CHAPTER 3
"HAPPY BIRTHDAY, baby girl." Nakangiting binati ako ni Kuya Ethan.
Hinalikan ako nito sa pisngi.
"Thank you, kuya." Masayang sabi ko at matamis na ngumiti.
It's my 18th birthday and I'm so excited for tonight's event.
"Ready for tonight?" My brother asked as he look at me and caressed my cheek.
Excited na tumango ako.
"I'm super excited, kuya." I said.
"Good. Magpahinga ka muna dahil siguradong mapapagod ka mamaya sa party mo. After you take a rest, aayusan ka na, okay?" Anito at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Thank you, kuya. Alam kong napagod kayo ni Daddy para sa party ko. Thank you so much." Malambing na humilig ako sa malapad na dibdib nito.
Awtomatikong niyakap ako nito.
"Anything for our baby girl. You know that we'll do everything for you, right? Be a good girl lang, baby girl. This kuya of yours loves you so much." He said and mess with my hair when I pulled away form his hug.
"Kuya, dapat bukas hindi mo na ginugulo ang buhok ko. Dalaga na ako." Sinimangutan ko ito.
Mahina itong natawa.
"You're still my baby girl kahit dalaga ka na." Anito.
"I'll get married soon." I said and smiled.
"With whom?"
"Siyempre kay baby Prince ko."
Tinaasan ako nito ng kilay.
"Hindi puwede. Bata ka pa. Mag-aral ka muna." Striktong sambit nito.
"Yeah, I know. Pero siya lang ang papakasalan ko, okay? Siya lang dapat ang magiging asawa ko. Ang magiging ama ng mga anak ko. Ang makakasama ko sa pagtulog hanggang sa paggising. Siya lang talaga ang para sa'kin, kuya. Si Prince lang." Sambit ko na tila nangangarap at alam kong kumikislap ang mga mata ko.
Muli ay mahina itong natawa.
"Yeah, yeah. But don't take it seriously for now, okay? I don't want you to get hurt, baby girl. Ayaw mo naman sigurong masira ang pagkakaibigan namin ni Prince, hindi ba? You know that it's you I'll always choose. Just don't get hurt. I know that Prince is a good man, baby girl pero hindi natin hawak ang emosyon niya. Hindi natin alam kung ano ang iniisip niya so just take it easy. Ayokong masaktan ka dahil sa kanya o sa kahit na kanino man. Magkakamatayan na kapag may nanakit sa'yo." Seryosong-seryoso ang mukha nito.
Kaagad akong tumango.
"Promise, I won't get hurt, kuya." Pangako ko.
"Promise? Kahit magkaroon ng girlfriend si Prince hindi ka masasaktan?" Taas ang kilay na tanong nito.
Pakiramdam ko ay parang bigla akong nanlamig dahil sa tanong nito.
"B-Bakit? M-May nililigawan ba siya, kuya?" Kinakabahang tanong ko.
"I don't know. Pero naririnig kong nagkakamabutihan sila ng kapwa niya doctor sa hospital niya. Palagi silang tinutukso. I once saw the woman and she's really beautiful." Tugon nito at nagkibit-balikat.
"Baka close lang talaga sila." Nakasimangot na sambit ko.
Tinignan ako nito.
"Baby girl, kilala ko si Prince. Hindi madikit sa babae 'yan. Ikaw nga lang 'tong dikit ng dikit sa kanya. But that woman is different. Hindi basta-basta nakikipagmabutihan si Prince sa mga babae. Do you get my point?" Anito sa napakaseryosong boses.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim