CHAPTER 40
"I WANT TO SEE MY DAUGHTER. Please?" Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Prince at nagmamakaawa ang mga matang tinignan ko ito.
Masuyo ako nitong pinaupo sa malapad nitong kama at sinapo ang mukha ko.
"Yes of course, baby girl. But you have to take a bath first, okay? Nabasa ka ng ulan, baka magkasakit ka." Anito at hinalikan ako sa noo.
Kaagad ako nitong diniretso sa loob ng kuwarto nito kanina nang makarating kami sa bahay nito.
Masunurin akong tumango.
"I can see her then after I take a bath?" I excitedly asked.
Nakangiting tumango ito.
Malapad akong napangiti pero kaagad din iyong nawala.
"May problema ba?" Kaagad na tanong ni Prince nang mapansin marahil ang lungkot sa mukha ko.
Hindi ako umimik kaya tinabihan ako nito.
"Arriane, tell me what you're thinking." Anito sa masuyong boses.
"S-She's with..." Hindi ko matuloy ang sasabihin.
"Lyra, you mean?" He said and I nodded.
Masuyo ako nitong dinala sa mga bisig nito, walang pakialam kahit parehong basa ang mga suot namin dahil sa malakas na ulan kanina.
"Are you...jealous?" He softly asked.
Nahihiyang tumango ako.
He let out a soft chuckle.
"I already explained it to you earlier, baby. Walang namamagitan sa amin ni Lyra. She's a good friend, nothing more, nothing less." Anito habang hinahaplos ang basang buhok ko.
Tinignan ko ito sa mga mata.
"H-Hindi ka nagkagusto sa kanya kahit...ilang segundo lang?" Nag-aalangang tanong ko.
"Kapag sinabi kong oo, anong gagawin mo?" Balik tanong nito, tila aliw na aliw sa hitsura ko.
Napanguso ako.
"So, nagkagusto ka nga sa kanya?" Maluha-luhang tanong ko.
Hindi ito sumagot. Inis at padabog na tumayo ako.
"Maliligo na ako." Nakasimangot na sambit ko.
He just nodded and let out a short laugh. Tinatawanan ako ng loko!
"Lumabas ka na." Inis na pagtataboy ko.
"I want to join you in shower, baby." Anito at tumayo.
"Don't you dare. Doon ka kay Lyra mo." Padabog na sambit ko at kinuha ang malaking t-shirt na pinatong nito sa ibabaw ng kama kanina para maisuot ko. May kasama iyong bagong underwear.
Dire-diretso ako sa loob ng banyo at naririnig ko pa rin ang mahinang pagtawa nito. Inis na naligo ako. Sinadya kong magpatagal sa loob ng bathroom at doon na rin nagbihis. Tanging malaking shirt lang ang suot ko at underwear. Hanggang ibabaw ng tuhod ko ang shirt kaya litaw na litaw ang maputi, mahaba at makinis kong legs. Wala din akong suot na bra.
Nang makalabas ako ay nakita ko si Prince na pinapatuyo na ang buhok nito. Mukhang sa kabilang kuwarto ito naligo. Tuloy ay mas lalo akong nakaramdam ng inis. Noon ay gustong-gusto nitong sabay kaming naliligo.
Hindi ko ito pinansin at lihim na lang na napalunok sa nakikitang nakabalandrang katawan nito. He's just wearing a boxer shorts, topless and his abs are showing proudly right in front of me.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim