CHAPTER 34
"DADDY." Mahigpit kong niyakap ang ama ko nang makita ko ito.
We just arrived here in Korea. Diniretso ako sa hospital ni Prince at kaagad akong pinuntahan ng ama ko sa private room ko.
Hinagod ni Daddy ang likod ko at hinalik-halikam ang tuktok ng ulo ko.
"My poor baby. I miss you so much, anak." Anito sa mahinang boses habang mahigpit akong niyayakap.
"Namiss din kita, Dad." Maluha-luhang sambit ko.
Kumalas ito mula sa'kin at sinapo ang mukha ko.
"Our baby girl." Pinagmasdan nitong mabuti ang mukha ko. "Was it tough? Daddy's just here for you as well as your Kuya Ethan. And also Prince. Nandito lang kaming lahat sa'yo, baby girl. Lalaban tayo, naririnig mo ba? Lalaban tayo." Anito sa maluha-luhang mga mata habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Opo, Daddy." Tumango ako habang lumuluha at muli ko itong niyakap.
I saw Kuya Ethan who's looking at me. Malungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa'min. Sunod kong tinignan ay si Prince. Namumula ang mga mata nito na tila pinipigilan ang pagluha.
Kasama ko ngayon ang tatlong lalaking pinakamahalaga sa buhay ko at napakasaya ko. Sobrang saya ko dahil nakikita kong magkasama ang mga ito.
"Stop crying, my baby. Makakasama 'yan sa'yo." Malumanay na sambit ni Daddy at hinalikan ako sa noo.
Isa-isa ko silang tinignan. Ilang oras na lang ay ooperahan na ako. At naitanong ko sa sarili, makikita ko pa ba sila pagkatapos ng operasyon? Makakasama ko pa ba ang tatlong lalaking 'to? Ang tatlong lalaking pinakamahalaga sa buhay ko? Mayayakap ko pa ba sila?
Sinalubong ko ang tingin ni Daddy at ngumiti.
"Mahal na mahal kita, Dad. Thank you for spoiling me always. Salamat sa pagmamahal mo. You're one of the best father that I've ever known. I always admire you for being a good father and I admire you more for loving my mom even she left us early. Salamat dahil pinakita mong siya lang ang babaeng minahal mo ng sobra-sobra. I always dream na sana...sana makatagpo ako ng lalaking katulad mong magmahal at mag-alaga. And I'm sorry but I found him, Dad." Naluluha na natatawang sinulyapan ko si Prince.
Prince automatically smiled at me and mouthed "I love you".
Sunod kong tinignan si Kuya Ethan.
"Salamat sa lahat ng suporta. Sa lahat ng kagagahan at kalokohan ko, you always tolerate me, Kuya. Kahit alam mong mali, nandiyan ka pa rin para suportahan ako. You're the best kuya ever. Thank you for protecting me always. Thank you for loving me. I love you so much, kuya. Sobrang proud na proud ako dahil ikaw ang kuya ko." Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha ko.
Huli kong tinignan ay si Prince at nginitian ito.
"Thank you for confessing your feelings, baby. Noong araw na inamin mong mahal mo ako, sobrang saya ko. Sobrang saya ko to the point na sinabi ko sa sarili ko na puwede na akong mamatay at-"
"Baby... Please." Mariin ang pagpigil nito sa sasabihin ko.
Paulit-ulit akong umiling.
"No." Sambit ko habang umiiyak.
"I have to say this. You have to hear this. I feel weak, Prince. Alam kong alam mo 'yan. M-My heart, my heart is really painful these past few days. Gusto kong sabihin lahat. Gusto kong marinig at malaman mo kung gaano ako kasaya dahil minahal mo ako. Pinangarap kita since I was 15. Ikaw ang pangarap na gustong-gusto kong abutin. Ikaw ang pinakamataas na pangarap ko, Prince. And I always thought na wala akong pag-asa, na wala akong puwang sa puso mo, na bata lang ang turing mo sa'kin but you came to me." Diretso ko itong tinignan sa mga mata.
"Kusang lumapit sa'kin ang pangarap ko. Kusa mo akong inabot. You embrace and love me. I was so happy. God, kulang ang salitang masaya sa nararamdaman ko nang malaman kong mahal mo ako. Alam kong natakot ka. Natakot kang sumugal dahil akala mo mababaw lang ang pagmamahal ko sa'yo. Ang edad ko ay hindi hadlang para magmahal ng totoo, Prince. Mahal kita, lagi mong tatandaan 'yan. Sobrang mahal na mahal kita. At salamat dahil sumugal ka para mahalin ang isang katulad ko na mas bata ng sampung taon sa'yo. Maraming salamat, prinsipe ko." Punong-puno ng luha ang mga mata ko.
Humakbang si Prince at ikinulong ako sa mga bisig nito.
"Hearing you saying those things, it made me scared. 'Wag ka namang magsalita na parang nagpapaalam ka na. Please. Gagawin ko lahat para gumaling ka kaya please gawin mo din lahat. Tulungan mo ako. Lumaban ka. Lalaban tayo. Magkasama tayong lalaban, naririnig mo ba ako? Magkasama tayo sa lahat ng 'to. Mabubuhay ka at makakasama pa natin si baby. Bubuo pa tayo ng marami at masayang pamilya, Arriane. Hindi ka puwedeng bumitaw." Mariin ngunit nakikiusap ang boses nito.
Nakangiting tumango ako. Of course, I will fight. For myself, for my baby, for them.
Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at hinaplos ang buhok ko.
"Rest now, baby. Ilang oras na lang ooperahan ka na. Kailangan mong magpalakas, okay?" Anito habang inaalalayan akong makahiga.
"Thank you." Mahinang sambit ko.
Naiwan si Prince sa tabi ko nang magpaalam si Kuya at Daddy.
Panay ang halik nito sa tiyan ko at kapagkuwan ay lumipat sa labi ko.
Pumikit ako at mahigpit ko itong hinawakan sa kamay.
"Prince..." Tawag ko sa pangalan nito habang nanatiling nakapikit.
"Yes, baby? Do you need anything?" He softly asked.
Pinagsiklop ko ang mga kamay namin.
"H-Hindi ko na kaya." Nangilid ang mga luha ko at kasabay ng mga katagang iyon ay ang malakas at nakakabinging tunog ng machine sa kuwartong kinaroroonan ko.
"Baby..." Naramdaman ko ang pagkulong ng palad ni Prince sa mukha ko pero hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko.
Ramdam ko ang panghihina ko.
"Baby, open your eyes. Talk to me." Mariing utos nito.
Dahan-dahan ay nagmulat ako ng mga mata at humagulhol ng iyak. Hinawakan ko ang pisngi nito at masuyo iyong hinaplos.
"S-Save me. P-Please." Mahinang pakiusap ko.
Tuluyang nanghina ang puso ko at bumulong.
"I love you, Prince. I love you so much."
Iyon ang mga huling katagang namuntawi mula sa bibig ko bago ko narinig ang komosyon na tila may mga tao sa paligid ko na natataranta habang inaasikaso ako.
"Stay, baby. I beg you. Please." I heard Prince whispered.
Dahan-dahan ay lumuwang ang pagkakahawak ko sa kamay nito at tuluyan iyong nalaglag. Tuluyan akong bumitaw.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim