng pinakamamahal ko.
Yumugyog ang magkabilang-balikat ko. Pinigilan ko pero hindi ko kaya. Kusang tumulo ang ilang butil ng luha ko.
"D, h-hilingin mo na ang lahat sa'kin huwag lang ang layuan ang kapatid mo. P-Please. She needs me. My baby girl needs me. Please, D. H-Hindi ko kaya. Hindi ko kayang layuan ang kapatid mo. Hindi ko kaya. Magalit ka na sa'kin. Saktan mo man ako o kahit lumpuin mo pa ako ay hinding-hindi ko lalayuan ang kapatid mo." Punong-puno ng pakiusap ang boses ko habang masakit na umiiyak.
Hindi na nakaimik si Ethan. Sa halip ay iniwan ako nito. Parang batang paslit na napahagulhol ako ng iyak.
Narinig kong may lumapit sa'kin at inalalayan akong tumayo.
"Be strong, man. Arriane needs you. I will talk to Ethan." James said and tapped my shoulder.
Tanging tango lang ang naging tugon ko. Wala sa sariling bumalik ako sa private room ni Arriane. Tumutulo ang mga luhang pinagmasdan ko ito. Seeing her lying down on this hospital bed with oxygen mask made my heart ache.
Nang marinig kong bumukas ang pinto ay kaagad kong pinunasan ang mga luha ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Ethan na seryosong nakatingin sa'kin. Nababasa ko ang emosyon sa mga mata nito. He's scared and worried.
"I don't want to lose my sister." He murmured and walk towards me.
Hinawakan ako nito sa braso at diretsong tumingin sa mga mata ko. Ang mga mata nito ay nanghihingi ng tulong at umaasa.
"H-Help me. Help us, please. P-Pease, Prince. Ayokong mawala ang kapatid ko. I love her. I-I love her so fucking much, K." Bahagyang nanginginig ang boses nito.
Napalunok ako at naikuyom ko ang mga kamao.
"Kung nalaman ko lang ng mas maaga, kung sinabi mo lang, kung sinabi lang ni Arriane, naging mas maingat sana ako, Ethan. I really don't know what to do now that I know that she's pregnant. You did warned me and I thought you're not that serious, D. Wala kang sinasabi sa'kin. Tangina, kung alam ko lang alam ko sana ang gagawin ko. Kung ingat na ingat ka sa kapatid mo gano'n din ako, Ethan. Alam mo kung gaano kahalaga si Arriane sa'kin pero hindi mo ako pinagkatiwalaan." Hindi ko naitago ang hinanakit sa boses ko.
Nabitawan ako ni Ethan at napayuko.
"Because she don't want you to know about her condition. She was scared, Prince." Paliwanag nito.
Marahas akong napabuntong-hininga. Hindi na ako umimik pa at pinagmasdan lang ang dalaga.
"Naoperahan na siya dati noong nasa Korea kami." Sambit ni Ethan na tila gustong ikuwento ang mga nangyari kay Arriane noon.
Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa dibdib ni Arriane.
"There's no trace that she had undergone an operation, Ethan. How come that I didn't notice that?" Nilingon ko si Ethan.
Hindi na ako nito kailangang sagutin dahil kaagad kong napagtanto ang sagot sa tanong ko. Isa ang Korea sa may pinaka-advanced na teknolohiya sa buong bansa. Hindi na nakakapagtaka kung bakit wala akong makitang peklat sa dibdib ng dalaga.
"Kailangan natin siyang maoperahan kaagad." Mahinang sambit ko.
"I already called Dad." Tugon ni Ethan.
"I will transfer her to Korea, Ethan. Doon mismo sa ospital ko." Seryoso akong tinignan ng kaibigan ko.
"What's your plan? I-I mean, about her pregnancy? You know that it's too risky now that she's pregnant, Prince." Hindi ako nakaimik sa sinabi nito.
"I-I don't want to say this but you have to get rid of the baby, Prince." Ethan sounds desperate.
"Ethan-"
"Yes, I know. Alam kong hindi dapat but we have no choice. She will never know. 'Wag natin ipaalam na buntis siya. Alam kong nagmumukha akong masama pero desperado na ako, Prince. I want to save her so bad and I'm really sorry for saying these words. Ikaw ang ama ng batang nasa sinapupunan niya kaya ikaw ang may karapatang magdesisyon." Mariin akong napapikit.
"P-Please d-don't." Bigla akong napamulat ng mga mata nang marinig ang mahinang boses na iyon.
"Arriane... God, baby..." Kaagad kong hinawakan ang mga kamay nito.
Sinalubong nito ang tingin ko at lumuluhang napailing-iling habang binababa ang suot nitong oxygen mask.
"D-Don't get rid of our baby, please. P-Please." She was begging and look at Ethan. "Kuya, please. A-Ayoko. A-Ayokong mawala ang anak ko." She's starting being hysterical.
Nagkatinginan kami ni Ethan at parehong hindi alam ang gagawin. Hindi kami makaimik. Hindi ko inaasahan na maririnig nito ang mga pinag-usapan namin.
Muli itong tumingin sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Baby... Alam kong hindi mo gagawin 'yon. You won't get rid of our baby, right? I-It's our first born. G-Ginawa natin siya ng may pagmamahal, Prince. Hindi ko kaya. Please, baby. Not our baby. Please. Please." Sunod-sunod ang agos ng mga luha nito.
Dumukwang ako at pinunasan ko ang mga luha nito.
"Shhh. I won't. I won't, baby. Stop crying, please." Mahinang sambit ko.
"Promise me, Prince. Promise me." The way she begged, it really made my heart ache.
"I promise, baby girl." I said and kiss her forehead.
Tumingin ako kay Ethan at hindi nakatakas sa paningin ko ang maluha-luhang mga mata nito.
Naikuyom ko ang mga kamao habang seryoso kaming nagkatinginan ni Ethan. I'm a doctor at alam ko kung gaano ka-delikado ang pagbubuntis ni Arriane sa kalagayan nito ngayon.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng takot. At hindi ko alam kung mapapanindigan ko ang binitawan kong pangako. She's not aware. Hindi ito aware sa katotohanang mas lalong magiging mapanganib ang buhay nito dahil sa pinagbubuntis nito.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim