CHAPTER 14
"WHERE ARE YOU?" Ethan asked after I answered his call.
"Nasa rooftop ng hospital. Why?" I asked.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
"Nasa police station si Clyde. Adrian called and said that Clyde wants to turn himself in." Bigla akong napabangon sa sinabi nito.
"Alam ba ng asawa niya 'to?" Kunot-noong tanong ko.
Anong pinaplano ng lalaking 'yon? Akala ko ay maayos na ang lahat. Ilang buwan din itong nawala at inakala naming patay na ito at ngayong bumalik na ito ay iniisip kong magiging maayos na ang lahat lalo na sa pagitan nilang mag-asawa.
"Yeah, we already called her. Papunta kami sa police station ngayon. I'm with the others, you wanna come?" Napabuntong-hininga ako.
"Okay. Susunod ako." Sambit ko at pinatay ang tawag.
Bumaba ako mula sa rooftop at tinungo ang kotse ko. Bumiyahe ako patungo sa police station at doon ay nakita ko ang mga kaibigan ko.
Lahat kami ay nakatingin kay Clyde habang nasa loob kami ng opisina ni Adrian.
"What?" Kunot-noong tanong ni Clyde habang isa-isa kaming tinitignan.
Binato ito ni Ryder ng throw pillow sa mukha.
"Gago ka. Hindi ka nakakatuwa." Anito at akmang susugurin si Clyde nang pigilan ito ni Rein.
"Puwede ba? Mag relax tayong lahat. Hindi nakakatulong ang init ng ulo niyo." Saway nito at halos sabay kaming napabuntong-hininga.
"Nakulangan ka yata sa bugbog, tangina ka." Malutong na nagmura si Ryder. Ito ang pinakamainit ang ulo sa lahat.
"Anong problema mo, bud? Ipatusok kaya kita sa nurse mo at nang huminahon ka?" Si Edsel na napapailing habang nakatingin kay Ryder.
"Gago. Si Ryder ang may pantusok, bud. Matulis pa nga at siguradong malaki at mahaba." Ngumisi si Ethan na nakatayo sa tabi ko.
Tinignan ito ng masama ni Ryder at napakamot sa ulo.
"Bakit? Jutay ba, bud?" Natatawang tanong ng loko.
Akmang susugurin ito ni Ryder nang biglang kumilos ang loko at mabilis na nagtago sa likod ko.
"Brother in law, oh. Ipagtanggol mo ako, sasaktan niya ako." Parang batang sumbong nito na ikinailing ko.
Malakas ko itong itinulak patungo kay Ryder kaya mabilis itong nasakal ni Ryder gamit ang matitipunong braso nito.
"T-Teka! Nagbibiro lang naman ako! Nakita ko naman kung gaano ka kalaki, eh! Anaconda pa nga!" Anito na tinatapik-tapik ang braso ni Ryder na nasa leeg nito.
Ang iba naming mga kasama ay mahina na lang na natatawa hanggang si binitawan ni Ryder si Ethan at sunod-sunod ang pag-ubo ng huli habang hawak-hawak ang leeg nito.
Nang makahinga na ito ng maayos ay tinignan ako nito ng masama.
"Taksil kang kaibigan. Tandaan mo, hinding-hindi kita susuportahan pagdating sa kapatid ko. Kapag ikaw umiyak sa harapan ko, tatawanan kitang tangina ka." Sambit nito.
Nginisihan ko ito.
"Hinding-hindi ko iiyakan ang kapatid mo, don't worry." Tugon ko.
"Kakainin mo din 'yang sinasabi mo, Prince. 'Wag ka lang talagang iiyak sa harapan ko, tatawanan talaga kita. Lalo pa ngayon, Arriane entertained a suitor." Malapad na ngumisi si Ethan.
Bahagya akong natigilan sa sinabi nito. Did I heard him right? Arriane entertained a suitor?
"W-Wala akong pakialam." Sambit ko at napamura ako sa sarili nang mapagtantong nautal ako.
Nakita ko ang pagngisi ni Ethan. I ignored him and just a few minutes, dumating ang asawa ni Clyde.
Iniwan namin si Clyde para makapag-usap ang mga ito ng maayos.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ethan habang nakasunod sa'kin.
"Going home." Tugon ko habang papalabas ng police station.
"Hindi mo itatanong kung sino ang manliligaw ng kapatid ko?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito.
"I'm not interested, D." Mariing usal ko.
He just smirk at me.
"Really, K? Hindi ka ba talaga interesado?" Taas ang kilay na tanong nito.
I just shook my head and left.
Dumiretso ako sa kotse ko at pabagsak kong isinara iyon. Pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa condominium unit ko at nang makapasok ay dumiretso ako sa maliit na wine bar at kumuha ng alak doon.
Diretso ko iyong tinungga at nang maubos ay malakas kong hinagis ang bote ng alak sa pader. Nagkapira-piraso iyon sa sahig.
Hindi pa ako nakuntento at kumuha pa ako ng isang bote ng alak. Kahit may laman iyon ay malakas ko iyong inihagis. Nagkalat ang likido niyon sa pader hanggang sa sahig.
Mariin akong napapikit.
"You love me, huh?" Mapait akong napangiti at nagmulat ng mga mata.
Humakbang ako patungo sa kuwarto ko at kinuha mula sa malaking aparador ang sniper gun ko. Pumuwesto ako sa bintana ng kuwarto at inayos ang sniper gun ko.
Ang condominium building na kaharap lang ng condominium building na kinaroroonan ko ay ang condo kung saan bumili ang dalaga. She's staying there. Umalis ito sa poder ni Ethan at bumili ng sarili nitong condo unit last year.
At heto ako, parang baliw na stalker, gabi-gabi itong tinitignan gamit ang sniper ko mula mismo dito sa sarili kong kuwarto.
Tinignan ko ang suot kong wrist watch. Alam ko ang oras ng pag-uwi nito. Araw-araw ay alam ko ang mga schedules nito, alam ko kung saan ito pumupunta at alam ko kung sinu-sino ang mga kasama nito.
At ang malamang tumanggap ito ng manliligaw ay parang hindi ko matanggap. Kumukulo ang dugo ko.
Pumuwesto ako sa harap ng sniper gun ko at sumilip sa lens niyon.
Napangiti ako nang makita ko ang kotse nitong pumarada sa harap ng condominium unit pero kaagad ding nawala ang ngiti ko nang makitang may kasunod itong kotse at bumaba din. Hinarap nito ang dalaga at nag-usap ang dalawa.
I adjusted the lens of my sniper gun and focused it to Arriane's beautiful face. Maganda ang ngiti nito habang kausap ang lalaki. I saw how he kiss Arriane on her cheek.
Napatiim-bagang ako.
I saw Arriane walk towards the entrance of the building and I smirked. Ang lalaki ay sumunod sa dalaga.
"3... 2..." I move my sniper gun and aim it to the man's car. I focused it on the engine."1..." Kasunod nang huling bilang ko ay ang pagsabog ng kotse nito.
Malakas ang pagsabog niyon at kitang-kita ko ang gulat sa mukha ng lalaki habang nakatingin ito sa sarili nitong kotse. Parang hindi ito makapaniwala na sumabog ang sasakyan nito.
I made sure that no one will get hurt. I just want to scare the man.
Ibinaba ko ang sniper at muli akong bumalik sa wine bar. Tumungga ako ulit ng alak.
Nilunod ko ang sarili sa alak at kaagad ko iyong hinahagis kapag wala ng laman.
"Don't make me angry, Arriane. You won't like it, baby girl. You're just mine. Only mine." I murmured and close my eyes.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim