Chapter 15

84.1K 2.3K 552
                                    

This is my last update. Enjoy reading and Goodnight ! ❣️

CHAPTER 15

"WHAT?" Kinuotan ko ng noo si Ethan habang mataman itong nakatingin sa'kin.

Nilapitan ako nito at kapagkuwan ay inamoy.

"Uminom ka." Anito at ngumisi.

Nagbuga ako ng marahas na hininga.

"Ano naman ngayon kung uminom ako?" Inis na tanong ko at pasalampak na naupo sa sofa.

"Ang daming basag na bote, nagwala ka? At ang pagsabog ng sasakyan kagabi, ikaw ba ang may gawa?" Taas ang kilay na tanong nito.

"D, just get out of my sight." Pagtataboy ko at napahawak sa sarili kong ulo. "Fuck this headache." I hissed.

"Bakit kasi uminom kang mag-isa? Tinawagan mo sana ako para nadamayan kita. I can heal a broken heart, man." Anito at tumawa.

Malakas ko itong hinampas ng throw pillow sa mukha.

"Ang aga-aga binu-buwesit mo ako. Wala ka bang magawa?" Sambit ko at napabuntong-hininga.

"K, tanghali na. Kung hindi pa nga kita pinasok dito baka bukas ka pa magigising, tangina ka." Anito at naiiling na naglakad patungo sa kusina.

Nang lumabas ito ay may dala na itong isang basong tubig at gamot na para sa sakit ng ulo. Inabot nito iyon sa akin.

"Thanks." Sambit ko at ininom ang gamot.

Walang imik na binalik nito ang baso sa kusina at nang muling lumabas ay may dala na itong walis at dust pan. Hinayaan ko itong linisin ang mga nagkalat na mga basag na bote. Pinunasan din nito ang sahig.

"Parang mag-jowa tayo nito, K. Jowain na lang kaya natin ang isa't-isa?" Anito at ngumisi.

"Magpakamatay ka muna." Sambit ko dahilan para mapahalakhak ito.

Naiiling na tumayo ako.

"Maliligo muna ako." Paalam ko.

"Gusto mong sabayan kita? You know, I can give you a hand job and even a blow job and-" Hindi nito natapos ang sasabihin nang binato ko ito ng napulot kong bote sa sahig.

"Nakakadiri kang tangina ka." Sambit ko at dumiretso sa kuwarto.

Kaagad akong naligo at nagbabad sa ilalim ng shower. Nang matapos ay mabilis akong nagbihis at nang lumabas ako ay nakita ko si Ethan na prenteng nakaupo sa mahabang sofa sa salas habang kumakain ng mani at nakatutok ang mga mata sa telebisyon.

Nagkalkal na naman siguro 'to ng pagkain sa kusina ko. Feeling at home talaga ang lalaking 'to.

Umupo ako sa tabi nito at inagaw ang mani mula dito.

"Hey! Mani ko 'yan!" Reklamo nito.

Nginisihan ko ito.

"Maghanap ka nang sarili mong mani." Sambit ko.

"Mamayang gabi maghahanap ako ng mani, K. Gusto mong sumama? Para naman makatikim ka ng fresh mani. Alam ko dalawang taon ka ng tigang." Anito at humalakhak.

Malakas ko itong binatukan at napasandal sa sofa.

"Wala akong gana kaya hindi ako naghahanap." Kaswal na sambit ko.

"Uh, you're so loyal to my baby sister." He smirked at me.

"Well, your sister is not that loyal. She have a suitor now and-"

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon