CHAPTER 38
MULA SA PUTING TELA na nakatakip kay Arriane ay nakita kong nahulog ang kamay nito.
Bigla akong natigilan nang makitang gumalaw ang daliri nito.
Halos sabay kaming nagkatinginan ni James at sabay na napamura. Mabilis ang mga kilos na tinanggal ko ang tela sa katawan nito at awtomatikong tumingin ako sa monitor.
"Fuck! Fuck! Fuck!" Sunod-sunod akong napamura nang makitang bumalik sa normal ang tibok ng puso nito.
Mabilis kong binalik ang oxygen nito at si James ay mabilis ang kilos na sinigurado kung may heartbeat pa ang nasa sinapupunan ni Arriane.
"Tangina, this is miracle, Prince." Hindi makapaniwalang sambit ni James nang tumingin sa akin. "She came back to life as well as your baby. Fuck." He sounds amazed.
Hindi makapaniwalang napasabunot ako sa sariling buhok at sunod-sunod na nagmura. This is a big miracle, indeed.
Sa sobrang tuwa ay niyakap ko si James at humagulhol ng iyak sa balikat nito. Pilit ako nitong pinapakalma pero ayaw tumigil sa pagtulo ang mga luha ko.
When I calmed down, I checked her vital signs and did some test. Medyo nanghina ako nang mapagtantong hindi kinaya ng utak nito ang operasyon. Her mind won't response. She's in coma at walang nakaalam kung kailan ito magigising o magigising pa ba talaga ito.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay nito. Naniniwala akong magigising ito. Babalik ito sa'kin. Babalik ang asawa ko at handa akong maghintay kahit gaano pa iyon katagal basta't ang importante ay buhay ito.
I transfered her to the private room and she stayed there for a couple of weeks. She's still in a coma until we transfered her at J'Smiths Hospital in the Philippines.
Ramdam ko ang matinding pagod at pag-aalala. Isama pa ang kalungkutan at sakit na nararamdaman ko dahil sa kalagayan ni Arriane. Pero hindi ako puwedeng sumuko.
Ethan was there for me. Pareho kaming nag-aalala at alam kong nalulungkot din ito maging ang Daddy nito. We just prayed everyday for Arriane's recovery and hoping that she will wake up soon.
Isang gabi ay naisipan kong uminom para panandaliang makalimutan ang mga nangyayari. Uminom ako ng uminom at wala akong pakialam kahit may nakakakita sa'kin habang umiiyak habang umiinom ng alak.
Someone approached me and asked if I'm okay.
"I'm Lyra." She's trying to open a conversation with me.
Sa una ay hindi ko ito pinapansin pero ayaw ako nitong tigilan. Panay ang pag-alalay nito sa'kin at nakikita ko ang totoong pag-aalala nito para sa'kin.
She's nice and friendly. Kaya siguro nakapalagayan ko ito ng loob. Hindi ko napigilan at nasabi ko ang lahat ng mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw. Nakikinig lang ito sa akin hanggang sa tuluyan akong nilamon ng matinding kalasingan.
And the next morning, I found myself in bed. With Lyra.
Pabalikwas akong bumangon at napasabunot sa sariling buhok. Lyra woke up and look at me. Tila nagulat din ito nang mapagtantong magkatabi kami sa iisang kama.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim